I smiled. Gael is a very rich guy. Pero nakikita ko pa rin siya na kumakain sa mainit, masikip at maliit na kainan ng siomai rice sa tapat ng school. Umiinom pa din ng gulaman at kwek-kwek sa tabi-tabi. At... I don't know more.

   "Cornelia nga tayo," Sabi ni Kuya Nash. Hindi na tuloy ako nakapag-basa. Naka-patong na lang ang baba ko sa kamay ko habang nakatulala, nakikinig sa pinag-uusapan nila.

   "Marunong gumawa ng iced coffee si Ab," Kuya said that made my eyes widen. Napa-ayos pa ako ng upo habang nakatingin sa bintana. "Lahat kami, actually..."

   Yeah. Meron kasing coffee shop 'yung lola at lolo ko. Nag-trabaho doon dati si Mama kaya nakakapag-uwi siya ng ingredients. Tapos kapag na b-bored kami ni Kuya ay ginagaya namin 'yung mga menu nung café. Mapa drinks man or cake.

   "We don't trust you. Si Abreu na lang," Kuya Andy said.

   "Hindi ko rin naman kayo gagawan," sabi ni Kuya. I'm pretty sure he just rolled his eyes. Bigla na lang akong napalingon ng marinig ko na tumama ang bola sa bintana. "Abreu!"

   Kunot-noo akong tumayo at lumapit sa bintana. Nakita ko kaagad sila na nakatayo sa baba habang nakatingin saakin. Tinaas ko ang bintana habang salubong ang kilay. Baliw talaga! Paano kung nabasag 'yung binatana!

"Ako na lang ang gagawa," sabi ni Yaya habang pinapanood niya ako na ilabas ang mga ingredients na nang-galing sa café ng grandparents ko. "Aldrin talaga, alam naman na nag-aaral ka, eh."

   I smiled before shaking my head. "It's okay po. Atsaka I want to make for myself too."

   And I also want to impress Gael. I know it's ridiculous, but I don't know... Bigla na lang na gusto kong mag-papansin sa kaniya.

   "I don't like iced coffee," I almost flinched when I heard Gael behind me. Lumingon ako, he flashed a grin before walking towards me.

   "What do you want?" I asked, holding the measuring cup.

   He smiled. "Just black."

   I nodded and did my business. And he was just there, watching me.

   "You do know na pumunta ako rito hindi para sabihin sa 'yo na ayaw ko ng iced coffee, right?" He asked.

   I shrugged. I was not looking at him before saying, "No, you want to see me."

   He laughed.

   He sighed before he sat on the stool, watching me. "If you need help, just tell me."

   Tumango akong hindi nakatingin sa kaniya. Kasi alam ko na kapag tumimgin ako ay baka ma-distract lang ako.

   Nang-matapos ay pumasok na ang mga kaibigan ni Kuya galing sa pag-basketball. Nilagok kaagad nila 'yung ginawa ko. I smiled when I received compliments about them.

   "'Wag puro Cornelia tsaka Starbucks, bumili naman kayo sa Aussie para nakakahingi ako ng pera kela Lola," sabi ni Kuya.

   And then they overreacted. Aussie is almost a low-budget starbucks version. Malapit lang siya sa YIA... 'yung lang ang nag-iisang branch kaya minsan ay puno talaga ang tao. Madaming pumupunta doon para mag-picture. Because the design is very elegant. Mala England ang design .

   I gazed at Gael who is laughing with them. I pursed my lips before I looked away, afraid I might get caught.

   Hindi ko alam kung ano ang plano ng tadhana, pero biglang umulan ng napakalakas. 'Yung hindi na sila makakauwi. So, they stayed. They watched TV, and now, they're playing guitar.

   Gael was the one who's playing the guitar. Am I being weird to find a guy who knows how to play guitar attractive? Well, Kuya Andy plays guitar too, but I didn't care. Siguro dahil si Gael 'yun.

   I watched Gael as he was strumming his guitar. His face was impassive while looking down on his guitar.

   Then Kuya started singing,

   "You will always ask me, those words I say..."

    "And telling me, what it means to me."

    "Every single day..."

    "You always act this wa—ay—tangina naman Gael, ang bobo mag-guitara."

   Nag-tawanan silang lahat ng pumiyok si Kuya. I pursed my lips and turned around before sipping on my drink. I contained my laugh.

   Okay na sana, eh...

   They were all laughing pero mas nangingibabaw ang tawa ni Gael sa pandinig ko. I can't help but to smile. I heard he slapped his guitar before saying, "Sorry, Drin. May plema guitara ko, eh."

    I silently laugh before I refilled my glass with iced coffee and left the kitchen. Bumalik ako sa kwarto ko para mag-aral ulit.

I woke up when I heard knocks. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago tumayo at buksan ang pinto. Si Yaya ang bumungad sa akin. Nginitian niya kaagad ako at sinabihang mag meryenda na.

    I slept for like three hours. Hindi ko alam mung nandiyan pa din ba sila sa baba. Pero a part of me wanted na sana nga... sana nandiyan pa sila.

    Then I heard the familiar inappropriate jokes that's mixed with a lot of curses.

     Hindi ko na sila tinignan sa sala. Dumiretso na kaagad ako sa kusina. Nangunot ang noo ko nang makita si Gael at Kuya Benedict na nakaupo sa stool. Nginitian ako ni Kuya Benedict bago siya tumayo at umalis. Nangunot ang noo ni Gael at sinundan ng tingin si Kuya Benedict dahilan para magtama ang paningin namin.

    He smiled at me. Namamawis pa siya. Mukhang kakatapos lang nilang maglaro.

    "Hi, Abreu."

    Ngiti at tango ang naisagot ko bago tumingin sa paligid. There were no sign of Aldrin Gabriel Austria in our kitchen. I pulled a stool infront of him and sat. Nangunot ang noo ko ng maramdaman ang mga titig niya.

    I let out a nervous laugh before asking, "What?"

    He smiled. "How are you?"

    I pursed my lips and nodded. "Fine..."

    Dumating si Yaya at naglagay ng pagkain sa harap ko. Ilang minuto din kaming natahimik ni Gael. Saka ko lang napansin na may hawak siyang ice at nilalagay 'yun sa noo niya. Hindi na lang ako nagtanong pa kasi hindi ko din naman alam kung paano ko tatanungin.

    "Abreu?" He called. Nagtaas ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay. He smiled. His lips parted like he was about to say something... But no words escaped.

    "Bakit?" Tanong ko.

    Maski ako ay kinakabahan na. Kasi parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Parang kinakabahan siya.

    "Ano..." he said. Iniiwas ang tingin sa akin. "Ano kasi... Uh..."

    Nakatingin lang ako sa kaniya. Hinhintay ang gusto niyang sabihin. Huminga siya ng malalim at tumingin ulit sa akin. I intently gazed at him, brows raised, like I was asking him what he was going to say. Pero ayun, nakatitig lang siya sa akin.

    He pursed his lips and shook his head. "Nothing..."

    Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Hininhintay parin baka may gusto siyang sabihin. Pero wala na talagang lumabas sa bibig niya. Nagiwas siya ng tingin habang nilalagay 'yung yelo sa noo niya.

    I pursed my lips and looked down on my food. Kumain na lang ako. Tahimik lang kami. Nang matapos ako ay tumayo ako at nilagay 'yun sa lababo. I sighed before I left the kitchen. Umupo ako sa hammock habang hawak hawak ang cellphone ko. I scrolled through my social media accounts.

    Akala ko aamin siya...


---

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon