"Markcus," pagtatama ko.

Umawang ang labi n'ya at kapagkuwan ay tumango. Binasa n'ya ang kaniyang pang-ibabang labi. "Oo nga. Markcus nga ang sinabi ko, ah?" depensa pa niya.

Umirap ako at ngumiwi.

Seryoso ba? Iyon lang talaga ang ipinunta niya rito?

"Huwag ka sa akin mag-sorry. Hindi naman ako ang natamaan mo ng bola," saad ko pa.

He pursed his lips then looked at Markcus. He nodded his head as a sign of acknowledgment. "Sorry pre. A-ano...ayos ka na ba? Hindi ba nabasag bungo mo o hindi ba naalog utak mo?"

"Hindi. Why are you asking?" Markcus laughed a bit.

"Ah, ganoon? Sayang naman—a-ang ibig kong sabihin...sorry talaga, pare."

"It's nothing but at least be careful next time," nakangiting sagot ni Marcus kay Miguel bago bumaling sa akin. "Let's go, Bluie?"

"Sige." Tumango ako kay Miguel bilang pamamaalam at nilampasan na namin siya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtiim ng bagang niya nang akbayan ako ni Markcus.

That was the last time I saw him dahil lumipas pa muli ang tatlong buwan ay hindi na muli nagtagpo pa ang landas namin ni Miguel kahit isang building lang ang pagitan naming dalawa.

Sa loob ng tatlong buwan ay mas naging malapit kami ni Markcus sa isa't isa. Medyo natuto na rin akong makihalubilo sa iba naming kaklase at nagkakaroon na rin ako nang mangilan-ngilang kaibigan kagaya ni Erika at Ria na madalas kong maka-grupo sa mga gawain.

Kinu-kwento sa amin ni Ria ang pagkagusto niya kay Miguel. Matagal na raw niya itong kilala dahil kaibigan ng kuya niya ang lalaki. Matagal na rin daw siyang may gusto rito at sa sobrang pagkagusto nga niya roon ay madalas niya itong sundan kung saan man ito magpunta at idagdag pa na palagi siyang updated sa buhay ni Miguel. Wala naman akong pakialam doon dahil abala ako sa sarili kong buhay. Hindi ako interesado sa love life ng iba.

Malapit na ang midterm exam kaya puspusan ako sa pagre-review. Palagi kaming magkasama ni Markcus. Tinutulungan n'ya ako sa tuwing nahihirapan ako sa acads lalo na sa isa sa mga major subject namin na Accounting.

Kapag may free time naman o pagkatapos ng klase ay palagi kaming dumi-diretso sa library para roon mag-aral. Minsan ay kasama pa namin ang iba naming ka-blockmates.

College life is not as easy as you think. Kailangan mong mag-exert ng bonggang bongga na effort para pumasa. Hindi sapat na matalino ka lang, dapat matiyaga ka rin at magaling pagdating sa time management.

"Kayo na ba ni Markcus?" malisyosong tanong ni Rose habang kumakain kami nang hapunan.

Nagulat ako sa tanong niya ngunit agad din akong nakabawi.

"Hindi," simpleng sagot ko.

"Aysus! Pa-showbiz ka pa! Eh may nakakita sa inyo noong last week sa mall na kumain kayo sa labas at nag-shopping pa tapos kahapon naman nakita ulit kayong dalawa na magkasama sa park at may dala kang bouquet," mahabang litanya niya sa akin at kinunotan ko siya ng noo.

"Hindi nga kami ni Markcus. Masiyado lang talagang malisyoso ang mga tao," irita kong sagot at inirapan siya.

Hindi porke't magkasama ang babae at lalaki sa labas ay may something romantic nang namamagitan sa kanila. Man can be friends with woman and vice versa pero ewan ko ba kung bakit sa paningin ng ibang tao ay palagi na lamang may malisya.

Kaibigan lamang naman ang tingin ko kay Markcus at hindi kailanman sumagi sa isipan ko ang patulan siya nang higit pa sa pakikipagkaibigan. If I have a guy friend, it will be remained as friend.

Not Your Asset (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon