"Ayaw mo ba? Dahil kung hindi mo gusto sasabihan ko sila Britany na ibalik na lang yung dating news hehehe..." pa birong sabi ni Dean

Naka peace sign na si Dean habang naka ngiti. pagtingin ko sa kanya. Hindi ko na tuloy sya nabatukan

"Gusto ko nga yung news " pag agree ko na lang

"Gusto mo pala. Eh...ano pa ang nirereklamo mo" sabi ni fire

Hindi ko napigilan ang sarili

"Pero etong news or kahit sa social media ay puro good comments. Katulad nito"

Binasa ko sa harap nila

"Dahil maraming sasakyan na dumaraan. Ang Student na si Hot Cuenca tinulungan tumawid ang senior citizen na babae sa kalsada kasi hindi ito maka tawid dahil mabilis ang takbo ng mga sasakyan at kahit nasa pedestiran lane na tsaka walang tumutulong sa senior citizen kahit maraming nakaka kita dito"

Pinakita ko sa kanila ang pictute na tinutulungan ko ang senior citizen na babae na tumatawid sa kalsada

"Ayaw mo nun binansagan ka ng gwapo na. Mabait tsaka Gentleman at matulungin. Kulang na lang tawagin ka ng SUPERMAN" sabi ni fire habang nagdekuwatro

"On nga. Ikaw na ang SUPERMAN ng pilipinas at tatawagin kang Hot the SUPERMAN" birong sabi ni Dean with matching taas-taas pa ng dalawang kamay tsaka hiniwalay

"Eh...kung pagbabatukan ko kaya kayo" sabi ko na hindi maintindihan kung maasar ba ako or matutuwa

Nagkatinginan ang dalawa tsaka nagkibit balikat na lang sila. Habang naka ngiti at dahil hindi pa rin ako matigil

"Tapos eto pa ang comment"

Muli ay binasa ko sa kanila ang comments ng mga tao

"@goddess_16 ang sabi nya nakakatuwa ka naman. I'm so proud to you. Bihira na lang ang taong matulungin na katulad mo Hot. Sana maging kagaya mo ang magiging anak ko" pagbabasa na sabi ko

Naiinis ako. Kahit wala naman kakainisan. Maganda naman ang comments pero patuloy pa rin ako sa pagbabasa ng comments

"Ang sabi pa ni @simply_kate ako tulungan mo ako Hot sa pagpasok sa puso mo" inis na sabi ko

Gusto kong replayan pero hindi ko magawa kasi baka putaktihin na naman ako ng mga bad comments. Kaya nasabi ko na lang sa sarili ko na naririnig nila fire ay Dean

"Akala mo naman kung anong tulong. Hindi naman importante. Bumanat lang naman. Basta maka pagcomment lang eh...papansin. pangit ka siguro kaya ka nagpapansin" asar na sabi ko

Pagkatapos ay may nabasa pa ako

"Si @dyosa_chesca ang sabi nya dito. Wow! Meron pa palang ganyan sa panahon ngayon. Alam mo fafa Hot fafakakinin kita sa kahit saang gusto mo tsaka fafainumin kita na kahit na ano. Kung ako ang tutulungan mo" pagbabasa ko ng malakas

Dahil na inis at naasar ako

"Okay na sana ang kaso may fafakainin Tsaka fafainumin Eh...kung fafatayin kaya kita. Bwiset to. Bakla. Bakla ka" pikon kong sabi

Halos sumigaw na ako na parang baliw tsaka halos sirain ko na kakadutdot ang cellphone. Natahimik lang ako ng marinig ko ang dalawang babaeng dumaan sa harapan namin nag-uusap at ako ang pinag-uusapan

"Baliw na yata yan" mahinang sabi ni girl 1

"Oo nga nababaliw na yan. Sinisigawan na ang cellphone nya. Wala naman kausap sa phone" mahinang sabi ni girl 2

Cold and HotWhere stories live. Discover now