My Normal Life

72 0 0
                                    

~ ~ mga nangyayari sa panaginip ni Sara habang nasa comma siya~~

SARA POV

paggising ko ay nakita ko agad si Nikki.

"Sara bilisan mo mahuhuli na tayo sa trabaho!!!"-Nikki

niready ko na ang sarili ko para sa normal kong buhay pero bakit pakiramdam ko parang may kulang. parang may kusang kinuha sa memorya ko at inalis nang tuluyan.

pagkarating na pagkarating namin ay pinatawag kami agad ni madam.

Sara, gusto niyo bang ma relocate kasama si nikki?"-Madam

"saan naman po Madam?"-ako

"sa Korea, at ako na ang pumili ng dormitory niyo doon nailakad ko na rin ang mga papeles niyo ang gagawin niyo nalang ay magimpake at may driver na rin akong hinire para magahtid sa inyo sa dorm at sa trabaho niyo kaya hindi na kayo pwedeng umayaw pa kailangan nila ng hardworkers kaya ko kayo napili ha I'm counting on you two"-Madam

nginitian ko siya.

"maraming salamat po sa offer pero ayaw po namin. mahal na mahal ko po ang Pilipinas at ayaw ko itong iwan."-ako

"ganun ba?"-Madam

bago kami lumabas sa pintuan ay may sinabi siya.

"I'm disappointed in you Sara."-Madam

pagkatapos ng shift ko ay nagtext si Joseph.

To: Sara

Fr: Joseph

dinner mamaya? I'll pick you up.

oo nga pala si Joseph ang kasintahan ko.

dapat nga eh nasa korea siya pero inayawan niya ang offer sa kanya dahil ayaw daw niyang mawalay sa akin.

gusto talaga niyang maging actor but instead para magkasama kami ay sinunod niya ang gusto ng  tatay niya.

pagkauwi ko ay sinundo niya ako at pumunta kami sa mall.

"akala ko lalabas tayo?"-ako

""oo bibili muna tayo nang damit tignan mo ako nakatuxedo gwapo diba?"-Joseph

tumawa ako.

nang babalik na kami sa kotse ay natapilok ako bigla at may narinig akong boses

"kasi napaclumsy mo."-?

lumingon ako at may nakita akong lalaki na nakashades .

"ano yun pwede pakiulit?"-ako

"ang sabi ko napaclumsy mo kasi!"-?

""sino ka ba?"-ako

naglaho nalang siya bigla.

binale wala ko nalang at pumunta na kami sa restaurant.

habang naghihintay nang pagkain ay iinumin ko na sana ang wine ko nang bigla ito nahablot.

yung lalaki nanaman kanina pero ngaun naka tuxedo na siya.

"bakit mo kinuha yung iumin ko?"-ako

"diba sabi ko wag ka nang iinom?"-?

tumingin ako sa mga musician 5 sila at pagtingin ko sa lalaki ay si Joseph nanaman ang katapat ko,

"napakagaling naman nang mga lalaking yun."-Joseph

pagbalik ko nang tingin sa 5 lalaki ay 6 na sila kasama yung lalaki sa harapan ko.

kumakain kami nang tahimik at masaya.

pag uwi ko sa bahay ay nagbihis na ako nang damit.

maya maya ay sumulpot nanaman yung lalaki kanina.

"kanina ka pa bakit ka ba pasulpot sulpot sino ka ba?"-ako

"ako si Yong Junhyung."-Junhyung

"Junhyung wala akong kilalang Junhyung"

nasa may terrace siya.

"anong gagawin mo kapag mahal mo ang isang tao pero hindi ka niya mahal?"-Junhyung

"bakit alam mo na ba na hindi ka niya mahal?"-ako

"dapat sabihin mo kasi kahit ma reject ka mas maganda na ang nalaman mo kesa umaasa ka sa wala malay mo mahal ka rin pala."-ako

"bakit ko naman yun gagawin eh ang tingin niya sa akin ay isang mahalagang kaibigan?"-Junhyung

"inuulit ko alam mo na ba na yun talaga ang nararamdaman niya?"-ako

ngumiti siya sa akin.

"namimiss ka na ni Yoseob"-Junhyung

"sino yung Yoseob na yun?"-ako

bigla nanaman siyang naglaho.

Memories Of You (B2ST!!)Where stories live. Discover now