Alam kong masyadong pangbata ang pajama jumpsuit pero ang cute kaya! Nakakamiss suotin ang pantulog na 'yon!

Natapos ang pag-uusap namin kaya ibinalik ko na ulit sa pagkakapatong ang cellphone ko sa side table.

Itinali ko ang aking buhok into a ponytail bago bumaba ng kama at kumain ng lunch.

Hindi ako kakain nang marami para may pangreserve ako mamaya.

Sinabihan ko na sila kung ano ang dadalhing pagkain dito. Gusto ko sana ng alak kaso alam kong susuwayin na naman ako ni Nicolette.

I also called them because I'm so bored. Palagi naman. Walang bago.

Matagal pa kasi ang office works ko sa mga Brassard. Hindi pa rin ako tinatawagan ni Tita Victoria pati ni Manager Cynthia. Marahil ay wala pa silang ipapabago sa mga designs ko.

Pagkalabas ko ng pinto, naabutan kong nakasandal na roon si Caplan. Napatigil ito sa pagtawa nang makitang lumabas ako.

Sa kabila n'ya ay naandon si Ate Jea. Nag-uusap sila.

Nahagip ko naman ang stool na nakalagay sa tabi ng dingding ko.

"Ah... ako ang nagsuhestyon kay Caplan na maglagay kahit isang upuan para hindi s'ya mangalay. Maghapon kasi s'yang nakatayo sa tapat ng pinto mo, Ma'am." Nahihiyang paliwanag ni Ate Jea nang mahalata n'yang nakatingin ako sa bangko.

Inilipat ko naman agad ang tingin kay Caplan. Nakatayo na ito ng tuwid sa harapan ko. Walang mababakas na ekspresyon. Tumikhim lang siya.

Bakit mas'yado ata nilang bine-baby ang isang ito? "It's okay." Bumuntong-hininga ako at nilampasan na sila.

Sumunod naman sa 'kin si Caplan.

Nang makarating ako sa dining area, walang tao roon. Malamang ay nasa palengke si Manang. Nasabi n'ya kasi sa 'kin noong isang araw na kakaunti na ang food stocks.

Dapat si Mom ang gumagawa noon kaso wala. Nasa trabaho. Ibang bagay ang pinagkakaabalahan. I smiled out of the blue. A bitter smile.

Habang kumakain ako, dalawang dipa ang layo sa 'kin ni Caplan. Siguro naman ay nakapaglunch na ito. Hindi na ako mag-aabala pang yayain s'yang kumain.

Bakit kasi kailangang nasa akin ang mata at atensyon n'ya buong magdamag? Hindi naman palaging umaatake ang hika ko pero oras-oras ko s'yang kabuntot.

Nakakaboring kaya 'yon! Buti na lang maganda ako kaya hindi nakaka-umay pagmasdan. Muli akong napangisi.

Matapos kong kumain, pumunta naman ako ngayon sa salas. Isinampa ko roon ang paa ko at naka-cross ang mga hita.

I grabbed my tablet at nagdrawing ng tuxedo para kay Jereniah. Imaginative ideas lang ulit ang ginagawa ko since hindi ko pa natatanong sa kan'ya kung anong arte ang gusto n'yang ilagay ko roon.

Ako na ang bahala kung paano pagagandahin ang ideas n'ya.

Maaga pa rin naman, 6PM kasi ang usapan namin na pumunta ang tatlo rito. At dahil wala na naman akong magawa, I need to keep myself busy to avoid boredom.

Habang ginagawa ko 'yon, sandali kong sinulyapan si Caplan sa aking gilid.

Nakatingin lang s'ya sa malayo. Hindi man lang ako tinitignan kahit ilang segundo na akong nakatingin sa kan'ya.

Titignan n'ya lang kasi ako kapag tinawag ko na ang pangalan n'ya o kaya naman ay magbigay ako ng sign na kailangan ko s'ya.

Tumaas ang gilid ng labi ko at umikot ang mata sa 'di alam na kadahilanan.

Captivated Weakness [Alluring Series #3] - CompletedWhere stories live. Discover now