Chapter Seven

8.8K 135 0
                                    

     “Thank you, for today.” I told Ronnie. Ang saya lang! Ang sarap nung sushi, he was very nice, and we had a really nice time together. Buti na lang pala nag-ayos talaga ako ngayon. I even wore a pretty yet casual dress for today!
     “Thank you din. And I hope this won’t be the last time na lalabas tayo.” Medyo yumuko siya with a smile. And gwapo-gwapo niya!!
     Actually, 7 pm na. Kakauwi ko lang at nasa harapan pa kami ng gate ngayon.
     “Ronnie.” I called para tumingala siya. Pagkatingala niya, I gave him a peck on his cheek. Hihihi! Humahigh school lang ba ang peg ko?! After that I slowly went inside the gate at sinara ito. I saw his lips form into a big smile. Sumakay na siya ng sasakyan at umalis na.
     “San ka nanggaling?” Someone asked from behind me, sa may door. Paglingon ko…
     “JM? Anong ginagawa mo dito?” Oo ama siya ng anak ko, pero wala namang nagsabi na pwede na siyang tumira sa bahay ko!
     “Pinagstay ako ng Dad mo. He said I should stay until you come back home. Eh ang tagal mo!” Sige! Sisihin mo ako!
     “Shut up! I went on a date ok?! Happy?!” I shouted at him as I went inside the house.
     “Date?! Date?! May anak ka na nakikipagdate ka pa?!” Sinesermonan ba niya ako?!
     “Don’t you dare! 27 years old pa lang ako at SINGLE! May anak ako pero SINGLE ako!” Idiniin ko talaga sa kanya na single ako. Ayan! Para matauhan ka sana.
     “K! Pwede ba! For once isipin mo rin yung nararamdaman ng ibang tao pati na rin yung pwedeng maramdaman ng anak mo!” Sinigaw niya sa akin. Aba!
     “Ako pa ngayon! Ako pa ngayon! Sino bang umalis at iniwan kami? Diba ikaw?! Tapos sa akin mo ngayon isusumbat na may pagkukulang ako? Ayos ka rin ah!” Nagagalit na kaming dalawa. Ngayon lang kami nagkaaway. Bago pa niya ako iniwan, ni minsan, hindi pa kami nag-away.
     “K, JM, that’s enough.” Bigla namang sumulpot si Papa.
     “Fine, then. Hinding-hindi mo na ako ulit maririnig magsalita o makialam sa buhay mo.” He said. Umalis na kaagad siya.
     “Anak, hindi mo na dapat siya sinumbatan ng ganun. Lalo lang tuloy kayong nagkaaway.” Advice ni Papa.
     “Pa, please. Pati ba naman kayo? Kampi kayo sa kanya? Tsaka ano naman kung makipagdate ako? I’m single. Matagal ko na siyang tinanggal sa buhay ko simula nung iniwan niya ako at ang anak ko.” I said habang kumukuha ako ng wine.
     “Hinding-hindi mo siya matatanggal sa buhay mo dahil may anak kayo. You should know that.” With that umakyat na si Papa sa taas. Iniwan niya muna ako sa baba mag-isa.
     Ugh! Ano bang nangyayari?!

Hot Sexy MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon