(#1) [Seduction : 01]

3.4K 48 5
                                    

Ang daming gawain! Ang daming mga papeles na iniwan sa kanya ng kanyang butihing boss. Bakit ba kasi ang malas nya. Ngitngit ni Maru sa kanyang sarili.

Ika-apat na taon na nya bilang isang sekretarya ay hindi pa din sya nasasanay. Kadalasan pa syang nagkakamali. Laking pasasalamat na lang nya dahil babae ang kanyang boss. Kung hindi, tapos na ang maliligayang araw nya sa kompanyang ito.

"Maru kain tayo" gustuhin man nya ay hindi pwede. Sobra talagang natambakan na sya ng gagawin.

Itinuro nya lang kay Monique ang mga papeles na nasa desk nya. Sa halip na magulat ay tinawanan lang sya ng kanyang kaibigan.

Napasimangot si Maru "At sayang-saya ka pang mahihirapan ako. Sadista ka ding babae ka!"

"Bakit ba kasi hindi mo na lang tanggapin yung offer ni Mr. Bernard. Malaki din ang magiging sahod mo dun" tawa pa din naman ng tawa si Monique

"Luh! Nasa katinuan pa ako Monique" naiiling na sabi nya "At wag mo akong ibugaw sa matandang kalbo na yun"

Napahagalpak ng tawa si Monique. Paano ba naman kasi. Matandang businessman si Mr. Bernard na sa kasamaang palad ay nagkagusto kay Maru. Gusto nitong maging executive secretary ang dalaga pero agad naman sya nitong tinanggihan. Mas gugustuhin pa ni Maru na magtanim ng gulay kesa magtrabaho sa matandang yun. Kilala kasi si Mr. Bernard na manyak. Kahit sino, basta maputi at makinis ay pinapatos.

Natapos din sa pagtawa si Monique. Mukhang sayang-saya nga ang kaibigan nya. Huh! Akala nya ay sya lang ang may pambanat.

"Monique" tawag nito "Ano kaya kung ibigay ko kay Mr. Sandiego ang address ng bahay nyo pati na din ang number mo. Ano sa tingin mo?" mapang-asar na sabi nya

Aba! Kung kaya nya akong asarin mas kaya ko ding gawin sa kanya yun. Nakita nyang pinaikot ni Monique ang mga mata nito.

"Heh! Manahimik ka dyan. Subukan mo lang na ibigay yun at tatamaan ka saken" sabi nito "Aalis na nga lang ako. Dadalhan na lang kita ng pagkain if ever meron pa. Hindi na kita iistorbohin. Madami-dami pa din kasi ang gagawin mo. Mukhang 'hello kalyo' ka na naman"

Nang akmang kukunin na nya ang kanyang panulat ay agad namang kumaripas ng takbo si Monique. Alam na nya kasi babatuhin nya ito.

Matalik na magkaibigan sina Maru at Monique. Simula pa lang noong highschool ay magkakilala na sila. Kaya alam na nila kung paano mag-isip at gumalaw ang mga bituka ng isa't isa.

Napapailing na lang sya. Mas mabuti pang magsimula na sya nang hindi sya abutan ng dilim. Ayaw na ayaw pa naman ni Maru na umuwi ng sobrang gabi. Ang dami na kasing manyak na nangangalat lang.

NAIBATO ni Jonas ang hawak-hawak na mga papel ng sabihin sa kanyang bumababa na ang sales at inventory ng kompanya nila. Sya na ang inaasahan na magpatakbo ng kompanya kaya kung babagsak ang kompanya ay paniguradong babagsak din sya.

"BULLSHT! BAKIT HINDI NYO INAAYOS ANG MGA TRABAHO NINYO!?" singhal nya sa lalakeng nag-report ng status ng kanilang kompanya

Nasa isang meeting sila ngayon. Nandun ang mga board members pati na din ang iba nitong mga empleyado. Sa katunayan nga ay halos lahat ng mga investors nya ay mga matatalik nyang kaibigan. Kumbaga, barkada nya ang mga ito.

"S-sir. I told it already to your s-secretary yesterday" nangingig na sabi ni Bernie - ang nagreport

Napamura na lang ng tahimik si Jonas. Yun pala ang kailangan ni Stephanie sa kanya kahapon. No, scratch that! Parte lang yun ng kailangan ni Stephanie.

Stephanie ang pangalan ng kanyang sekretarya na nagtangkang akitin sya. Nagkaroon pa ito ng dahilan para makapasok sa kanyang opisina kahapon dahil na din siguro sa balitang ito. Nagsuot pa ito ng sobrang sikip na skirt pati na din formal blouse na sobrang hapit para mapansin nya ito agad. Matagal na ding alam ni Jonas na may pagnanasa sa kanya ang kanyang sekretarya pero hindi na nya ito pinansin. Hindi naman sa ayaw nya sa dalaga pero sadya lang talagang hindi nya trip ito.

Aggressive EnemyΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα