Chapter 4

4 0 0
                                    


Isang linggo na din akong namamalagi dito sa bahay ni Kuya Larry, kaya para naman hindi ako nababagot, paminsan minsan ay sinasama nya ako sa mga lakad nya bilang isang kagawad. Maganda pala noong panahon na ito, kapag kagawad ka, kagalang galang ka at talaga naman ginagampanan nila yung tungkulin nila.

"Lucasi, pupunta lang ako sa talipapa para madala itong mga pinya na naani ko at makabili na rin ng makakain natin." Mayroong maliit na lupa si Kuya Larry dito na ginawa nyang taniman ng Pinya. Kung nagtataka kayo paano nya ito nakuha, nagkaron sya ng asawa dahil matagal na din syang nandito. 17 years na syang naka-stuck dito, at sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang asawa nya sa panganganak kasama ang anak nila.

"Wala ka bang ipabibili?" Muli nyang tanong habang nag bibihis. Naka puting t-shirt na hapit sa katawan nya, trouser na high-waist na nakatupi sa laylayan ang suot nya. "Wala Kuya" Sagot ko habang nagpapalingas ng apoy para makapag saing. Nakakatawa man isipin pero marunong na ako magpa-baga ng apoy. Hindi kasi uso ang stove dito, kailangan mo mag sibak ng kahoy at paapuyan ito para makakain ka.

"Osya, sige. Baka hindi ko abutan yung jeep na byahe pa bayan. Bago mag pananghalian malamang nakabalik na ako. Ikandado mo ang pinto." Tumango ako at hinatid siya hanggang sa labas. Walang semento sa bahay na ito, purong kahoy na bamboo at nipa leaves. Mataas ang bahay para daw kapag bumaha ay hindi aabutin ang loob.

Nahiga ako ulit sa kama dahil wala naman akong gagawin pampalipas ng oras at maaga pa. Papikit na sana ang mga mata ko ng biglang may kumatok sa pinto. "Kagawad Larry" Tumayo ako para tignan mula sa bintana na halos katabi lang ng pinto kung sino yung tumatawag. "Yumi? Wala si Kuya Larry, lumuwas papuntang talipapa. Teka, pumasok ka." Binuksan ko ang pinto. Hindi uso ang doorknob dito, kalawit lang ng ng bakal ang tanging kandado ng bahay at ang malaki at mabigat na pahabang kahoy. Pero dahil maaga pa, hiindi ko nilagay yung mabigat na kahoy sa likod.

Pumasok si Yumi dala ang isang basket ng mangga. "Ibig ipabigay ng aking ama, kasama itong imbitasyon para sa kanyang kaarawan." Iniabot nya sakin ito kasama ang isang papel. "Umupo ka muna Yumi, gusto mo ba ng tubig?" Pag alok ko sakanya ngunit tumanggi sya. "Hindi na Lucas, ako ay aalis na din. Nagkataon lamang na napadaan ako malapit sainyo kaya pinakiusap ng aking ama na isabay ang mga ito. Hinihintay na din ako nila Diwa at kami ay pupunta muli sa ilog. Gusto mo bang sumama?"

Nang marinig ko ang pag aya nya, biglang nag iba ang tibok ng puso ko. May crush na ba ako sakanya? Ang ganda kasi ni Yumi, hindi sya yung typical na babae na makikita mo sa panahon natin ngayon 2019. Morena, hindi katangusan ang ilong, maliliit na mata, at maliit na mukha, masasabi mong isang napaka gandang dalagang Pilipina

"Ah-eh, gusto ko sanang sumama, kaso hinihintay ko pa maluto itong kanin." Gusto kong sumama, kaso kakasalang ko lang ng sinaing! Natawa sya sa sinabi ko, ang ganda nya tumawa. Mahinhin, hindi yung kung makatawa e wagas. "Sige, gusto mo ba hintayin ka namin? Maaga pa naman, saglit lamang at akin silang sasabihan." Aawatin ko sana sta dahil nahiya ako pero ang bilis nya kumilos at nakababa sa bahay. Inayos ko ang bag ko at tinignan kung may charge pa ang camera ko. Buti nalang din at may dala akong extra battery, gusto ko sanang kunan ang mga nangyayari dito.

"Lucas!" Sigaw ni Yumi mula sa pinto. "Pasok ka." Sigaw ko mula sa kusina. "Ayos lang ba kung kasama ko na si Diwa at Banoy?" Agad akong lumapit sakanila at ngumiti. "Oo naman, pasok kayo. Kape? Gusto nyong kape? Gumawa ng kapeng bigas si Kuya Larry." Pag aalok ko.

"Uy, kape! Ayos yan, gutom na din ako." Umupo silang tatlo sa bamboo na upuan sa sala at nag timpla naman ako ng kape. "Luto na ang sinaing mo." Nagulat ako ng nasa likod ko pala si Yumi at tinignan ang sinaing. "Pasunog na ito, akin na itong tatanggalin." Napaka hinhin nyang kumilos, dahan dahan nyang inilipat ang kaldero at pinatay ang apoy gamit ang tubig. "Salamat" mahina kong sabi sabay ngiti. Ngumiti lang din sya at lumapit sa akin. "Tulungan na kita, Lucas." Kinuha nya lalagyan ng kape at binuhusan ang isa pang tasa. Dinala namin ito sa sala at sabay sabay kami uminom ng kape.

"Lucas, ano ba ang itsura ng Maynila? Aba'y balita ko ay ubod ng ganda don!" Halos maibuga ko ang iniinom kong kape, hindi dahil sa init kung hindi dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nya. Nakita ko naman napatawa si Yumi sa nangyari.

"Okay lang, maraming kotse, movie theaters, marami e. Siguro kung makikita nyo ang Maynila, magugustuhan nyo." Sabay tingin ko kay Yumi. Totoo, magugustuhan mo don Yumi. "Teka" Ibinaba ko ang kape at kinuha ko ang camera ko. "Yumi, ngiti ka." Nilabas ko ang Fujifilm X100F ko.

"Uy, hanep may camera ka? Hindi ba mahal iyan? Iba talagang itong mga taga Maynila!" Buti nalang at vintage look ang camera na ito, kaya hindi madaling mahalata na galing ito sa hinaharap. "Ngiti kayo, kunan ko kayo." Tinignan ko sa screen ang mukha nila. Napaka simple, ang geniune ng ngiti nila. Pinindot ko ang button at nag capture na ito.

"Teka, bakit kakaiba ata yang camera mo? Hindi ba nilalagay iyon sa may mata para makita ang aming mukha? Aba'y baka pangit ang iyong kuha!" Biglang pumasok sa isip ko na tama sya. "Ulitin nalang natin." Inilapit ko sa mata ko ang camera at nagkunwaring doon sila tinitignan, makikita ulit sa mga mukha nila ang ngiti na sa panahon ngayon, bihira mo nalang makikita. "Okay na." Ngumiti ako at pinatay na ang camera. Sayang ang battery, gusto ko pa sana kumuha ng litrato mamaya pag labas.

Nag ayos ako ng gamit at lumabas na kasama nila. Naglakad muli kami papuntang ilog, at nadaanan namin ang butas kung saan ako nahulog. Napatigil ako dito saglit at tinignan ang butas. Paano ba ako nakarating dito? Kung tatalon ba ulit ako, makakabalik ba ko sa totoong panahon ko? Ang daming naglalaro sa isip ko. Hindi naman sa hindi ko gusto ang buhay dito, kung tutuusin kung pwede lang na sana ganito nalang ulit ang buhay sa Pinas, pero hindi ako dapat dito. Nasa hinaharap ang buhay ko.

"Lucas, okay ka lang?" Biglang may kumalabit sa likod ko. Si Yumi pala. "Oo, naalala ko lang nung nalaglag ako dito." Ngumiti ako naglakad na ulit kami papunta sa ilog. Nang makarating kami sa ilog ay nag simula na silang maligo. Inilabas ko ang aking camera at kinuhanan sila ng litrato. Kinuhanan mo si Diwa at Banoy na nagbabasaan, kinuhanan ko si Yumi na nakaupo sa malaking bato. Maya maya pa ay lumapit na sa akin si Yumi at hinila ako papunta sa ilog. "Iyong tigilan ang pag kuha sa amin, nandito tayo para maligo." Nag tampisaw kaming apat sa ilog, tinuruan ko sila maglaro ng "Marco Polo" na kanila naman kinatuwa.

Naupo ako saglit sa tabi ng ilog at kinuhanan ang langit at mga puno sa paligid nito. "Ang ganda" bulong ko sa sarili ko. Kung nakikita lang to ni Oli, malamang matutuwa yon.Maya maya ay naramdaman kong may tumabi sakin. "Lucas, mag kwento ka naman ng tungkol sa Maynila. Alam mo ba, pangarap ko kasi makapunta don." Pagbaba ko ng camera, nakita ko si Yumi sa tabi ko. "Ano ba gusto mong malaman?" Ibinaba ko ang camera ko sa tabi ko at tumingin sakanya.

"Anong itsura don? Kung san ka nakatira? Ang ganda siguro ng bahay nyo." Napangiti ako at bigla ko naalala ang bahay ko. "Uhm, sakto lang, Medyo may kalakihan kasi sa parents ko yung bahay." "Nakatira ka kasama ang magulang mo?" Muli nyang tanong. Pero hindi ko alam kung dapat bang sabihin na nasa USA ang parents ko? E kakalaya lang ng Pilipinas mula sa mga Amerikano? "Oo?" Magsasalita pa sana sya ng biglang kumulog.Nagbabadya nanaman ang malakas na ulan. "Lucas! Yumi! Dalian nyo uulan, kailangan na natin bumaba!" Dali dali kong inayos ang gamit ko, hindi na kami nakapag bihis gawa ng baka abutan kami ng ulan at mahirapan kaming bumaba.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan ng makarating kami kung saan ang butas na nalaglag ako. Hindi ko na sana papansinin ng may makita akong papel na halos mababasa na. Natabunan ito ng mga dahon. Agad ko itong kinuha at itinago at dali dali akong sumunod sakanila para makababa na. Hindi nagtagal, nakarating din ako sa bahay, napahiwalay na sakin sila Yumi sapagkat iba ang kanilang daan. Pag pasok ko ng bahay nandun na si Kuya Larry.

"San ka galing?" Inis nyang tanong. "Naligo kami sa ilog nila Yumi, inaya nila ako." Inilapag ko ang gamit ko na basang basa ng ulan, buti nalang at waterproof yung bag ko. "Sa susunod wag kang lalabas ng walang pasabi. Wala ka sa panahon mo, hindi mo kabisado ang mga pangyayari dito." Tumango na lamang ako at naligo. Matapos kumain ay inayos ko ang bag ko. Nakita ko ang papel na napulot ko. Isang calling card... Calling card ng nagngangalang Dr. Martin Antonio.. Calling card... Galing ito sa hinaharap.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When Past And Present CollideWhere stories live. Discover now