CHAPTER 8

173 9 6
                                    

CHAPTER 8

"Nag pa short hair ka?"

   Tumigil ako sa pag sipsip sa inumin ko. Nginitian ko sila at tumango. I tucked my hair behind my ear, kahit simpleng galaw kasi ay sumusunod sa galaw ko ang maikling buhok.

   Ngumiti si Louise. "Bakit? Akala ko nag papahaba ka ng buhok?"

   "Oonga, mas bagay sa 'yo long hair," ani Belle.

    Nawala ang ngiti ko. I bit my lower lip before I touched the end of my hair. "Pangit ba?"

    "To be honest?" She said. She winced before nodding. "Medyo. mas bagay talaga sa 'yo long hair," aniya.

    Hindi ako mapakali habang nag lalakad kami pabalik sa AU. Nag kita kasi kaming tatlo. Niyaya nila ako sa Cornelia para bumili ng iced coffee kahit malalate na ako. Pero pumayag ako. Siyempre, minsan lang nila akong yayain, and the overwhelmed rin ako.

   "Ano first subject niyo, Ab?" Tanong ni Belle sa akin nang makapasok na kami sa AU.

   "TLE," bulong ko. Nahihiya ako. Hindi naman pala bagay sa akin ang buhok ko.

    Kasalanan talaga 'to ni Kuya! Pinag eksperimentuhan pa ang nanahimik kong buhok!

    "'Yun lang pala, wala namang kwenta 'yun," sabi ni Belle at naupo kami sa couch sa may lobby.

   I sighed.

   "Hi, Gael!"

   Kusa nanaman akong nag taas ng tingin nang marinig ang pangalan ni Gael. Hindi ko naman siya masiyadong nakita kahapon kasi hindi ako lumabas ng kwarto ko. Nakaramdam ako ng kaba nang makita na sa akin nakatingin si Gael.

    He smiled before saying, "Hi, Abreu Gayle."

   Kinabahan kaagad ako at tumingin sa direksyon ni Belle. Nakangiti pa rin siya pero nakaunot ang noo.

   Gael smiled before he gazed at Belle. "Hello, Belle. How are you?"

   Patago kong nilakihan ang mata ko bago ininom ang inumin ko.

   "I'm fine... Ikaw? Kumusta? Kumusta 'yung pag punta niyo kela Aldrin? Hindi ka na kasi nag reply kagabi," sabi ni Belle, nag totonong nag tatampo. "Tinulugan mo nanaman ako."

   I looked at the both of them. I was a bit confused, pero hindi ko 'yun pinahalata. Tinapunan ako ng tingin ni Gael pero nag iwas rin kaagad. I saw his adam's apple moved.

   Gael let out a laugh before he placed his hand on the back of his neck. His friends were trying to contain their laugh. Hindi ko nga alam na naroon rin pala sila, masiyado akong focused kay Gael.

   So... They're talking pa rin pala...

   "Ano kasi Belle..." Gael said like he was avoiding to let out a wrong or hurtful word. "I respect my cousin—"

    Belle chuckled. "Theo and I broke up."

    Nangunot ang noo ko.

    But it was like... Last week when they became official... Right?

   Before Gael could even speak, the rain poured. Hindi ko na narinig ang sinabi niya. I saw Kuya from afar waving at me before he signaled me to draw near him.

   Tumayo ako. "Wait lang," bulong ko kay Louise ay tinuro si Kuya. Nakangiti siyang tumango.

   "Bakit, Kuya?" I aksed him.

    "'Wag kang gagala, may pupuntahan tayo mamaya," aniya.

   "Saan?"

   "Birthday ni Tita Vic, pinapapunta tayo. Hindi naman ako makahindi," he said. My lips parted before I flashed a smile. "Atsaka, ayaw mo ba makita si Papa?"

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon