Twenty

165 6 1
                                    

TRNIC: Chapter 20


I was still crying when we left McDonald's. Tila nakalimutan ko ang gutom na naramdaman ko kanina dahil sa nakita ko. Bitbit ni Jericho ang dalawa kong bag, pati iyong paper bag ng pagkain na pinatake-out nalang.



I told him that I want to go home. Kaya tahimik lang siyang pumayag sa sinabi ko. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kahit may mga bitbit siya, sinigurado niyang magkahawak pa rin ang kamay namin.


I could feel how he wanted to ask me what's wrong, but he remained silent until we're inside the bus. Bakas sa kaniya ang pag-iingat.


Pansamantalang nakahinto ang bus para sa mga papasok palang na pasahero. Pinili pa rin niyang upuan namin ang pandalawahang upuan. Tulala lamang ako sa bintana, and trying to let what I saw, sink.


I felt Jericho's hand wiped my tears again. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Nakatitig ako sa mga mata niya, habang siya ay nakatitig sa mga luha na pilit niyang tinutuyo.


"I'm here. Andito lang ako, Ginn," his voice was so low.


It's like he's comforting me, for something he doesn't know about. Tumango-tango ako sa sinabi niya. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko pa rin.


"N-nakita ko si Papa. He's in McDo, eating with..." I stopped talking, not wanting to mention who was Papa with.


His lips parted a little. He was a bit fazed by what I said, and at the same time, finally understand why I became emotional. Bumaba ang tingin ko sa adam's apple niya, nang umalon iyon dahil sa ginawa niyang paglunok.


He pulled me into a tight hug. I heard him took a deep sigh, while caressing my hair. Kumapit ako sa braso niya at pumikit. We stayed like that for a while. Hanggat sa umandar na ang bus.


"Gutom ka na ba, Ginn? Let's eat our food in here, hmm?" he asked, in a very soothing tone.


Mahina akong tumango sa sinabi niya. He sighed and smile at me. He lend forward after, just to kiss my forehead.


"I'm sorry," he murmured.


Ang kinain lamang namin ay iyong burger at fries. Dahil baka kumalat ang kanin at ulam. Lalo pa at umaandar na ang bus. I appreciate how Jericho would try to light up my mode. Kinuha pa niya ang camera ko sa loob ng tote bag ko, after eating our food.


"So Ginnies of my Ginn, we're on our way to Bulacan!" he was cheerful.


Tinutok niya ang camera niya sa may bintana para ipakita na nakasakay kami ng bus ngayon. Nilipat din naman niya ang camera sa akin.


"Travel vlog number six with Ginn, my sunshine," dagdag niya at mahinang humalakhak.


Inakbayan niya ako at nilapit sa kaniya, para kaming dalawa na ang siyang mahagip ng camera. Ngumiti naman ako agad, na alam kong hindi ganoon kalapad. Kinaway-kaway ko ang kamay sa camera at nagflying kiss.


Nagvivideo kami palagi sa loob ng bus sa tuwing umuuwi ako ng Bulacan. Sabi niya ganoon daw ang gagawin namin palagi, sa tuwing babayahe kaming dalawa. Magvo-vlog daw kami. Remembrance. Memories.


When he ended the video, he then returned the camera in my bag. I heard him sighed heavily. Kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.


Tumitig lamang siya sa akin at muling bumuntong hininga. He lifted his hand, and carefully tucked my hair behind my ears. Nasa tenga ko ngayon ang mga mata niya, habang ang mga mata ko naman ay nasa kaniya.


"I'm sorry, Ginn. Wala man lang akong magawa," he said with his low voice, still tucking my hair, even it's tucked already.


"Y-you don't have to say sorry. Wala ka namang kasalanan e," mahina kong sabi habang nakatitig pa rin sa kaniya.


Umangat ang kamay niya mula sa may likod ng tenga ko, patungo sa noo. He's now carefully arranging my bangs.


"I'm sorry that you have to experience that," he murmured.


Inalis niya ang tingin niya sa bangs ko at tumitig sa mga mata ko.


"I don't want to see you cry like that again, Ginn. Nakakapanghina," his voice was so low. "Pero kung ang pag-iyak, ang siyang paraan para mawala ang bigat. Umiyak ka lang, at sumandal sa akin,"


Binaba ko ang tingin at bumuntong hininga. I held his hand, that's resting on his lap. Hinaplos ko ang hinlalaki niya, at pinagsalikop ang kamay namin maya-maya.


"It's my first time... seeing Papa's woman in person. Noon sa picture ko lang nakita. Si Mama at Glenn agad ang pumasok sa isip ko. Na mabuti nalang at hindi sila ang nakakita," mahina kong sabi, at binigyan nang pisil ang kamay niya.


Malungkot akong ngumiti at bumuntong hininga, bago inangat ang tingin sa kaniya. He sighed also and continued fixing my bangs.


"Hindi kita iiwan, Ginn. Hindi ako aalis," he whispered.


Nang makarating kami ni Jericho sa bahay, nagkuwentuhan ulit sila ni Mama. Wala na ring pasok si Glenn. Kaya nakipagkulitan si Jericho sa kaniya. Naabutan pa namin si Abegail sa bahay, ang kaso, sinundo na rin naman agad siya.


That day, when the bus had stopped, when we reached Bulacan, I told Jericho not to tell Mama about me, seeing Papa. It never crossed my mind to tell her and Glenn about seeing Papa again.


Para saan pa? Para saktan lang din sila? What happened that day, will just be buried in my memory. Mama was right, it's time for us to move forward and move on. Hindi titigil ang ikot ng mundo para sa amin.


Jericho was a bit dramatic, when we bid our goodbyes that day. He told me that he'll call me or we'll do video call, every night. Hindi na rin kasi kami makakapagkita dahil nasa hometown na sila ng Papa niya.


My sembreak for that year, was about Mama, Glenn and Abegail. Palaging hinahatid si Abegail ng Papa niya sa amin kapag umaga at sinusundo naman kapag hapon. She's very fond of Glenn, and she loves to be in our house.


Kahit sembreak, palaging umaalis pa rin si Mama, dahil wala namang sembreak sa work niya. Kaya halos ako ang kasama ng dalawang bata sa umaga. And I am happy that Abegail made our house more lively.


Having Abegail around, makes Glenn happy. At halata rin kay Gail, na masaya siya kapag nagkikita sila. Dahil ako ang siyang kasama nila, napapasama ako sa paglalaro nila at panonood ng cartoons. Gail is fond of watching We Bare Bears too.


Kinindatan ko si Abegail na nakaupo, habang nakapatong magkasalikop na kamay sa mesa. Si Glenn naman ay tahimik lang sa tabi niya.


"Naamoy ko na, Ate Gigi," Abegail with her wide smile.


It's just the three of us in our house, as of the moment. At naisip kong magbake ng cookies para sa amin. Ulan is coming over. Mukhang malapit na siya dahil hindi na nagre-reply sa chat ko. Wala siyang magawa sa kanila kaya naisip na dumalaw rito.


"Wala pa akong naamoy," sabi ni Glenn, at nagkibit ng balikat.


Ako rin. Wala pa rin akong naamoy dahil kalalagay palang ng cookies sa oven. Binobola lang ako nitong si Abegail.


"Ah, sa isip ko lang ata," Abegail giggled.


Umiling-iling nalang ako at nilapitan siya para kurutin ang ilong. This little girl is very cute. Napatingin ako sa may sala nang marinig ang bumukas na pintuan. Iniwan ko saglit sila Glenn at pumunta sa sala.


Bumungad agad si Ulan na may bitbit na box ng pizza. Nilapag niya iyon sa center table at sumalampak sa sofa. Medyas nalang ang siyang natira sa paa, na nakapatong pa ang isa sa center table namin, like a boss.


"Wala ermats mo?" she asked and handed the remote.


Nakangiti akong tumabi sa kaniya, at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.


"Wala. Mamaya pa uuwi 'yun," sagot ko.


Tumango siya at binalik ang atensyon sa TV.


"Arat sa kitchen. Nagbebake ako ng cookies," nakangiti kong sabi, at tumayo na sa sofa.


Tumaas ang dalawang kilay niya, tila ayaw maniwala. Kaya pinanliitan ko siya ng mga mata. Nagkibit siya ng balikat, at muling binalingan ang TV, para patayin. Tumayo rin naman kalaunan.


"Nagbake ka pa, ako lang naman bisita," she smirked.


"Ang kapal, hindi para sa'yo," I smirked too.


Ngumisi siya sa akin at kinuha sa center table ang pizza.


"Gumastos na naman," umiiling-iling kong sabi.


"Pagkain naman 'yan. Kakainin din natin, di masasayang," sagot niya.


"Gumawa naman ako ng cookies e," natatawa kong sabi at pabiro siyang inirapan.


"Edi nagbake ka nga para sa akin," she smirked again.


Hinampas ko nalang siya sa braso at sabay na kaming tumungo sa kitchen.


"Oh? Bakit may bubwit dito?" tanong niya, nang makita si Abegail.


"Ate Rain," Glenn smiled at Ulan.


Tumango si Ulan sa kapatid ko at ginulo ang buhok nito, nang makalapit sa upuan.


Hindi ito ang unang beses na naparito si Ulan sa bahay. Kapag narito nga 'yan, mas kinakausap pa si Mama kesa sa akin. Unang punta niya rito ay noong summer vacation namin noong grade 11.


At kapag bakasyon at wala siyang magawa sa kanila, namamalagi siya rito. Hindi naman kasi ganoon ka-layo ang bahay ng Papa niya rito sa amin. Isang sakay lamang ng jeep.


Kapag bakasyon, paiba-iba ang tirahan niya. Minsan ay umuuwi siya sa Papa niya, at minsan sa Mama niya. Kapag ayaw niyang pumipili minsan kung saan mananatili, nag-s-stay nalang siya sa dorm namin mag-isa.


"Si Abegail, iyong naikuwento kong kaibigan at classmate ni Glenn," I said.


"Hello po," Gail cheerfully greeted.


"Mahilig ka rin bang manood ng powerpuff girls?" tanong niya kay Abegail.


"Opo, 'yung pink favorite ko, si Blossom," nakangiting sagot ni Abegail. "Minsan si Buttercup. Minsan naman si Bubbles,"


"Favorite ni Ara 'yung blue," Ulan said referring to her younger sister.


"Ako rin, favorite ko rin. Pero mas favorite ko si Blossom," Abegail looked so happy and interested. "Ikaw po? Sino favorite niyo? Si Buttercup po?"


"Hindi. Si Mojo Jojo," sagot ni Ulan.


"Ha? E diba villain po 'yun?" si Gail.


"Kaya nga favorite ko," Ulan smirked.


Maliit na nangunot ang noo ni Abegail. Nagtataka kung bakit iyong villain na character ang favorite ni Ulan.


"Daldal naman ng batang 'to, mana sa'yo," baling sa akin ni Ulan.


"Hoy, hindi naman ako madaldal," depensa ko sa sarili.


"Syempre, hindi mo talaga aaminin," aniya.


Nagtimpla ako ng juice habang hinihintay na maluto na ang cookies. Si Ulan naman ay tahimik na naglalaro ng mobile legends.


Tahimik ang dalawang bata na pinapanood siya habang naglalaro. Mukhang matitino ang kakampi niya, dahil tahimik lamang siya at hindi nagrereklamo.


"Easy star," aniya.


"Mukhang swerte sa kampi ah," I said.


"Syempre, hindi kita kakampi e," aniya at ngumisi.


Masaya namin na kinain iyong cookies at pizza. Tuwang-tuwa si Abegail, at sinabi na ang pakikipaglaro lang naman kay Glenn ang siyang pinunta niya, tapos ay nakakain pa siya ng cookies at pizza.


"Kamusta pala iyong family reunion?" tanong ko kay Ulan nang kami nalang ang maiwan sa kitchen.


"Family reunion pa rin," she shrugged her shoulders.


"Ano nga?"


"Ayun, out of place," aniya, at nagkibit ulit ng balikat. "Wala namang kumakausap sa akin doon. Si Mama lang. Ayos lang, si Mama lang din naman pinunta ko roon,"


Tumango ako at maliit na ngumiti.


"'Wag ka mag-alala. Andito naman ako, hindi ka ma-o-out of place sa akin," banat ko nalang at kinindatan siya.


"Alam ko," she answered.


Umuwi lang si Ulan nang araw na 'yun, nang makauwi si Mama. Gusto niya raw kasi na magpang-abot sila. Gusto kong sabihin kay Ulan na nakita ko si Papa, pero hindi ko nalang ginawa.


Dahil alam ko, kahit hindi niya sabihin, malungkot siya noong family reunion. At bukod doon, hindi na rin naman ganoon kabigat ang dibdib ko tulad noong araw na nakita ko si Papa. I can still handle it. I won't bother Ulan just for that.


Kinabukasan, dumalaw ulit si Abegail sa amin. May mga dala pa siyang pasalubong para kay Glenn. Ang Mama niya ang siyang naghatid sa kaniya, kaya nakausap ko ito saglit. Nagpaalam din naman ito at sinabing ang Papa ni Abegail ang siyang susundo sa kaniya.


Her Papa and Mama are both working, at naiiwan ang kapatid nito sa Lola niya. Siya naman ay nagpapaiwan sa amin. Their house is not that far from our house. Kalilipat lang pala nila rito sa Bulacan. Kaya wala pa gaanong kalaro si Gail na kapitbahay.


Sinundo rin naman si Gail ng Papa niya kinahapunan.


I'm now in my room, facing my laptop. I'm currently editing a new content. Noong nakaraan ay nagvideo ako ng night routine ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng time na i-edit iyon. Mama and Glenn are now in their rooms, sleeping.


"Kapag tumingin ka. Akin ka," Jericho chuckled.


"Kahit hindi naman ako tumingin, sa'yo pa rin naman ako," balik ko.


"Damn," he muttered.


From the video I'm editing, I glanced at my phone. Nakasandal ito sa tumbler ko, na nakapatong sa study table ko, beside my laptop. Nakita ko ang pag-ahon ni Jericho sa pagkakahiga. Kaya umiling-iling ako at bumelat sa kaniya.


"Akala mo ikaw lang marunong," I stuck my tongue out.


Humalakhak siya sa sinabi ko. Kaya mahina akong natawa. Muli ko ring binalik ang tingin sa laptop. This is just one of those nights, where Jericho and I would do video call. Tuwing gabi madalas.


Dahil iyon ang mga oras na pareho kaming wala nang ginagawa. At hinihintay nalang ang antok na kainin kami. 


"Hindi ka pa ba matutulog?" he asked.


Umiling-iling ako at inabot ang mug ng coffee, sa study table. Habang sumisipsip ng kape, tinuon ko ang tingin sa cellphone para tignan si Jericho na ngayon ay humiga na ulit sa kama niya.


"Hindi ako inaantok. Tapos nagkape pa ako. Oh diba? Saan ka pa?" I chuckled.


"Syempre sa'yo. Sa'yo lang ako, Ginn," he winked at me.


"How about you? Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko.


"Sabay tayo," aniya.


Gumagalaw-galaw siya ngayon sa camera. Mukhang inaayos ang cellphone sa tabi niya, upang hindi na niya iyon kailangang hawakan, katulad ko. Nang maayos na niya iyon, umayos rin siya nang higa sa kama.


"Sabay tayo? Tara rito sa bahay kung ganoon," I said and laughed a little.


"Ginn, 'wag ako Ginn. Marupok ako," parang bata niyang sabi at niyakap-yakap ang unan.


It was a random conversation with Jericho. He looked so sleepy, but he won't go to sleep. Dahil sabay nga raw kaming matutulog. Naririnig ko na ang paghikab niya. Kaya sinulyapan ko ang cellphone at naabutan siyang tinatakpan ang bibig.


"Sleep ka na," I said.


"Hindi pa ako inaantok," sagot niya at muling humikab.


Napangiti ako nang dahil doon. 


"I love you, Glory Ginn," he said with his sleepy voice.


"I love you too,"


Ang sinabi niya na sabay na kaming matutulog, hindi nangyari. Dahil ngayon ay naririnig ko na ang mahina niyang paghilik. Inalis ko ang pagkakapatong ng kamay sa keyboard ng laptop, at sumandal ako sa upuan.


I stared at my phone, and watch Jericho sleeping soundly. He's hugging his pillow. His lips were slightly parted. Hindi ko napigilang mapangiti, habang pinapanood siya na payapang natutulog.


Binalingan ko ulit ang laptop at naisip na bukas na ulit ipagpatuloy ang pag-i-edit. I shut it down, and closed it after. Ginilid ko iyon at inubos na ang malamig ng kape.


Tumayo ako para dalhin ang baso sa kusina. Nagtootbrush na rin ako at uminom ng tubig bago bumalik sa kwarto.


I turned off the light in my room, and got my phone on the study table. Humiga ako ng patagilid sa kama at niyakap si Grizzly, na dinala ko rin noong umuwi ako.


Nakatitig lamang ako sa cellphone, na hanggang ngayon ay on-going pa rin ang video call. Ang mahinang hilik ni Jericho ang siyang nagsisilbing music ko, habang yakap ko ang stuffy toy. I smiled by myself.


Nilapit ko ang cellphone sa akin, at hinalikan ang screen.


"I love you," I whispered and smiled, before ending the video call.


Our sembreak for this school year, then come to an end. And now we're back to our normal lives. But I was happy with it. Dahil ginawa naman namin nila Glenn ang bawat araw na masaya, para kapag bumalik na ako sa dorm, hindi niya ako gaanong mamiss.


I've seen my grades the last time, and I'm very happy and satisfied about it. I was qualified for Dean's Lister as well as Jericho. Ulan was qualified for President's Lister too. All those efforts we exerted was worth it.


Ang bago kong schedule for the second semester, ibang-iba sa bagong class schedule rin ni Jericho. Halos hindi tugma ang mga iyon. Kahit si Ulan ay iba rin.


Noong unang araw ng 2nd semester, nagpunta kami ng Main Campus. I was with Ulan and Jericho's friends and girl friends. Dahil wala pang mga professor, naisip nila Nana na sabay sabay na kaming maglunch. 


Today, I am just alone in my room now. Nasa CEA si Ulan. I'm currently waiting for my new content to be uploaded. Ang laman ng video ay patungkol sa unang araw ng second semester.


FIRST DAY OF OUR SECOND SEMESTER + FOODTRIP IN LAGOON | G. GINN 


Napangiti ako nang tuluyan nang maupload ang video. I couldn't help but to giggle upon seeing the numbers of my subcribers. It's now 18.4K. Halos PUPians ang mga subscribers ko. Ang iba naman ay iyong dream school ang PUP. At meron din naman na sa ibang school nag-aaral.


Nasa kalagitnaan ako nang pagtitig sa laptop, nang tumunog ang cellphone ko. Nakapatong iyon sa study table, katabi ng laptop ko.


Napangiti ako agad nang makitang si Jericho iyon. Mabilis ko iyong dinampot. Tumikhim muna ako bago sinagot ang tawag.


"Ginn, I'm outside your dorm,"


"May pasok ka ah?" I raised a brow.


"Walang prof. Lunch tayo?" aniya.


Tumango-tango ako sa sinabi niya, at sinabing pababa na ako. Pinatay ko na ang laptop at hinagilap lamang ang susi ng kwarto. Mabilis na akong naglakad sa hallway nang maisara na ang pintuan.


Pagbukas ko ng gate, bumungad agad si Jericho. Nginitian niya ako, kaya muli ko na namang nasilip ang sungki niya. He's wearing a black v-neck shirt and black jeans. Wala siyang dalang drawing canister, tanging ang backpack lamang na nakasukbit sa isang balikat.


Hindi pa rin kasi kumpleto ang professor nila. Kaya hindi pa sila nag-uumpisang gumawa ng plates. At bukod doon, kabubukas palang din ng ikalawang semestre. Kaya wala pa gaanong ginagawa.


Agad niya akong ginawaran ng halik sa noo nang makalapit ako sa kaniya. Nginitian ko naman siya at hinagilap ang kamay niya. Naglakad lamang kami patungo sa Teresa. Kakain kaming dalawa ng sisig.


Maraming customer nang marating namin iyon. Mabuti na lang ay palabas na ang iba. Kaya naman hindi ganoon ka-tagal ang hinintay namin, upang makakuha nang mauupuan.


"Glory!"


Napabaling ako sa kaliwang banda namin nang marinig iyon. Agad akong ngumiti at kumaway nang makilala si Andrew. He's that guy who's part of CE Men's Basketball Team. Iyong sinama ko sa vlog ko noong intrams. He's with his friends.


I heard Jericho cleared his throat. Kaya inalis ko na ang tingin sa kanila Andrew at bumaling na kay Jericho.


"Kain na," aniya.


Tumango ako at ngumiti sa kaniya. I caught him threw a glance at Andrew's side. Nahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Kaya sinulyapan ko rin ulit ang puwesto nila Andrew. 


"Dalawa sa kaibigan niyan, crush ka... pati ata si Andrew," napalingon kay Jericho nang sabihin niya iyon.


Bumuntong hininga siya at inabot ang baso ng tubig. 


My brows shot up. I was watching him the whole time he was drinking on his water. Nang ibaba niya ang baso, nag-angat siya ng tingin sa akin. His lips twiched, before he pouted a little.


"Nag-seselos ka ba?" it was a pure question.


He sighed and looked at me.


"Oo naman, syempre,"


***

That Rainy Night in Cubao  (Sintang Paaralan Series # 1)Where stories live. Discover now