"Kahit may prior commitment ako basta ikaw, free ako."

Tumango-tango siya habang nakangisi. "Aba! Marunong ka na talaga, ah?"

Nagtawanan naman kami.

Kapag kasama ko si Brixel parang ang gaan-gaan ng paligid. Alam mo 'yong pakiramdam na wala kang ginagawa pero sobrang saya ng puso mo? At habang tinititigan ko siya ngayon ay parang hindi na ako makapaghintay na maging isang Larson, na maging Larson niya.

Papasok na ako sa opisina ko nang makasalubong ko si Brando na may dalang box galing sa opisina ni Lara.

"Hi! Good morning!"

Parang nataranta naman siya nang makita ako. "Ikaw pala 'yan, Ms. Kim! Ah, good morning po."

"Ano 'yan?" pang-uusisa ko.

"Ah." He looked away. "Gamit po ni Lara."

"Nagresign na siya?" gulat na tanong ko.

"Ah?"

Nag-aalangan pa si Brando na magsalita.

"Tinanggal po sila ni Sir Brixel." Napayuko pa si Brando.

"Sila? Sino?"

"Si Ms. Hilda po."

"Bakit daw?" Pakiramdam ko ay alam ko na kung bakit.

"Kayo na lang po siguro ang magtanong kay Sir Brixel, excuse lang po."

Nang makaalis si Brando ay agad akong nagpunta sa opisina ni Brixel, ni hindi ko nagawang kumatok.

Nag-angat siya ng tingin. "Hey. Miss mo na agad ako?"

"Tinanggal mo si Ms. Hilda at Lara?"

He nodded.

"Bakit? Dahil ba sa akin?"

He clenched his jaw. "Ayokong may bumabastos sa'yo, Kim-"

"Pero hindi fair 'yong pagtanggal mo sa kanila dahil lang sa ayaw mong may bumabastos sa akin."

"It's not just the reason. I don't tolerate those kind of behavior. Malinaw sa kanila 'yon."

"Brixel! Ano sa tingin mo ang ginawa mo? Dahil lang ba 'yon sa chinismis nila tungkol sa amin ni Architect?"

"They were talking shits behind your back, Kim."

Nagulat naman ako.

"Paano mo nalaman-Wait! Sinabi ba ni Briana?"

He took a sigh. "It doesn't matter. Remember what I told you last night? I will protect you."

"Brixel, nawalan ka ng magagaling na tao dahil sa akin!" Ang bigat ng loob ko. "Paano na? Sinong gagawa ng mga trabaho nila?"

"Edi ako!"

Napalingon ko at tumambad sa akin si Briana.

"Good morning! Gorgeous Briana at your service!" Sumaludo pa sa amin si Briana.

I just took a sigh.

Nagkatinginan kami ni Brixel. Gusto ko siyang kumbinsihin pero sa paraan ng pagtingin niya sa akin ngayon ay parang pinapahiwatig niya na wag na.

Chasing Lifetime (Chasing #5)Where stories live. Discover now