01

89 7 4
                                    

                                                     P R E S E N T

Nagmadali akong bumangon sa kama pagkakita ko kung anong oras na myghad 15 minutes na lang pala at malelate na ako sa training namin. Hindi tumunog yung sinet kong alarm kagabi kaya dali-dali na ako pumunta sa banyo para maligo.

Pagkatapos ko maligo nagbihis na kagad ako, sinuot ko na yung jersey t-shirt & shorts ko na pangvolleyball para hindi na ako magpalit mamaya sa school para diretcho na kagad ako sa court. Feeling ko lagot ako kay coach nito pag nalate na naman ako e.

Buti pala inayos ko na kagabi yung sports bag na dadalhin ko para mamaya, nandun na lahat yung mga gamit na gagamitin ko. Pagkakuha ko ng mga gamit ko sa upuan lumabas na kagad ako sa condo unit ko at nilock yun. Sa taxi ko na lang siguro aayusin yung buhok at mukha ko.

Patakbo na akong pumunta sa elevator, buti na lang walang sakay yun kaya nakasakay kagad ako pinindot ko na yung ground floor. Pagkabukas na pagkabukas nung elevator bumungad kagad sakin yung pagmumukha ni Collin.

"Hoy Anneia, ano bang itsura yan? Mukha kang baliw, gulo gulo pa yung buhok mo." Natatawang sabi nya.

"Duh sa sobrang pagmamadali ko wala na akong time mag ayos 10 minutes na akong late oh." paliwanag ko at pinakita sakanya yung oras.

"Late ka na nga nagmamadali ka pa." Pamimilosopong sagot nya sakin. "Saka hindi mo ba alam na may 2 hours meeting lahat ng mga coaches ngayon? Sinend yun sa bawat group chat ng mga sports kaninang umaga wah 'di mo nabasa?"

"Ano?! Teka hindi ko nabasa nagmamadali na kasi ako kanina kaya hindi na ako nagbasa ng mga messages kanina." Sabi ko at kinuha yung cellphone ko sa bulsa ng bag.

Napatapik na lang ako sa noo nung nabasa ko yung chat ng coach namin.

"By the way kumain ka na ba?" Pagtatanong ni Collin sakin

"Hindi pa wala na din kasi akong time kumain kanina sa sobrang pagmamadali ko." Paliwanag ko

"Sakto ako din tara kumain muna tayo. Saka sa kotse mo na lang ayusin yang mukha at buhok mo. Baka sabihin ng mga supporters mo e nabaliw at haggard na yung idol nila." Natatawang sabi nya.

"Hmppp basher talaga kita e no?" Nakasimangot na sabi ko at nauna na maglakad papunta sa kotse nya.

Sumakay na kagad ako sa kotse ni Collin, as usual sa shotgun seat ako pumwesto kasi sabi nya kapag sa likod daw ako lumalagay nagmumukha daw syang driver. Kaya simula nun sa shotgun seat na ako punwesto para hindi na sya nagrereklamo.

Kinuha ko na yung suklay ko sa bag at sinimulan ko na mag suklay. Habang nagsusuklay ako tinanong ko muna si Collin

"Bakit ka nga pala nasa condo ko kanina?" Pagtatanong ko.

"Susunduin talaga kasi kita yayayain kita kumain." Sagot nya habang nakatingin pa rin sa daan

"E pano pag tulog pa ako nun?" Tanong ko habang nagpupusod ng buhok.

"Duh tinatanong pa ba yan ede syempre bubulabugin kita saka nakalimutan mo na ba na may susi din ako sa unit mo?" Natatawang sabi nya.

"Ahh okay, I see." Tatango tango kong sabi.

"Ano nakita mo?" Pamimilosopo nyang tanong.

"Ewan ko sayo bahala ka dyan." Sabi ko at umirap. Ewan ko ba dito kay Collin, minsan matino kausap pero palagi napaka pilosopo kaya gusto ko na lang sapakin minsan e

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

After What HappenedWhere stories live. Discover now