"Wag na tayong babalik sa hotel na 'to sa susunod ha? Hindi supportive, e."

Padabog akong naunang mag-shower dahil marami pa 'kong ritual na gagawin after. Pagbukas ko sa bag ko na pinakuha ko kay Fyuch sa condo, napasimangot lalo ako nang makita na long sleeves 'yung kinuha niyang pantulog ko.

"Fyuch!!" buong gilas na sigaw ko mula sa banyo. "Diba sabi 'ko 'yung sleeveless na satin kunin mong sleepwear ko?!"

Paano naman ako makaka-awra rito sa dinala niya?! Inimagine ko na actually 'tong gabi na 'to e. Pero unti unti ng nasisira ang lahat. Ughhh. Hindi siya sumagot at wala naman na 'kong choice kundi isuot 'to. Unless hindi ako magdadamit.

Wala pa naman tayo sa ganoong level. Ahehehe.

Sinamaan ko siya ng tingin paglabas ko. Nakangisi siyang dinatnan ko na para bang sinadya talaga niyang ito ang dalhin na pantulog ko.

"Saya ka niyan?"

Maasim pa sa suka ang mukha ko na nagpunas ng buhok.

"Ayos naman ah?" Namimilog ang mga matang depensa niya.

"Ayos? Anong ayos dito?" Iminuwestra ko ang kabuuan ng suot ko. "Long sleeves na nga 'yung top tapos pajamas pa 'yung pambaba!"

Dapat kasi nito ay spaghetti strap tapos shorts!

"Hindi naman mainit. Lakasan ko aircon?"

"Grabe ka ang manhid mo talaga. Maligo ka na nga do'n!"

Natatawa siyang tumayo. Naglalakad pa lang siya patungong banyo ay walang pakundangan na nagtanggal na agad siya ng shirt.

Por dios por santo!

Agad na nangislap ang mga mata kong sumunod ang tingin sa kanya sabay napa-sign of the cross ako.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napalunok. My gosh. Likod pa lang ulam na. Sobrang busy na tao ni Fyuch kaya nagtataka talaga ako kung paano niya napananatiling ganito kaganda ang katawan niya. Tanong ko nga later baka sakaling sumexy din ako. Hehe.

After kong mag-blower ng buhok ay saktong tumunog ang phone ni Fyuch. Sinilip ko ang umilaw na screen nito at mabilis na sumama ang mukha ko nang makita ang pangalan ni Jenny doon.

Ano na naman kayang problema ng babaeng 'to at tumatawag ng ganitong oras? Wag n'yang sabihin na nagpapatulong na naman 'to sa hawak nitong kaso? Aba't ginawa na niyang assistant ang boyfriend ko! Tsk.

Napalingon ako kay Fyuch. Lumipad tuloy sa tapat ng dibdib ko ang palad ko sa gulat. Jusko hindi ko na napansin ang paglapit niya sa pag-iisip ko sa Jenny na 'yon. Di na talaga healthy sa mental health ko ang babaeng 'yon!

"Badtrip ka pa rin?"

"Di na. Kaharap na kita e." Tinipon ko ang buhok sa isang side bago ako tumayo. "Halika nga rito patuyuin natin 'yang buhok mo."

Sumunod naman agad siya na umupo sa harap ng salamin. Good boy ihh.

"Tumatawag sa phone mo kanina si Jenny," nakangusong sabi ko at sinimulang i-blower ang buhok niya.

"You should've answered it."

"Bakit ko sasagutin? Hindi ko naman phone 'yan. Tsaka baka latagan mo na naman ako ng mga privacy cases. Tsk."

"You're my girlfriend, Portia."

Saglit akong napahinto para ngumiti. Dati iniimagine ko lang 'to e. Ganito pala talaga kasarap ang feeling nito in reality. Dream come true. Huhu.

"Sige next time...I'll tell her you're still in bed and too tired to take the call."

"Bad girl."

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon