Makakasapak na talaga ako. “Mga gago!” sigaw ko saka uminom nalang ng  cobra drink. 

Naalala ko ‘yung babaeng ‘yun. Gusto ko siyang palampasin sa sinabi niya sa’ken kagabi pero ‘pag naiisip ko ‘yung sinabi niya na boses palaka ako, fuck! Sino siya para laiitin ang boses ko na tinitingala ng lahat? Damn that woman. Huwag lang siyang magpapakita ulit sa’ken kundi makikita niya ang gangster side ko. 

-

SHELLANE POV

“ANO NANG GAGAWIN KO?” Kanina pa ako nagmumukmok kay Jenine. Bwisit na Ace kase ‘yun. Pinagbantaan ako. Anong gagawin ko? Siya ang assignment sa’ken ng boss ko? Alangan namang sabihin ko sa boss ko na, ayoko na po kasi pinagbantaan ako ni Jung. Jusko! Kung alam niyo lang, walang pakialam sa kaligtasan naming mga writer ang boss namin, ang mahalaga lang sa kanila, makakuha kami ng magandang istorya. Dinaig pa namin ang mga reporter sa field eh. Gawd!

“E’di pagtiyagaan mo. Malay mo naman, harmless si Ace Xander. Sa gwapong ‘yun? Hindi ka naman siguro sasaktan n’on physically.”

“Malay mo saktan niya ako? Baka isang araw, mabalitaan nyo nalang na lumulutang na ang katawan ko sa ilog pasig eh.”

“Over reacting ka naman ‘te! Push mo lang. Huwag kang matakot sa Ace Xander na ‘yon. Kung takot ang mangingibabaw dyan sa dibdib mo, eh wala ngang mangyayari. Gawin mong motivation ang pamilya mo. Tandaan mo, dito sa assignment na’to nakasalalay ang trabaho mo. Kitang-kita pa naman kay boss kung gaano siya ka-eager na makakuha ng information tungkol sa lalaking ‘yun. Saka, hello! Ikaw ang top one writer dito sa Pink Magazine! Kaya malamang, ikaw ang mapag-initan. Ikaw talaga ang bibigyan ng ganyan kahirap na assignment.” Mahabang litanya ni Jenine na halos ayaw tanggapin ng sistema ko.

“Ano ngang gagawin ko? Napagbantaan na nga ako, di’ba?”

“Ano bang ginagawa sa masusungit na katulad niya? E’di paamuin mo. Gawin mo lahat ng gusto niya hanggang makuha mo ang loob niya. Ganon ka-simple.”

“Gawin ang lahat?” napatayo ako. “Paano kung virginity ko ang hingin iya sa’ken? Mahabaging poon!” sabi ko saka nag-sign of the cross pa. ‘Di ko lubos maisip na isusuko ko ang bataan sa lalaking iyon.

She looked at me. Poker faced. “Seriously, Shellane? Ang feeler mo ‘te! Virginity talaga? Siguradong hindi ikaw ang type ng gan’on ka-gwapong lalaki ‘no! Baka mas piliin pa niyang hingin ang kidney mo para i-benta kesa ‘yang virginity mo.”

This time, tiningnan ko siya ng masama. “Ang sama mo namang babae ka. Psh. So you’re saying na napaka-panget ko?”

“Wala akong sinabi. Kung sa maganda, maganda ka talaga Shellane. Pero sa antas nila, karaniwan lang ang ganda mo. Huwag kang masaktan. Based lang ito sa akin.” Nakangising sabi ni Jenine. Kahit kelan talaga ay napaka-pranka ng babaeng ito.

“Hmp. Ewan ko sa’yo.” 

Pinagmasdan ko ang mini notebook ko na lagi kong dala. Pina-ikot-ikot ko sa daliri ko ang ballpen kong tatak national bookstore na libreng pinamimigay ng boss namin. Kaya ko bang isugal ang kaligtasan ko alang-alang sa trabaho ko na bumubuhay sa pamilya ko? Magagawa ba talaga akong saktan ng Ace Xander Jung na ‘yun? But he cares for me nung bastusin ako ng kaibigan niya yata sa bar. So ibig sabihin, may puso pa naman siya, ano? Dapat ko bang gawin ang suggestion ni Jenine? Paamuin? Paano kaya? Aish! Bahala na. Kelangan ko na talagang kumapit sa patalim. 

XBANG Series 2: Ace Xander JungDove le storie prendono vita. Scoprilo ora