I gulped. I felt the lump in my throat.

I breathe before I turned my back and walked away. Kuya was there. I avoided him and his stares. Tumagilid ako para makalusot sa maliit na espasyo kasi hinaharang ako ni Kuya. No one was following that made it easy for me to lock myself inside my room.

I am so freaking confused. What is the freaking truth?

"Ah! Tangina!" I cussed when all my notebooks fell from my desk dahil nag tutulakan ang kambal na animo'y magsisimula ng away pero biglang mag ngingitian at magyayakapan. Parang mga gago.

"Hala, isa pa nga!" Sabi ni Andrew. Tinignan ko siya ng masama dahilan para mangunot ang noo niya habang nakanguso.

Tumawa si Jaeden. "Ang cute."

"Ayie," sabi ni Andrew dahilan para mas lalo akong mainis. Tinignan ko sila ng masama dahilan para manahimik sila. Dumating na 'yung teacher namin kaya hindi na nila ako kinausap. Mukhang naramdaman na rin nila 'yung mali.

Halos buong oras nakakunot ang noo ko. Pati sina Zoe at Denise ay hindi na muna ako masiyadong kinakausap. Nang dumating ang lunch ay sumabay pa rin naman ako sa kanila. Nakikitawa ako pero mabuti naman ay 'di nila tinanong kung ano ang meron sa akin.

Minsan sa tuwing nakatulala ako ay bigla bigla ko nanaman 'yun naaalala dahilan para mamuo ang luha ko sa gitna ng klase. I simply wiped my tears and covered my face with my hands habang ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin kay Miss na nagtuturo.

It was so quiet. Sinusubukan ko ding hinaan ang pagsingkot ko habang nakikinig kay Miss.

Iba na talaga kapag pati sa publikong lugar ay naiiyak ka na...

Nang umalis si Miss ay tumayo kaagad ako at tumakbo papuntang CR. Ayokong umiyak sa classroom. Ayokong umiyak sa harap ng kung sinuman except kay Kuya, Mama, and Yaya kapag ang dahilan ng iyak ko ay tungkol na sa mga problemang pampamilya.

After trying to calm myself I washed my face. I still looked red, but I didn't want to miss a class.

Lumabas ako at nakita kaagad si Gael roon.

Nakakunot ang noo niya habang nakasandal sa dingding at nakatingala. Nang magkatinginan kami ay agad siyang lumapit sa akin.

"Hey... what's wrong?" He asked. The tone of his voice was soft and sounded so caring that made me cry again.

This is why I don't want anyone to ask me about my problem when I already stopped crying. Maiiyak nanaman ako.

Sunod-sunod ang tulo ng luha ko. Hindi na siya nagsalita at niyakap ako habang hinihimas ang likod ko dahilan para mas lalo pa akong umiyak. I burried my face on his chest. Nababasa na ang uniform niya ng mga luha ko...

"I'm sorry... tahan na..." bulong niya. "Tahan na Baby... 'wag na iyak ang Baby na 'yan-"

Kumalas ako sa yakap niya at natatawang pinalo ang dibdib niya. He litteraly told me that like he was talking to a crying baby.

"What?" He asked. Natatawa.

"Nakakainis ka naman eh," sabi ko habang pinupunasan ang luha. Pero natatawa pa rin ako. Bwisit na baby 'yan.

He laughed. "Atleast I made you laugh..." aniya na parang proud pa. I rolled my eyes. "What happened? You want me to throw a fist?"

Nangunot ang noo ko. Right... he's that guy. 'Di lang halata...

"You want to throw a fist at my Father?" Kunwaring nagugulat na sabi ko na ikinaawang ng labi niya. Natawa ako.

"I won't do that! 'Di ko pa nga nakukuha puso ni Aldrin pati ni Tita tapos si Tito pa," naiiling niyang sabi.

What Makes Life Divine│Valiente #1Where stories live. Discover now