Laro Tayo

25 7 15
                                    

Sa larangan ng larong to
Unang mahulog ay talo,
Relasyong walang label ang titulo
Turuan ko kayo kung paano.

'Yong feeling na parang kayo pero walang kayo
Oo ganito 'yon kagulo,
Alam niyong may something
Ayaw nga lang sa commitment.

Nag aalala kayo sa isa't isa
Pero ang pagbawalan siya ay di mo magawa,
Ano mo ba siya at ano ka ba niya?
Feeling jowa na 'di naman pala talaga.

Bawal mag expect, bawal mag demand at bawal magselos
Minsay di mo na malaman kung may ibig sabihin ba kanyang mga kilos,
Parang jowa mo siya minsan
Ngunit sabi niya kayo'y magkaibigan lamang.

Kaya'y ano ang matatawag mo sa pag- uusap niyo hanggang umaga?
Kilos at turingan daig pa ang magjowa?
Laging takbuhan ang isat isa
Isang chat niya lang araw mo ay buo na.

Sa larong 'to, unang mahulog talo
Habang humahaba ang pinagsamahan niyo,
Mas lalo siyang magkakaroon ng puwang sa iyong puso
Puwang na mahirap punan sakaling bigla siyang maglaho.

Di mo siya pwedeng pigilan pag gusto niyang lumayo
'Pag gusto na niyang tumigil sa laro,
Walang kasiguraduhan kaninong luha unang tutulo
Pero siguradong parehas kayong masasaktan sa dulo.

'Yong gusto mong umalis sa sitwasyong ito upang wag masaktan
Ngunit masyado kang masaya para itigil ang nararamdaman,
Gusto mo siya, gusto ka niya
Ngunit hindi siya sayo at ikaw ay hindi kanya.

Napakahirap hindi ba?
'Yong mapapaisip ka kung may kayo ba o wala?
Kung laro pa ba o totohanan na?
Kung ang lahat ba ay may patutunguhan pa?

Tinatawag na relasyong walang label ito
Turuan ko kayo kung paano,
Ngunit may isa lang akong nais hilingin sa inyo
Turuan niyo din sana akong makawala sa kahibangan ng larong ito.

=QUEEN D=

Handa ka na bang maglaro? :-)

PoemsWhere stories live. Discover now