Sa totoo lang nagalit ako sa kanya noon, how could he switch Kishi to Catie since una palang naman sila naman na ni Kishi ang magkasama pero that's just my guess. The story goes on hanggang sa ngayon, . . ngayon na bumabalik yung dati. Dati niyang sigla, dating samahan nila ni Kishi at dating friendship namin.

And I think this is all because of Maycee. Siya na parang lahat ng dala sakin ay goodluck pero ako na lahat ng dala sa kanya ay badluck.

"Huy, ano sasama ka?" tanong niya ulit sakin.

"Hindi na siguro. Thanks." sagot ko. Napatingin nalang siya sakin at napa-upo sa upuan sa harap ko.

"Are you really still trying to resist? Alam mo sa sarili mong gusto mo siyang kausapin." sabi niya sakin.

Yes, I do. I really do want to talk to her. Makasama siya, kulitin siya. Pero what if she found out? Leila's not done with her.

"Ayoko nang guluhin siya ni Leila." sagot ko at bigla lang siyang tumawa.

"So you think pag hindi mo siya pinansin, hindi na rin siya papakialamanan ni Leila? And what if she does, are you not capable of protecting Maycee?"

That hit me...hard.

Tama si Sky. Why would I be afraid... . . maybe, maybe just because of that.

"Hindi lang naman yun yun Sky. Alam mo yan."

"That. O please Ian, then tell her."

"Hindi ko alam kung kaya ko." sabi ko sa kanya at napatayo nalang siya.

"Your choice. A useful lie or a harmful truth." he said then walks out.

 September 10, 2014; 7:45 A.M.

 

“Goodmorning Kuya Ian!!” biglang sigaw ng mga cute na bata sa harap ko. I should be in school right now but since pinili ko ang practical exam sa Communication Society and Development subject ko, nandito ako sa barangay hall ngayon at nagvolunteer para maging part-time teacher.

Pero sa totoo lang, nag-eenjoy ako sa ginagawa ko ngayon.

 

Meron halos twenty cute little children sa harap ko, sila yung mga hindi gaano kapalad para maka-attend sa isang school. Buti nalang may program na ganito ang barangay namin para naman kahit papaano mabigyan sila ng knowledge sa simpleng paraan.

“Goodmorning din kids! Mukhang napakilala na ako sa inyo ha. Pero magpapakilala parin ako sa inyo. Ako si Kuya Ian niyo, estudyante din ako katulad niyo pero college na ako ngayon. Performing arts ang hilig ko, ibig sabihin noon mahilig ako kumanta, sumayaw, at umarte. Magiging teacher niyo ko ngayon. Ayos ba yon?”

It’s been a long time since I acted like this.

 

Dare me NotUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum