Article 2 - Section 7

Start from the beginning
                                    

"I hope your schedule is clear today because I'd like to hear it now." Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"N-ngayon na po, A-attorney?" Nauutal nitong tanong na tinanguan ko.

"Yes, now."

I won't give you time to think how to manipulate the story.

Sandali kong tinawag si Venus para maghatid ng pagkain at drinks para kay Mrs. Sison bago kami nag-umpisa.

"I was working as an accountant sa company nila before," pag-uumpisa niya.

"Kasal pa ba siya during that time?" Nahihiya naman siyang tumango.

A mistress then.

"Alright, continue."

"Nagkakilala kami ng mag-report ako sa isang major project ng kompanya nila."

"It was assigned to you?"

"No, sa senior ko, kaya lang bigla siyang nagka-emergency kaya ako na lang ang nag-report." Tinanguan ko ang sagot niya at tumahimik na para makinig.

"We had our affair for about six months bago kami nabuking ni Bianca, his first wife. When she asked for an annulment ay agad naman iyong tinanggap ni Rocky. It took them another three years before their marriage had been officially nullified."

"During the three years na on-going ang annulment nila, are you and Rocky staying together? In the same house?" Umiling siya bilang sagot.

Good.

"Hindi. He bought me a house, paminsan minsan doon din siya natutulog but we're not living together."

"Go on," ani ko habang nakapangalumbabang nakikinig sa kanya.

"Three months after he got annulled we started preparing for the wedding." Halos tumaas ang kulay ko ng marinig ang sinabi niya. Hindi man lang inantay na mag-isang taon na annulled at nag-pakasal na agad.

Just...wow.

Pinilit ko na lang na panatilihing kalmado ang mukha ko. But deep inside I'm already scowling at how they treated the first wife.

Geez. Parte ako ng pangalawang pamilya and my mom honestly loves my father's money so much, pero sa tingin ko ay hindi naman niya magagawa ang ganito kahit gaano man ka-ingrata si Tita Arlene.

This is just too disrespectful for a woman. Parang kating kati yung asawa niyang palitan siya.

"I first met Rocco during our wedding. He was Rocky's best man. Sa states kasi siya lumaki at umuwi lang ng malaman ang tungkol sa annulment ng parents niya." Mas naging attentive na ako sa pakikinig ng mabanggit na ang pangalan ni Rocco.

"Rocky is a workaholic. Madalas wala siya sa bahay, kaya naiiwan akong mag-isa since pinatigil niya rin ako sa pagtatrabaho." Sandali siyang tumigil sa pagkwekwento para uminom ng tubig.

"Rocco had some sort of a misunderstanding with his mom, so he stayed with us."

"When did this happen?" Tanong ko.

Sandali siyang natigilan para mag-isip.

"I think around 2018? Yeah it was around that year, malapit na ang second year anniversary namin noon ni Rocky. Rocco helped me with the preparation for a surprise I have for his father. We got closer because of that." Nag-umpisa ng lumikot ang mga mata niya habang nagkwe-kwento.

"But on the night of our anniversary, hindi umuwi si Rocky. Nagka-emergency raw sa trabaho. I was devastated. Sinamahan ako ni Rocco, we got drunk and..." Hindi niya matapos tapos ang gustong sabihin kaya naintindihan ko na iyon.

"One thing led to another? May nangyari sa inyo ni Rocco?" Diretsahan kong tanong sa kanya. Napabuntong hininga siya bago kagat ang labi na tumango.

"How long did your relationship last?"

"It never ended." Mahina ang pagkakasabi niya noon kaya hiniling kong ulitin niya.

I was recording the whole conversation, I need to make sure na naririnig ang lahat ng pinag-uusapan namin.

"It never did? Bakit?"

"Ayaw niyang pumayag. He threatened me about killing himself kung hihiwalayan ko siya." Paliwanag niya.

"He had suicidal tendencies?" Gulat kong tanong.

"Yes, ilang beses niyang sinubukang maglaslas habang on-going ang annulment ng mommy niya at ni Rocky, kaya natakot ako na baka totohanin niya, that's why I agreed to stay with him."

Suicidal tendencies? But he end up killing someone else. That's interesting.

"Okay. So what happened on August 19? How did he end up killing his father?"

Evicted (TLS #2 - COMPLETED)Where stories live. Discover now