"Bakit ngayon n'yo lang sinabi?"

Nakisiksik na ako sa kan'ya sa pagkuha ng damit. Lahat ng klase, kinuha ko na. Simula pang-alis, pang-tulog, pang-ligo kung may pool at ang paborito kong sweater na chunky knit sweater.

"Dapat sa birthday pa ni Sejun kaso matagal pa, gusto na rin ni Ken na magbakasyon kaya agad-agad."

"Kailan ba birthday ni Sejun?" tanong ko.

"Sa 14."

"Eh? Dalawang linggo na lang, ah?"

"Iba raw ang gagawin n'ya sa birthday ni Sej. Siguro suprise rin, ewan." Kibit balikat na sagot n'ya.

"Kumusta naman kayo sa shoots? Hindi ba kayo nagbabangayan?" Pag-iiba ko ng topic habang patuloy pa ring nagbabasta.

"Wala naman s'yang reklamo. Ako marami!"

Sabay kaming natawa. Unti-unti na ring nagiging istrikto si Justin pagdating kay Ken. Hindi mo man sila napapanood, nakikita ko naman ang kaliwa't kanang article tungkol sa kanila. Kadalasang may nakikita rin akong nasasabit si Justin. KenTin pa nga ang minsang title.

"KenTin pala, ah?" Pang-aasar ko sa kan'ya.

Nanliit ang mata n'ya bago nag-make face. Naaasar na naman s'ya. Dito kami tuwang-tuwa sa kan'ya.

"Mamimiss ko ang computer ko, huhu!" Isip-bata kong sambit bago bumaba. Tinawanan lang ako ni Justin at Stell at inasar pang wala raw game console sa hotel na pupuntahan. Mas gusto ko naman silang kasama.

Nauna nang nakaligo si Ken at Sejun, nagiintayan na lang kami matapos habang kinakain ang tirang cake kahapon na ginawa ng dalawa kahapon.

"Kailangan pa ba ng pocket money?" Biglaang tanong ni Stell.

"Hindi na," si Ken ang sumagot.

'Yung perang napalanunan ko noon, naubos na sa binili kong gaming console. Ngayon, mukhang isang daan na lang ang pera ko.

"Stell," tawag ko rito.

"Wala na akong pera, sali kaya ulit ako?"

Kunot-noo n'ya akong tinignan. Mahina lang ang naging boses ko dahil tututulan lang ni Ken kapag nagkataong narinig n'ya.

Sa kamalas-malasan, narinig n'ya ako.

"May auditions sa company, isasama ka namin ni Justin," simpleng sagot n'ya.

"Bakit?!" hiyaw ni Justin mula sa banyo. Narinig n'ya ang pangalan n'ya.

"'Yun naman pala, eh. Kaysa hihiwalay ka pa."

Napangiwi na lang ako at hindi na nakasagot. Pagmomodel ang alam kong trabaho ni Ken, sana naman ay makapasa ako roon para hindi na nga mahiwalay gaya ng sabi n'ya.

Natapos na ang lahat. Nakasakay na rin ang gamit sa van at kami na lang ang iniintay. Bumyahe na kami ng pahapon na kaya nakarating kami sa hotel nang gabi at madilim na. Nag-dinner lang kami sa buffet resto at umakyat na sa kwarto.

"Dalawa lang 'yung kwarto. Paano ang hati?" Si Justin.

Nilibot muna ang namin buong hotel at nagbaba ng gamit.

"Magkasama na kami," si Stell sabay lapit kay Sejun.

"Edi, tayong tatlo na lang?" Tinuro ko ang sarili at sina Ken at Justin.

"Okay lang ba sa'yo, Jah?" dugtong ko pa.

Nakita kong gumalaw ang adam's apple n'ya bago tumango. Gumalaw na kami at dumiretso sa banyo para makapaglinis ng katawan at natulog na.

Subside Everything (SB19)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें