Hindi naman gano'n kalaki bahay namin. Isang palapag lamang ito. Ang sahig ay gawa sa kahoy at ang bubong naman ay yari sa yero. Dalawa lang din ang kwarto, ang isa ay para kina nanay at ang isa ay para sa akin kaya wala kaming choice ni Rose kung 'di ang magtabi sa maliit at masikip kong higaan.

Bahala siya. Huwag lang sana siyang magrereklamo dahil siya naman ang may kagustuhang sumama sa akin dito.

Mahigit isang buwan ang itatagal ng sembreak. At sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay wala kaming ibang ginawa ni Rose kung 'di ang tulungan si nanay sa pagbabantay ng maliit naming tindahan sa Kamay ni Hesus. Ang tindahan namin ng pasalubong at souvenirs ang bumubuhay sa amin magmula noong bata pa ako.

Nakikita ko namang masaya si Rose sa ginagawa kahit na wala na yata siyang ginawa kung 'di laitin at ismiran iyong mga taong dumadaan sa harap ng tindahan namin. Pasalamat na lang talaga ako't hindi siya napapaaway nang dahil sa ugali niya, malaking sakit sa ulo iyon kapag nagkataon.

Masaya naman naming nairaos ang Pasko at Bagong Taon. Simpleng handaan lang. Nagkaroon din kami ng reunion mula sa tigkabilang sides ni Nanay at Tatay. Pagkatapos ng ilang araw na masayang celebration ay bumalik ulit sa pagtitinda sa Kamay ni Hesus.

Marami talaga ang pumupunta dito sa Kamay ni Hesus lalo na kapag weekends. Halos lahat ng mga nagsisimba ay may mga karamdaman at talagang dumadayo pa mula sa iba't ibang bayan para sa healing mass. Kaya nga rito talaga kumuha ng pwesto ng tindahan si Nanay, iyon nga lang marami ring ka-kompetisyon.

Magaling magsales talk si Rose, lahat ng tao na pumapasok sa tindahan namin ay naaaaliw sa kaniya kaya tuwang-tuwa si Nanay dahil magmula nang dumating siya ay mas lalong lumaki ang benta namin. Napapakamot na lamang sa ulo iyong ibang tindera sa karatig store.

"Itong si Miguel napaka-playboy talaga kahit kailan!" naiiling na aniya habang abala sa pagfa-facebook. Wala na kasi masiyadong customer kaya nakaupo lamang kami sa may pinto ng store habang nagpapalipas oras.

Umarko ang aking kilay pero hindi na ako nagtataka roon sa sinabi niyang playboy. Matagal ko nang alam 'yon at hindi na nakakagulat.

"Bakit naman?"

"Kasi no'ng last week ay si Gwyneth ang girlfriend. Ngayon naman ay si Angelica. Ayan tuloy nag-aaway sa iyong dalawang babae sa facebook!"

"Talaga?" usyoso ko at pasimpleng sumilip sa cellphone niya.

"Oo, chi-na-chat ko nga, eh. Nakita ko sa myday niya nandito siya ngayon kasama sina Tito at Tita." Umismid siya at umiling. "Hindi naman nagre-reply!"

Napakurap ako at nagmamadaling pumasok sa counter. Kinuha ko ang maliit na salamin sa drawer at tiningnan doon ang sarili. Walangya, ang haggard ko! Magulo ang buhok ko at maputla ang mga labi. Mabilis kong dinukot ang baby powder at liptint sa bulsa.

Paano pala kung nakita ako ni Miguel na ganito ang itsura ko? Paano kung ma-turn off siya sa akin dahil ang haggard—wait! Eh ano naman kung madatnan niya 'kong ganito ang itsura? Eh ano naman kung ma-turn off siya sa akin?

I sighed and nodded my head–convincing myself. "Right, ano namang pakialam ko? Wala akong pakialam!" Binasa ko ang aking labi at ibinalik ang hawak kong salamin sa drawer.

Pabagsak akong umupo sa monoblock chair at nagmukmok doon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagdra-drawing ng kung ano-ano sa table.

"Speaking of the devil!"

Napatayo ako mula sa prenteng pagkakaupo ko at sumilip sa labas ng tindahan. And there, I saw a man wearing a fitted black basic tee paired and a white sneaker shoe. Ang malambot at magulo niyang buhok ay sumasayaw sa bawat paghampas ng hangin pati na rin ang silver dog tag na sumasabay sa mga galaw niya.

Napaawang ang labi ko kasabay nang malakas na pagkalabog ng aking dibdib. Malawak ang ngisi niya sa labi habang nakikipag-usap sa isang matandang lalaki at babae na sa tingin ko'y magulang n'ya. Hindi nila kami napapansin pero dahil papunta sila sa Garden of Eden ay tiyak na madadaanan nila ang tindahan namin.

"Migs pangit!" Rose shouted.

I saw how Miguel creased his forehead. Tumigil ito sa paglalakad at luminga-linga sa paligid. Agad namang tumakbo papalapit sa kaniya si Rose at sumaludo. Napaatras sa gulat si Miguel at humawak sa dibdib ngunit kalaunan ay natawa. Tila may sumuntok sa aking dibdib nang kumislap ang mga mata niya nang titigan si Rose at hinapit ito papalapit sa kaniya para sa isang mahigpit na yakap.

Umiwas ako ng tingin at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Mabuti na lamang ay may pumasok na customer dahilan para mawala sa kanila ang atensyon ko. Ang isang customer ay nadagdagan pa ng ilan kaya tuluyan nang doon nabaling ang aking atensyon.

Habang nagsusukli sa isang customer ay wala sa sarili akong napasulyap sa labas ngunit agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa ginagawa nang mahuli ko si Miguel na nakatingin sa akin. Nang sulyapan ko siyang muli ay nakaramdam ako ng panghihiyang dahil wala na sa akin ang mga mata nito. Nakangiti siya habang matamang nakikinig sa mga sinasabi ni Rose.

"Uuwi na ba kayo?"

I cleared my throat. From my peripheral vision, I saw them walking towards our store. Habang papalapit sila nang papalapit sa tindahan ay mas lalo akong kinakabahan at pinagpapawisan ng malamig.

Ano bang nangyayari sa 'kin? Damn, si Miguel lang naman 'yon!

"Oo eh." Miguel chuckled.

"Ay kung gano'n, bili muna kayong pasalubong o souvenirs!" ani Rose. Tuluyan na silang nakapasok sa store at nagpanggap akong abala sa pagpipindot sa calculator.

Letse naman 'tong ibang customer, kay tatagal mamili!

"Huh? Hindi na. Ano namang gagawin namin diyan? Madalas din naman kami rito, eh."

Mula sa peripheral vision ay nakita ko ang pagtagilid ng ulo nito habang matamang nakatitig sa akin.

"Ano ba 'yan, ang kuripot! Diyan ka nga, aasikasuhin ko muna iyong ibang customers, Migs." Rose said. "Pumili ka na rin ng bibilhin mo, may 1% discount ka dito!"

His manly chuckle filled my ears. Tinapik nito ang balikat ni Rose bago humakbang papalapit sa akin.

"Busy ka, ah. Kailangan mong tulong?"

Malamig na tingin ang ibinigay ko sa kaniya bago umiling—kahit sa loob loob ko'y naghuhurumentado na ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan.

"N-no thanks," I answered and gave him a small smile.

"Sa inyo ba itong store?" tanong na naman niya.

"Oo."

Tumango siya, hindi pa rin inaalis ang malalim na titig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkailang.

My forehead knotted when he roared with laughter. Ang ibang customer, kabilang na si Rose, ay napalingon sa kaniya.

"You look uncomfortable with me darling. Don't worry, I won't eat you," he said playfully, laughing.

"Not here..." he added, which made my knees tremble in unfamiliar emotion.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko patungo sa aking mukha. Bago pa ako tuluyang lumubog sa kahihiyan ay tinalikuran ko na siya at pumasok sa CR. Doon ko na tuluyang nilabas ang emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Ampotek, kikiligin na sana ako kaso naalala kong playboy siya kaya huwag na lang. Hindi niya deserve 'tong kilig ko! 

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay jel, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni jel
@xxialej
With his notorious playboy reputation, Bluie knew Miguel Chavez was m...
I-unlock ang bagong parteng ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 25 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @xxialej.
Not Your Asset (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon