Narinig ko ang pagtawa nya. Nagulat ako ng may nilapag pa syang tray. May crew sa tabi nya at umalis na.




"Buti nalang matalino ako, nag order ako ng chicken, chicken fillet para may pagpilian ka. Akala ko kasi ay diet ka"




"Diet?! Dina oy! Baka mamatay ako!" Sabi ko at sumubo ng spag.




"Bakit naman mamatay ka?" natatawang na tanong nya.



"Akala ko ba matalino ka? Syempre pag diet pili lang ang kinakain, kakaonti pa. Ayoko ng ganon. Kain lang ng kain dapat!" sagot ko sa kanya.





"Teka .." Tinignan ko sya, gulat ang nasa mukha nya ngayon. Nakaturo sa suot kong uniform.okay ..





"High school ka palang?!" Nagugulat na tanong nya, napairap ako sa kawalan. "Akala ko 4th year collage kana.."




"Akala mo lang yun" ngiting plastic na sabi ko at nagsimula na kumain.




Habang lumalamon ako panay ang tingin sa akin ni Trex. Nilunok ko muna ang kinakain ko sa kanya tumungin ng deretso sa kanya. Nasamid pa ako sa paraan ng pag ngiti nya!





"Bakit ba nakatitig ka? Masarap ba akong ulam para sayo?" Mataray na sabi ko at sumubo ulit. Muli nanaman syang tumawa.



"Oo nga pala, salamat doon kagabi" umangat ang tingin ko sa kanya. Makikita sa kanya na bigla syang na hiya ng maalala nya yon.




"Okay lang ano ka ba! Bayad mo naman tong kinakain ko diba? Hahaha" tumigil ako sa pag tawa ng seryoso sya.




"Pasensya kana sa kaibigan ko, makapal talaga mukha ng isang yon" bugnot na sabi nya. Nagulat sya sa pag tutok ko ng kutsara sa mukha nya.




"Ano kaba! Okay nga lang diba. Past is past! Lumamon kana lang dyn" Sabi ko





Hindi na kami nag imikan kumain nalang. Pagkatapos ay mukhang naiilang na sya.




"Bakit dito ka nag lunch, ang layo ng school mo" Sabi ko, kita sa uniform nya.




"Actually, ngayon palang ako papasok. Tinanghali ako ng gising"





"So saan ka nakatira dito sa qc?" mabilis na tanong ko. Malay mo malapit lang sa Subdivision namin. "Sa subdivision kaba nakatira?"




"Hindi, Oo? Sa nanay ko. Doon sa Micara, pero may sarili akong aparment malapit lang sa school ko. Galing ako doon kagabi kaya .. Yun!" Napatango nalang ako.




Mabilis syang tumingin sa relo nya.




"Tara na, baka ma traffic ka pa." Sabi ko at tumayo na. Sabay na kami lumabas ng McDo.




"Ikaw?"



"Ako?" sabi ko sabay turo sa sarili ko.




"Oo ikaw, saan ka?"




"Malamang papasok na alangan sumama pa ako sayo para makipag landian,diba? Kung okay naman sayo bakit hindi, diba?" Deretsong sabi ko. Inayos ko ang buhok ng humampas ang hangin.



"Hahaha, ingat ka ha. Una na ako" sabi nya nakangiti. Pero bigla din syang bumalik, tumaas ang kilay ko. "Ano .. Hahaha, una kana. Aalis ako, pag nakita ko ng safe ka"



"Safe? Bakit may kakantot sa akin dito? King ina." iling iling na unas ko. Narinig ko kang ang pagtawa nya at napakamot sa batok. "Sige una na ako ha? Ingat baka may makasalubong kang puke dyn!" kumaway ako sa kanya bago umalis.




Forever Not ForeverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant