Drunk with thoughts of you

101 1 0
                                    

[JUNHYUNG POV]

magisa ko lang sa bahay ngayon kaya napagpasyahan kong umalis muna. nagjacket, nagscarf at nagshades ako at lumabas na ako.

habang naglalakad ako sa labas ay kinalkal ko ang phone ko. bigla kong nakita ang sinend ko na picture ni Sara na nakagown.

*ang ganda niya talaga...*

oo, natanggap ko na nahulog na nga ang loob ko sa kanya.

naalala ko rin siya na umiiyak.

*Hindi hindi na kita hahayaang umiyak, proprotektahan kita.*

tumigil ako sandali sa tapat nang bakery kasi nakita ko si Sara na pinapatahan ang isang umiiyak na bata.naririnig ko lahat nang sinasabi niya.

"Okay lang iyan alam mo noong bata pa ako lagi rin akong nasusugatan pati nga ngayon ay nasusugatan parin ako. pero alam mo ngayon kapag nadadapa ako lagi akong tinutulungan ni Junhyung Hyung mo... kaya ako ngayon tiuntutulungan kita para makabangon ka rin tulad ko."-Sara

 ayaw pa rin tumahan nang bata kaya humarap ako sa bata.hindi ako nakilala ni Sara kasi naka salamin ako at naka scarf kaya tinanggal ko sandali ang salamin ko kaya nakilala na niya ako.

"Tahan na.... gusto mo ba nang Ice cream?"-ako

"O-opo..."-Bata

"o sige halika ililibre tayo ni Junhyung Hyung mo!!"-Sara

dumiretso kami sa Ice cream parlor at umorder na sila nang ice cream habang ako ay nakaupo na sa table namin.tinitignan ko silang dalawa umorder.

*parang anak ni Sara yung bata....*

tumawa ako nang tahimik.

"bakit ka tumatawa aber?"-Sara

"wala..."-ako

pinapanood ko silang kumakain nang ice cream.

*para tuloy kaming isang pamilya nito.*

"pupunta lang ako sandali sa CR ...."-ako

nang naghuhugas na ako nang kamay ay kinausap ako nang lalaking nasa tabi ko,

"ang ganda naman nang asawa mo at ang gwapo nang anak niyo ha??"-Lalaki

*akala niya mag asawa kami ni Sara?*

tumungo nalang ako at dumiretso na sa Upuan namin.

pinupunasan ni Sara yung bibig noong bata.nilabas ko ang phone ko.

"Sara, Picture..."-ako

"baby, picture daw...."-Sara

ngumiti silang dalawa.

*para talagang anak ni Sara yung Bata.*

sa kakatawa ni Sara ay nahulog yung ice cream niya.

tumawa ako nang malakas

"ayan kasi!!"-ako

sumimangot siya sa akin.

"sige tawanan mo pa ako!!"-Sara

"o sige na tahan na... bibilhan nalang kita nang isa pa..."-ako

binilhan ko siya nang vanilla at mukhang natuwa naman siya.

"anong pangalan mo?"-ako

"Jae-Soon po...."-Bata

"ang ganda naman nang pangalan mo..."-Sara

"nasaan nanay at tatay mo?"-ako

"hindi ko po alam. kaya nga po ako nagkasugat kasi hinahanap ko sila..."-Jae-soon

Memories Of You (B2ST!!)Where stories live. Discover now