But as you grow older and see how reality works. See how the world starts unfolding the truth in front of your eyes, you'll then wished to be a kid again.


Na kahit madapa nang paulit-ulit at magkasugat, ayos lang, dahil iyon lang naman ang sakit na iiyakan mo. Iyong galos sa siko at tuhod lang naman ang iiyakan mo. And those kinds of wounds, are the real wounds, that heals over time.


Sometimes I doubt, if time really heals the wounds in our heart. Maybe time doesn't heal it. Maybe we just did our best to be happy again. And being happy, doesn't mean that were healed.


There are just wounds inside us that we patched with happiness, because time couldn't afford to heal it. Well, just maybe.


Umingay lalo ang sala nila Jericho, nang dumating ang kaibigan ni Justine. Si Eros.


"May Ate na ako," tila pang-iinggit ni Justine sa kaibigan.


"Ate ko na rin 'yan, friends tayo e," sagot ni Eros at nilingon ako para malapad na ngitian. "Diba po? Ate na rin kita,"


Malapad kong nginitian si Eros at ginulo ang buhok niya. Napatingin ako kay Jericho na at naabutan siyang malaki ang ngiti sa akin. Nang mawala na ang atensyon ng dalawang bata sa akin, niyaya ako ni Jericho sa taas. In his room.


"Ma, akyat lang po kami," paalam niya kay Tita.


Nakangiting tumango ang Mama niya. Nahihiya pa ako noong una, dahil unang beses kong nakapunta sa bahay nila, tapos papasok pa ako sa kwarto niya. Na siyang hindi naman niya nagawa sa kwarto ko, noong siya ang pumunta sa amin.


Pinauna niya akong umakyat sa hagdan. Simple lamang ang bahay nila. Ang pangalawang palapag, mga kwarto lamang. Dahil malaki rin naman ang sala nila sa baba.


May mga naka-frame na sketch ng mga gusali, sa tila pasilyo ng pangalawang palapag. Meron pa iyong Eiffel tower na ginuhit.


"Ako gumuhit niyan," si Jericho na nakasunod sa likuran ko.


Hindi naman dapat ako magtataka, dahil na rin sa kurso niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan na mamangha. Kung hindi mo lalapitan ang mga frames, maiisip mong printed ang mga iyon.


"Love na love ako ni Mama, kaya pina-frame niya. Ginawang display sa bahay," he chuckled.


"Kung ganito ba naman ka-ganda, kahit ako ididisplay ko rin," nakangiti kong sagot, at pinasada ang hintuturo sa frame kung nasaan ang Eiffel tower.


"Edi puwede ko rin idisplay picture mo?" he asked.


Nangunot ang noo ko at nilingon siya. Tinaas-baba niya ang kilay sa akin.


"Ganda ka e," pahabol niya.


"Banamanyan, tayo na, hindi mo na ako kailangang bolahin," nangingiti kong sabi, at binalik ang atensyon sa frame.


"Maganda ka na naman talaga. Parang walang bilib sa akin. Hindi naman ako nambobola,"


Matapos kong pagsawain ang mga mata sa mga guhit ni Jericho, niyaya na niya ako sa kwarto niya. Maluwag ang kwarto niya, dahil nasa iisang bahagi lamang ang kama at study table niya. Maaliwalas din, dahil nakahawi ang kurtina sa malaking bintana.


I roamed inside his room. May mga frame din doon, at alam kong mga guhit din niya ang nasa loob 'nun. Nasa study table niya ang mga ruler na iba't-iba ang hugis.


Ang mga graphite pencil at technical pens niya, nakalagay sa pen organizer. Katabi noon ang mga lego house, at ang miniature house. Pinulot ko ang miniature at pinakatitigan. Maliit akong napangiti.


"Ikaw gumawa nito?"


"U-huh, boyfriend mo ang gumawa niyan," tunog proud sa sarili. "Soon, bahay na rin natin 'yan,"


Napangiti ako lalo at saglit siyang nilingon.


"Kinontrata mo pa ako," I joked.


Maliit akong natawa at maingat na binalik ang miniature sa kung saan iyon nakapuwesto. Ang lego house na naman ang siyang pinulot ko. Marami iyon, meron ding lego na hindi bahay ang pagkakaayos.


"I'm rooting for you, Architect," I said and craned my neck to see him. Kinindatan ko siya at nginitian. "Soon, you will be. Let's claim it,"


"Syempre naman! Tapos ipagyayabang mo ako. Ibabalita mo sa buong mundo kung gaano ka-kaproud sa akin. Kung gaano mo ako kamahal," hirit niya.


Maliit akong umismid. "Aba, iba na ngayon ah. Noon, ibabalita ko kung gaano mo ako ka-mahal. Tapos ngayon, tsk, tsk,"


"Bakit? Hindi mo ako mahal?"


"Mahal," sagot ko.


"I love you, mahal," he teased.


Tumawa ako dahil doon, kaya natawa rin siya. Iniwan ko na ang study table niya, at sinuri muli ang paligid ng silid. Nakasabit ang gitara niya malapit sa pintuan. Kaya binalingan ko siya.


"You can play guitar?"


"Oo naman, yes!"


"Bakit hindi mo ako hinarana?" 


"Sige, ngayon nalang kita haharanahin," nakangiti niyang sabi, at lumapit pa sa pintuan, upang kunin ang gitara roon.


Ilang kanta ang kinanta niya sa akin, na hindi na namin namalayan ang oras. Umakyat ang Mama niya, at niyaya kaming magmeryenda, dahil pasado alas tres na pala.


Kasama pa rin namin si Eros. Na sinundo rin naman ng Kuya niya, nang matapos magmeryenda. Bigla kong namiss si Glenn dahil sa kaniya. I think they're of the same age.


Pasado alas singko na, nang maisipan kong umuwi na. May aasikasuhin pa rin kasi ako sa dorm.


"Tita, thank you po. Babalik po ulit ako sa susunod," nakangiti kong sabi at bumeso.

That Rainy Night in Cubao  (Sintang Paaralan Series # 1)Where stories live. Discover now