Chapter 1

0 0 0
                                    

*Hailey POV*

Kasalukuyan akong nakaupo sa harap ng hapagkainan at kumakain ng tahimik. Araw ng linggo ngayon kaya magkasama ang pamilya ko at ang pamilya ng bestfriend nila Mom. Kung di sana nangyare ang mga iyon nung first year highschool ako baka sakaling nakikisali din ako sa masayang kwentuhan nila.

Anyway my name is Hailey Alexandra Santiago 16 years old a 3rd year highschool. So ipapakilala ko na rin ung mga kasama namin dito sa hapag.

Meet my family Jane at Robert Santiago my dearest parents and also my older brother James Santiago he's 21 years old and a 3rd year college student. so sa kabilang side naman is my Mom's bestfriend and her family. Meet Tita Joan and Tito Nico Silvestre then ung panganay nila si Ate Jessica then ung bunso nila na dating best buddy ko si Ryu Alexander Silvestre. Long story kung bat dati na kaming magbest buddy basta malalaman nyo din.

" Mukhang napakatahimik nyo naman ata Hailey at Ryu eh samantalang dati rati eh kayo ung pasimuno ng ingay " agad na sita ni Tita Joan , hindi rin kasi nila alam ung nangyare samin ni Ryu nagpapanggap kaming okey sa harap nila nitong mga nakaraang taon

" Sorry po Tita masama lang po talaga ung pakiramdam ko , may papansin po kasing sumira ng araw ko " agad na saad ko at pasimpleng inirapan si Ryu

akala nya ba nakalimutan ko na ung pagsuntok nya sa boyfriend ko kaninang umaga.

Yes may boyfriend na ko actually 3 months pa lang kami at going strong , He's Mike Frego kaedad lang namin.

" Ow kaya pala , ano bang ginawa ng taong yun kaya nasira nya ang araw mo? " tanong pa ulit ni Tita Joan kaya napatingin silang lahat sakin maliban kay Ryu na walang pakielam

" Sinaktan nya lang naman po ang isa sa mga taong sobrang inportante sakin , kaya sobrang nakakainis sya " saad ko at talagang di inaalis ang masamang tingin kay Ryu

agad syang nagangat ng tingin at malamig na tinignan ako ng diretso tyaka nagsalita.

" Baka naman kasi deserve ng importanteng tao na yun na masaktan kaya ganun " malamig nyang saad habang nakatingin ng diretso sakin kaya agad akong umiwas ng tingin

" Ano ka ba naman Ryu walang taong deserve na masaktan , nako Hailey dapat na magsorry ang kung sino man na iyon dun sa nasaktan nya " saad na lang ni Tita

Mabuti na lang at nalipat na ulit ang usapan nila sa business kaya pasimple akong umalis dun at nagtungo sa garden namin sa likod bahay. Nanatili akong nakatayo habang nakatingala sa langit na punong puno ng bituin.

" Ako magsosorry sa taong yun? Tsk wag kana umasa " biglang saad ng kararating lang na si Ryu

" Edi wag kang magsorry " masungit na saad ko sa kanya

" Importanteng tao? tsk " nakangisi nyang saad na kinainis ko kaya hinarap ko sya

" Ano bang problema mo kay Mike ha? bakit ba pinapakielaman mo kami? diba wala na ngang pakielamanan " tuloy tuloy na saad ko sa kanya ngunit di sya sumagot

Tinitigan nya lang ako pero unti unti syang humakbanh patungo sakin kaya umatras ako ng umatras , sa kakaatras muntik na kong matumba buti na lang at nasalo nya agad ako. Napatingin ako sa mga mata nya ilang minuto bago sya nagsalita.

" Sinong nagsabing wala na kong pakielam? ikaw lang naman ang nagsabi ng walang pakielamanan na yan hindi ako " simpleng saad nya tyaka itinayo ako ng ayos bago umalis

Agad akong napahawak sa dibdib ko pagkaalis nya.

Damn you Ryu Alexander!

KINABUKASAN

" Mom! Dad! Kuya! alis na po ako nandito na si Mike! " sigaw ko tyaka dali daling nagtungo palabas

" sige ingat sweetie! " rinig kong sigaw pabalik ni Mommy

agad akong nagtungo palabas at pumasok sa kotse ni Mike , agad nya naman akong niyakap at kiniss sa noo bago pinaandar ang sasakyan.

" So kamusta ang family dinner nyo kagabi? " tanong ni Mike tyaka tumingin saglit sakin ng nakangiti

" Okey naman except sa pagiging epal ng kababata kong yun " inis nanamang saad ko dahil naalala ko nanaman ung sinabi nya

Agad nawala ang inis ko ng kunin ni Mike ang kamay ko at hinawakan yun.

" Oh kalma na andito na ko oh tapos na yun babe " saad nya at ngumiti sakin

hihi ang swerte swerte ko talaga sa lalakeng to , kasi sobrang sweet at maalaga nya. Sa loob ng 3 buwan naming pagsasama wala akong masabi dahil talagang napakaresponsable nyang boyfriend.

Pagkadating namin sa school agad nya kong hinatid sa room ko bago sya umalis , di kasi kami magkaclassmate pero andito naman ung new bestfriend ko si Leana Roxas my new bestfriend since 1st year.

" Oh kamusta ang dinner bruha? " agad na saad ni Leana pagkaupo ko

" Ano pa nga ba syempre umepal nanaman ung lalakeng yun " saad ko tyaka napairap

" Grabe ka naman parang di mo naman minahal ung tao haha " agad na saad ng babaitang ito

" Magtigil ka nga dyan may boyfriend na ko noh " agad na depensa ko pero tumawa si Leana

" May boyfriend nga pero ibang tao naman ung nasa puso haha " saad ni Leana pero inirapan ko na lang sya kasi pagsumagot pa ko sasabihin nyan defensive ako hays

Di naman sa hindi boto si Leana kay Mike talagang mas bet nya lang talaga si Ryu para sakin , kesyo daw mas bagay kami ganito ganyan. Basta ewan dyan ang kulit kulit sabing ayoko na dun eh.

Well anyways to make this short nasira ang pagiging magbest buddy namin ni Ryu dahil sa pagmamahal ko sa kanya , yeah you read is right nainlove ako sa kababata ko at sa kasamaang palad rejected ako at ang masakit pa dun nilayuan pa ko. Kaya heto kami ngayon.

" Alam mo Sis di sa di ko bet si Mike ah pero kasi mas bagay kayo ni Ryu hihi perfect match kayo eh haha " saad ulit ni Leana tyaka tumawa ng tumawa

Myghad nababaliw nanaman ho sya

Marami na ring nagsabi nyan sakin noon kahit ngayon eh , kaya nga mas kumapal ata ung mukha kong umamin kay Ryu noon kasi maraming nagsasabi talaga sakin noon na perfect match daw kami ni Ryu. Tapos ang astig daw ng name namin talagang perfectly for each other kineme. Kahit hanggang ngayon kahit may boyfriend ako may iilan paring malalakas ang loob na kesyo ship daw kami ni Ryu ganun.

Sasangayon na sana ako sa kanila kaso wala eh sadyang mapait ang tadhan naming dalawa .

°°°
hihi kamusta naman? i hope magustuhan nyo itong story please leave a message about your opinion in my story. hihi thankyou for reading♥️

Anyway siguro iilang chapter lang ung para sa nakaraan ng ating bida dahil mas main focus ng kwento na ito ay ang pagiging teen age Mom ni Hailey , so i hope maintindihan nyo na medyo mamadaliin natin ung first following chapter😊

My Seventeen Year Old MomWhere stories live. Discover now