Hindi nagtagal ay nakita ko si fire at Dean na pa akyat ng stair

"Si fire at Dean yun ah!" Sabi ko

"Huh? San?" Hindi nya makitang tanong

Inaya ko syang puntahan ang dalawa

"Tara puntahan natin" aya ko

"Hindi na. Siguro ikaw na lang. Mauna na ako sa class natin" pagtanggi nya

Nagpaalam na ako kay water

"Sige. Susunod na lang ako" paalis na sabi ko

"Okay" tipid na sagot ni water

Pumunta na ako kila fire

"Fire, Dean" malakas na sabi ko

Nilakasan ko ang boses ko para marinig at makita nila ako. Na agad naman silang napa tingin sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para malaman nila kung na saan ako. Huminto naman sila sa paghakbang sa pag-akyat ng stair at inantay ako para maka lapit sa kanila

"Bakit kayong dalawa lang? Na saan si Hot?" Pagtataka ko

"Nasa dorm. Hindi pumasok" pag-inform na sabi ni Dean

"Oo. Tumawag sa akin
kani-kanina lang. Naki usap sa akin na sabihan ko ang mga prof. Namin na hindi sya makaka pasok ngayong araw" sabi ni fire

Napa hawak ako sa chin ko at inisip ang nangyari kanina sa dorm

"Ginising ko pa sya kanina bago ako umalis ng dorm. Ang sabi nya sa akin. Papasok daw sya tsaka naka talukbong lang sya" naalalang sabi ko

"Nilalagnat sya. Masakit daw ulo nya tsaka nahihilo. Nagpapadala nga ng gamot at pagkain kapag breaktime. Nung tumawag sya sa akin kanina. Wala bang sinabi sayo?" Sagot ni fire na balik tanong nga sa akin

"Hindi ba nya sinabi na masama paki ramdam nya ngayon?" Tanong ni Dean

"Hindi nya sinabi sa akin na masama ang paki ramdam nya at wala syang sinabi sa akin na kahit na anong masakit sa kanya" sagot ko

Nagkatinginan sila Dean at fire. Dahil nag-aalala ako minabuti kong magprisinta na lang

"Ako ng magdadala ng gamot at pagkain sa kanya" pagpriprisinta kong sabi

"Ikaw bahala" sabi ni Dean

"Mas maganda ng ikaw ang magdala ng gamot at pagkain kay Hot tutal ikaw naman ang ka room mate nya" sabi naman ni fire

Nag-paalam na ako sa kanila

"Sige na. Uuwi na ako" paalam ko sa kanila

"Hindi ka papasok?" Tanong ni fire

"Oo para mapa inom na ng gamot si Hot. I'm sure hindi pa sya nakaka inom at papakainin ko na rin" nag-aalalang sabi ko

"Uy! Nag-aalala sya" panunuksong sabi ni Dean

Napa ngiti ako sa panunukso ni Dean

"Oo nag-aalala ako. Kahit isa sa inyo nagkasakit mag-aalala rin ako" straight na sabi ko

Sinabi ko na rin iyon para hindi na ako tuksuhin ng dalawa. Pagkatapos ay nagpaalam na ulit ako sa kanila tsaka umalis na. Pagkatapos ay tumawag ako kay water na hindi ako makaka pasok dahil may importante akong gagawin at sinabi na ipagpaalam na lang nya ako sa mga professor namin. Pagkatapos namin mag-usap sa cellphone ay umuwi na ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ngayon ay nasa dorm na ako. Nakita kong naka higa si Hot tsaka naka talukbong ng kumot

Cold and HotWhere stories live. Discover now