Chapter 4

0 0 0
                                    

*Hailey POV*

At ayun nga kinabukasan nun patuloy na inayos nila Dad ang mga papeles ko sa school. Minadali namin ang lahat bago rin ako umalis nakipagkita ako kay Mike at tinapos ung samin. Sobrang hirap at sakit pero kinailangan kong gawin yun , hindi sya pumayag pero pagkauwi ko pinutol ko na lahat ng maaring maging connection namin. Pagkalipas ng isang linggo nun ay agad kaming umalis nihindi na rin ako umattend sa graduation day namin.

PRESENT

" Ipapasundo ko na lang kayo sa Kuya mo sa Saturday okey? wag na kayong bumyahe " saad ni Mom sa kabilang linya , kasalukuyan kasi kaming nakavideocall

Ilang buwan kasi bago ako manganak bumalik si Dad at Kuya sa Manila dahil sa bagong Business namin dun , humiwalay na kasi si Dad sa negosyo nila ni Tito Nico. Di na rin sila bumalik sa dati naming bahay bumili si Dad ng bahay na medyo malayo sa dati naming bahay. Kaso pagkaedad ng Isang taon ni Jairo sumunod na si Mom dahil nagkasakit si Dad kaya naiwan kami dito sa province ni Jairo naghire na lang kami ng yaya para habang nagtatrabaho ako at nagaaral may nagaalaga sa kanya.

Anyway di ko pa pala naipapakilala ung baby boy ko , Jairo Alexander Santiago ny two year old baby boy. Yes kinuha ko ung second name nya sa lalakeng yun naisip ko kasi na di ko makakasama si Jairo ngayon kung hindi rin dahil sa kanya.

Pag katapos ng ilang paguusap namin ni Mom nagayos na ako para matulog , kinabukasan nagising ako ng makaramdam ako ng bigat sa tiyan ko.

" Mami! " biglang sigaw ni Jairo kaya napamulat ako

" Hey big guy , good morning " nakangiti kong saad

Agad naman syang ngumiti ng makita akong gising na , agad ko syang binuhat at inayusan bago kami bumaba. At dahil bakasyon naman na at babalik na kami sa Manila kami na lang ni Jairo ang magkasama.

Nasa kalagitnaan kami ng tahimik na pagaalmusal ng may biglang nagsalita.

" Gooooodmoooorning!! " biglang sigaw ng kung sino kaya agad akong napatingin dito , at nakita ko ang masayang mukha ni Leana. Dali dali syang lumapit at kinuha si Jairo.

" Di ka talaga makapagantay na makauwi kami ha " saad ko at patuloy na kumain

" Syempre naman sobrang excited na ata akong makita ang gwapo kong inaanak noh " saad ni Leana at hinalik halikan si Jairo kaya napahagikhik ito

" Ay ewan ko sayo , ang sabihin mo nagtalo nanaman kayo " agad na saad ko kaya dali daling naupo si Leana

" Alam mo ang sama mo porket may pogi kana dito " saad ni Leana kaya napatawa ako

Well guess what ung naglalandian lang ngayon ay 1 year ng mag on , pero wag kayo pur naman bangayan yang dalawa kaya laging dito ang takbuhan nyan. Meron pa nang eksena na hating gabi na pumunta yan dito at humahagulhol pero kinabukasan isang tawag lang ni Miggy dali dali namang umuwi.

Hindi ko nga alam dyan basta ako okey na ko , sapat na sakin ang anak ko. At kung inaakala nyong itinago ko sa mundo si Jairo? nagkakamali kayo. Kapag nga may event sa school na pinasukan ko dito dinadala ko pa sya , at halos lahat ng kakilala ko pati maging teacher ay aliw na aliw sa anak ko. Well bukod sa gwapo eh palangiti naman kasi talaga ito.

•••
Mabilis na lumipas ang araw at heto kararating lang namin sa Manila.

" Omooooo your finally here! Hi my oh so handsome big guy " agad na salubong ni Mom at kinuha si Jairo

Agad namang lumapit si Dad at niyakap ako

" Welcome home Princess " saad ni Dad kaya nginitian ko sya

My Seventeen Year Old MomWhere stories live. Discover now