"It's okay Ate Chloe, he's a Rheinford kaya ganun." sabi ni Raffy at niyakap pa ako na halata din namang inaasar ako. Si Hannah at Irene lang ang hindi makarelate sa'min kaya nagkwento na ako ng talagang nangyari.

"Wow, talagang hindi kita kakausapin kung ganun Ate Chloe, Imagine sa magkasunod na araw magkaibang lalaki nakita niya na kasama mo kahit pa sabihin mo na bakla yun. Hindi niya naman alam yun sa umpisa pa lang." sabi ni Hannah at nag agree naman yung apat.

"Alam ko naman, pero he's not talking to me tungkol doon lagi na lang tungkol sa trabaho! Kaunti na nga lang baka magresign na ako bilang secretary niya para makausap ko siya." natawa naman yung apat sa sinabi ko pero hindi ko na sila pinansin. It's the truth anyway kaunti na lang talaga baka gawin ko na yun.

"Is that really Chloe Antonette?" natatawang sabi ni Hannah at mas lalong natawa yung tatlo.

"Too in love to my brother." sabi ni Zai na pailing iling pa.

"In the name of love handang mawalan ng trabaho," sabi ni Irene at umiling na din.

"Hindi niya pa sinasagot yan ah." Raffy said at doon ko napatunayan na pinagtutulungan nila akong apat.

Akala ko magbibigay sila ng magandang advice sa'kin but it looks like they are just teasing me dahil sa nangyayari. Ang swerte ko talaga sa kanila napakaswerte kaunti na lang mananakit na ako.

But I know they are doing it to divert my attention to other things. Mas gusto nilang maisip ko yung pang-aasar nila kaysa magpakastress kung paano kakausapin si Zairon.

Late na akong nakauwi ng apartment at ganun na lang ang gulat ko ng makita si Zairon sa harap ng apartment ko.

"I thought you're going home?" tanong niya sa'kin.

"Raffy called me to go to their condo." pageexplain ko sa kanya. At nakita ko naman siyang tumango and the silents give me a chance to explain.

"Look Zairon... Si Gabby he's just my friend, Bakla yun kaya hindi kami talo nagkataon lang talaga na ganun suot niya ng gabing yun at hindi ko alam kung bakit. And also yung sa mall he's also my friend, old friend actually nung nasa probinsya pa ako magkakilala na kami. So wala lang talaga yun and also..." I stop myself from talking because I almost said that I love him. Ayokong sagutin siya na kakagaling niya pa lang sa galit sa'kin.

"You have a lot of friends, huh?" tumango lang ako sa kanya at binigyan siya ng awkward na ngiti na kinatawa niya naman.

"Don't smile like that Antonette." inirapan ko lang siya dahil doon.

"You're making me fall for you more." napatitig ako sa mga mata niya. I really love looking at his eyes because his eyes are telling me something.

"Bati na tayo?" ranong ko sa kanya at tumango naman siya kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit.

"Alam mo bang inaasar na ako nila Zaira kanina dahil isang linggo mo na akong hindi pinapansin bukod sa trabaho." sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.

I feel safe... I found my comfortable place it's being on his arms.

"Kaya wag mo na akong pagselosin." napahiwalay ako sa kanya at nakita ko namang natatawa siya kaya hinampas ko nga siya.

"Hayaan mo kasi akong mag explain!" tumango naman siya sakin kaya napangiti na lang ako.

"Tomorrow, don't come to work."

"Why?"

"Because we're going on a date." sabi niya. And I think I can't do anything kaya pumayag na lang ako. He's the boss anyway. At okay lang kahit hindi siya pumasok at dahil hindi siya papasok kahit na wag na rin pumasok ang secretary.

Find Me Then (Then Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt