Chapter Fourteen

6.7K 104 0
                                    

To all my valued readers, ahahaha Formal! Yung chapter for tomorrow will be published today. May mga planned activities kasi ako tomorrow kaya baka makalimutan or mawalan ako ng time sa pagpapublish ng bagong chapter

Thank you sa pagiintindi! ^_^

ÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃ


     *RING* *RING*
     “Hello?” I answered my phone pagpasok ko sa kwarto ko.
     “Hello, K?” Si Sylvia pala.
     “Hello, Sylvia. Bakit?” Hindi ko alam kung trip lang niyang tumawag o may problema ba sa company.
     “Ah, wala lang. Bigla kasing nagkaroon ng opening sa schedules mo for thw whole week, so ibig sabihin, you’re free for the week, starting tomorrow. That’s all, Have fun!” Maganda pa ang mood niya. Eh ano naman ang gagawin ko ng buong linggo? Magmumukmok sa bahay? Ugh! Ayoko ng ganun!

ÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃÃ

     “Ma! Ma! Gising!” Ginigising ako ni JD. Since nung nagtatrabaho na ako dun sa Beige, lagi akong umaalis sa bahay bago pa man magsigising yung mga tao dito.
     “Hhhrrrmmm… Eto na. Gigising na.” Kailangan ko nang gumising dahil hindi ako makakahingi ng palugid dito sa anak ko. Makulit talaga to pagdating sa gisingan.
     Gumising na ako, syempre. Hinila ako ni JD hanggang sa makababa na kami sa may dining table. May pancake tapos may candle on top. Anong meron?
     “Happy birthday mama!” Bati ni JD…. Birthday? Birthday ko? Huh! Tingnan mo nga naman. Sarili kong birthday nakalimutan ko.
     “October 31. Happy birthday at happy Halloween.” Bati ni JM. Galing siyang kusina na katabi lang naman talaga ng dining table, may dala siyang mga sunny-side-ups.
     “Thanks.” Wala talaga ako sa mood kapag nakikita ko si JM. Hindi ko lang alam kung bakit, pero bigla na lang nawawala yung mood eh. Tapos siya naman, ang cold nung bati niya. Walang kafeelings-feelings.
     “Uh, anong oras na ba? Ba’t hindi pa kayo nakabihis?” I asked nang mapansin kong hindi nakauniform yung dalawa.
     “Ma, sembreak na. November 4 pa yung pasok namin.” Paalala sa akin ni JD. Ah! Oo nga pala! Laging sembreak ang birthday ko kaya laging may handa, pero siguro wala muna ngayon. Hindi ko nga alam na birthday ko na eh. Heck! Hindi ko nga rin alam na sembreak season na rin!
     “Uh, ikaw? Wala ka bang trabaho?” Tanong ni JM na malamig pa rin.
     “Wala. Buong linggo.” Tipid kong sagot.
     “Edi! Pwede tayong magbakasyon?!” Tuwang-tuwang sinigaw ni JD.
     “Yup! Pero dadalaw muna tayo sa Mats, ok?” Minsan lang kaming dumalaw kay Mama dahil laging busy si Papa. Pero dahil ako na ang naghahandle ng trabaho ni Papa at I’m free for the week, pwede kaming dumalaw.
     “Ok… Ikaw Pa? May dadalawin ka ba?” JD asked. Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang patay na dapat dalawin eh.
     “Yeah… Dapat tita mo siya kaso namatay siya nung nasa tummy pa lang siya ni Lola eh.” He explained. Bakit hindi ko alam yun? Niminsan hindi niya sinabi sa akin yung tungkol dun! Kahit sila tito, wala silang binanggit sa akin tungkol dun.
     “Ohhh… Ma, pwedeng dalaw din tayo kay tita?” Tanong ni JD.
     “Syempre naman.” She’s still family. My son’s family. Dahil nga gaya ng sabi ko, wala na kaming uganayan. Si JD lang. Hanggang dun lang yun.

Hot Sexy MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon