Part 1

6 1 0
                                    

JAJA

MAKALIPAS ANG ilang oras ay sawakas at natapos ko na ang pagaayos ng mga gamit ko sa bago kong apartment na tinutuluyan. Hindi ganong kalakihan, kasya lang pang-isang tao. Yun ngalang, kahit anong ayos ang gawin ko sa loob ay mukhang squater pa rin ang tinutuluyan ko. Wala namang akong mga bisita kaya don't-bother-linis lang ang ginawa ko dito.

Ni hindi mo nga yata matatawag na linis ang ginawa ko rito. Nagkasabog-sabog ang mga damit ko sa closet, at dahil bago lang ako dito, makikita mo ang mga sapot na nakapalibot sa buong kisame na akala mo'y may nag-haloween party rito kamakaylan lang. At ito pa, baka ma-suffocate ako dito sa sobrang kapal ng alikabok at mauna pa kong mamatay sa nanay ko.

Hay, buhay nga naman.

Wala naman tayong magagawa at tipid-tipid muna. Kailangan ko pa ng pera para sa mga gamot ni nanay, naubos na kasi ang mga perang naipon namin at ngayo'y nagkukulang. Nagkabuhol-buhol na nga ang buhok ko na animo'y alambre sa tigas dahil ni mismo  shampoo ay di ko mabili. Pati kamo mga libag ko sa katawan ay pwede nang makipag-contest sa mga alikabok dito sa kwarto. Medyo exagerrated lang ako, pero sinasabi ko ang totoo.

Truth hurts nga diba?

Ang kaibahan nga lang, sa ibang mga teenagers na tulad ko ang truth hurts nila ay dahil hindi ka gusto ng crush mo. Mas masakit naman ang aking truth hurts, hindi na nga gifted sa kagandahan minalas pa sa kabuhayan.

Naiiyak lang ako sa mga pinag-iisip ko. Mas mabuti pa ay matulog na lang ako bago ko bisitahin si nanay sa ospital.

"Cough cough"

Pero kamalas-malasan nga naman at pati ang higaan ay hindi ako pinagbibigyan. Mas lalo akong pinapaiyak. Pagkaupong-pagkaupo ko dito ay daig pa yata ng ilong ko ang vacuum cleaner dahil singhot na singhot ko ang mga alikabok. Baka nga matuluyan na ako rito sa apartment na to. Hindi ko nalang pinansin pa ang mga ito at pinagpatuloy ang aking nap time.

***

Pagkagising na pagkagising ko ay ang unang narinig ko ay ang mga malalakas na katok ng kunsinomang taong yon. Sa una ay ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko pero nasundan parin ito ng mga katok na may halo nang sigaw ng pangalan ko.

"Oo, eto na po!" Hindi ko na niwasang mapasigaw dahil naputol ang aking beauty rest.

Oo, alam ko wala akong mapapala kahit anong beauty therapy pa ang gawin ko. Pero walang pakialaman. Mind your own business nga in English.

Teka, mukhang pamilyar ang scene nato ah. Alam niyo yung naniningil na yong maarteng may-ari ng apartment at nagsisigaw dahil ilang araw na daw akong hindi nagbabayad ng upa. Pero malabo yun, bago lang ako rito. Eh kung yung mga nautangan namin doon sa squater na hindi pa namin nababayaran? Naku, baka nalaman ang nilipatan ko at sinugod ako ngayon rito.

"S-sino po iyan? Wala pa po akong pambayad"

"Ay naku, diyusko pong bata ka. Hindi ako naniningil sa iyo. Kaya buksan muna tong pinto" Ah, si Aling Martha lang pala. Dali-dali ko naman binuksan ang pinto at dahil maalikabok sa loob ay napa-ubo siya.

"Hindi ka ba naglinis sa loob? Napaka-daming alikabok. Tapos di ka pa naliligo, umaamoy ka na"

Nagreklamo pa, siya na nga tong pumunta dito. Siya nga ang baho ng hininga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Was In-Love With A GhostWhere stories live. Discover now