☪️CHAPTER 2: Gonzales Siblings☪️

23.5K 708 4
                                    

SOMEONE POV:

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo sa kakahuyan. Kahit gabi na'y nakikita ko parin ang aking dinadaan salamat sa liwanag ng buwan.

Takbo ako ng takbo hanggang sa makarating na ako sa aking paroroonan ko sa aking Tree House.

Oo, mayroon akong Tree house dahil kapag wala si Ama at Ina dito ako pumupunta at namamalagi sa kadahilanan nasa trabaho sila o sa bayan.

Huminga ako ng malalim dahil sa pagod sa pagtakbo ko.

Mahihimatay ako ng di-oras nito dahil hindi na ako makahinga ng maayos huhuhuhu.

Bakit ako tumatakbo?

Syempe may nakita akong limang nakakatakot na lalake.

Umakyat ako sa tree house at dali-daling nag impake baka makita ako ng limang nakakatakot na tao na nakita ko kanina. Hindi ako siguro kung mababait sila o hindi ngunit kailangan ko munang wag magtiwala sa iba.

Inilagay ko ang mga damit ko sa medyong malaki na bagpack kasama yung picture namin ni ama at ina at ang pinakahuling inilagay ko sa bag ay ang camera.

Nag tataka ba kayo kung bakit mayroon ako nito?

Ibigay ito ni ama at ina noong 17th birthday ko at ito ang unang regalo nila sa akin na hindi ko naman hiniling na bilhin ito sa akin pero kahit papano ay mahalaga to sa akin dahil nandito ang mga alaala naming tatlo.

Pinakahuli kong ginawa ay sinuot ko ang kwentas na binigay ni ama na isa syang crescent moon na may star sa gilid.

"Boss! wala siya dito!" napatingin ako sa labasan ng tree house ko dahil sa malakas na sigaw.

"F*ck it! find that girl and bring her to me or else." cold na sigaw ng isa pang lalaki.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang nararamdaman ko na hindi sila ordinaryong tao.

Dahil sa kaba ko ay di na ako nagdalawang isip na bumaba ng Tree house at mabilis na tumakbo habang suot sa likuran ang bagback.

Hindi ako sigurado kung sila nga ang pumatay sa magulang ko kung sila man ay babalikan ko sila at ipaghihiganti ko ang magulang ko.

Base kasi sa panganagtawan nila mukha silang business man at masasabi kong napakagwapo nila lalo na yung nasa gitna ngunit hindi ko masyado maaninag ang kanilang mukha.

Habang ako ay tumatakbo bigla namang bumuhos ang ulan, napakamalas ko naman ngayon huhuhuhu whaaaa may mas malala pa ba dito?

"Aray!" Daing ko.

Di ko napansin ang sanga ng kahoy kaya nadapa ako ng tiningnan ko naman ang tuhod ko ay may dugo.

Napangiwe ako sa hapdi nang hinwakan ko ito ngunit mabilis akong tumayo dahil baka maabutan nila ako, kahit paika-ika ay pinilit ko parin maglakad.

May naririnig akong tunog ng sasakyan kaya tumakbo ako na hindi iniinda ang sugat sa aking tuhod.

Nakarating ako sa kalsada at nagtaka ako dahil wala ng dumadaan na sasakyan.

Napahawak ako sa aking ulo ng medyo nahilo ako ngunit umiiling-iling ako baka mabasawan ang pagkahilo ko.

Napatingin ako sa aking likuran nang nakita ko ang ilaw nito sa aking harapan.

"BEEEEEP!!!!!"

Katapusan ko na ba? Pero hindi pwede! Kailangan ko pang mahanap ang pumatay sa mga magulang ko.

Nandilim ang paningin ko pero bago ko pinikit ang mata ko may naririnig akong nagsasalita.

"Miss! miss." tawag sa akin sabay alog ng katawan ko ng isang lalake.

"Kuya!! Ipasok mo na sya dito sa kotse!" rinig kong sigaw ng isang babae.

And everything went black.

Owned by a Mafia Boss (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon