Nahihiya akong ngumiti at tumango. "Hi."

   Medyo awkward ako sa kanya lalo na't madaming nasabi sina Belle at Louise na masasama tungkol kay Sandra. Sa ganoong paraan, parang nag-iba ang tingin ko sa kanya.

   "Hi," nakangiti niyang sabi bago muling tumingin kay Belle. Hindi ko na lang pinansin ang paglalakihan nila ng mata sa isa't isa.

   "Cornelia tayo," nakangiting sabi ni Louise at humawak sa braso ko. Sumunod kaming dalawa kela Sandra at Belle na nauunang mag-lakad. "Kumusta?"

   I smiled. "I'm fine..."

   Nakangiti lang siyang tumango.

   Nang makarating sa Cornelia ay sinalubong ako ng amoy ng coffee beans. Napangiwi na lang ako ng maalala ang pag t-tantrums ko dito na nakita ni Gael. Nakakahiya padin talaga. Hindi ako maka-move on.

   Iniwan namin ang gamit namin sa isang couch bago lumapit sa counter ar inorder. Kagaya noon, cake at iced coffee lang ulit ang inorder ko.

   What made them to invite me?

   "Abreu," Belle called. Agad akong napatingin sakanya. Nginitian ko siya at tinaasan ng kilay. Nakangiti niyang binaba ang tinidor na hawak. "Kayo na ba ni Gael?"

    I heard Sandra sipped on her drink.

   So... This is the reason? Gusto lang siguro nila itanong 'yun...

   I smiled before shaking my head. "No."

   "Nanliligaw?"

   "No."

    I know he likes me. It's pretty obvious. Pero hindi pa naman niya sinasabi na gusto niya ako...

    She raised her eyebrow. "Then, bakit lagi kayong mag-kasama?" She asked. Halata na medyo naiinis na siya sa tono ng boses niya.

    Why? What did I do?

   "I don't know either," I replied. She looked at me, forehead creased. I sighed before pursing my lips. "Kaya niyo ba ako sinama ngayon? Para itanong sa akin 'yan?"

    Belle sarcastically laughed. "Napaka straight forward mo talaga..."

   "Belle," Louise called.

    "What?" She said before she rolled her eyes. "Alam mo naman na may gusto ako kay Gael... Tapos ineentertain mo pa din."

    I sighed. "I wasn't..."

    "Bakit sumama ka sa kanya sa clinic? Sana ikaw na lang mag-isa," aniya at umirap.

   Unbelievable.

   Matunog na bumuntong hininga si Louise. "Abreu already answered na... stop na."

    I pursed my lips. "Uuwi na lang ako..."

    Belle scoffed before she stood up to fix her skirt. Hindi sinasadyang nagalaw ang lamesa dahilan para tumapon saakin ang iced coffee. Napausog kaagad ako.

    "Umuwi ka na," mataray na sabi niya.

   I frowned at her. Pero ayokong makipag-away, kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. Kinuha ko ang mga gamit at nilisan ang lugar na 'yun ng hindi man lang nag papaalam.

    Naka halukipkip akong naglakad papalayo sa coffee shop na 'yun kasabay ang pag-tulo ng luha ko.

   "Napaka sensitive mo," bulong ko sa sarili bago punasan ang luha gamit ang middle at ring finger ko. Tinanggal ko ang blazer dahil sa lamig na nararamdaman.

    My forehead creased when I felt a slow motorcycle behind me. I didn't look back. Instead, I started walking faster. Ganoon na lang din ang kaba ko.

   I bit my lower lip.

   Kuya...

   Mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko nang may nakabangga saakin.

   "Sorry po," sabi nung babae bago ako lagpasan. Napahawak ako sa braso na nabangga niya. 'Yung pasa ko. Sinundan ko siya ng tingin. Hindi sinasadya na mapatingin ako doon sa lalaki na naka-sakay sa motor. Nakahinto din siya.

   Nangunot ang noo ko at naglakad palayo.

   "Wait—Abreu!"

   I halted.

   I turned around while my forehead creased.

   I watched him as he removed his helmet. Lumapit siya  saakin ng nakangiti. Sinilip niya 'yung braso ko na hawak hawak ko. "Ayos ka lang?"

   "Bakit ka ba sumusunod?" Inis ko na tanong. Nawala ang ngiti sa mukha niya.

   "I—I'm sor—"

   "Akala ko masamang tao ka! " Inis ko pang sabi. "Bakit kasi ang bagal mo mag paandar tapos sumusunod ka pa?"

   Kunot noo niya akong tinignan bago napakamot sa batok niya. Tumalikod siya at ginulo ang buhok bago humarap saakin. "I'm sorry, did I scared you?"

   "Anyone would be scared!"

   He chuckled. "I'm sorry. I was thinking of... What I was going to say. Kaya hindi muna kita tinawag."

    Hindi ako nakapag-salita.

   "Hatid na kita?" He asked. Umiwas siya ng tingin at bahagyang napapikit.

    I contained my laugh.

   "No, thanks—"

    "Mahaba lalakarin mo."

   "May hihinto namang jeep—"

   "Walang jeep."

   "Sabi nino?"

    "Sabi ko."

   Tinaasan ko siya ng kilay. He just flashed a grin. He offered me a helmet. "Tara na?"

   "No—"

    "Uulan," he cut me off. Again.

   Bakit ba ayaw ko?

   Dahil sa sinabi ni Belle?

   Dahil sa sinabi ni Belle.

   "Tara na," he stated. Pero nanatili padin akong nakatayo doon. Nilingon niya ako at ngumiti. "Si Aldrin? Nakauwi na 'yun."

   Kinonutan ko siya ng noo. He laughed.

   "My skirt is too short," I said. Well, I wasn't lying.

   "I have my jogging pants here, you can wear it," aniya.

   "Malaki sa akin," I said.

   He grinned. "Pang cover mo lang naman," aniya at may kinuha sa bag niya.

   Should I?

    Who gives a damn about what Belle said?!

   "Magpalit ka na lang sa Cornelia—"

   "No," I cut him off. Nandoon pa malamang sila Belle. Nilibot ko ang paningin ko. I pursed my lips before I looked at him. "Sa Jollibee na lang," mahina at nahihiya kong sabi.

   "So? Hahatid kita?" Hindi makapaniwal niyang tanong. Nakangiti akong tumango. The next think I knew, is sinamahan niya na ako sa jollibee.

    My forehead creased. The pants was... perfectly fit. It was like it was made for me. Seriously? Kasiya sa kanya 'to?

   I shook my head bago ako lumabas. My lips parted when I saw Gael leaning on the wall while focusing on his phone, forehead crease.

   You know... maybe. Maybe I should give it a try? I'm already fifteen naman na. 'Yung mga schoolmates ko may experience na sa ganinto. Minsan lang maging highschool. Hindi na mauulit. Ayoko namang puro aral na lang.

    Yeah... I should give it a try...


---

What Makes Life Divine│Valiente #1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant