Gusto ko ba makita si Papa?

   Hindi ko na rin... Hindi ko na rin alam.

   But instead of saying that. I just flashed a smile and said, "Sige, Kuya."

"Hala, totoo nga chismis nung Koreano," namamanghang sabi ni Andrew. Nasa harap ko siya habang nag lalakad ng paatras. Kakaakyat ko lang sa floor namin at nagkasalubong kami. "Broken ka ba, Abreu?"

   Umirap ako.

    Nakalimutan ko, friends rin pala sila ni Gael. Bakit wala siya sa bahay kahapon para hindi na niya ako ginugulo ngayon. Kasi kapag sa bahay? Hindi niya ako magugulo.

  "Bakit late ka ngayon? Napuyat ka ba sa kakachat—"

   "Ang ingay mo," sabi ko at lumiko para pumasok sa room namin. Tinignan kaagad ako ng mga kaklase ko. First time makakita ng late?

    Binaba ko ang bag ko at naupo sa upuan ko. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kanang kamay ng makita ko sina Zoe at Denise. Lumapit ako para mag tanong kung ano ang ginawa nila sa TLE. Wala naman daw, discussion lang ulit.

   "Hala, ba't ka nag pagupit?" Tanong ni Denise at naupo sa table ng katabi kong upuan.

     Nginitian ko lang siya at bahagyang yumuko dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko.

    Pinagsisihan ko rin kaagad ang ginawa ko dahil baka isipin nila na snob ako.

    Nang muli ko silang tignan ay nangunot ang noo ko dahil pareho silang nakatingim sa akin habang nakangiti.

    Okay...

    "Shock sorry," sabi ni Zoe at tumawa. "Bagay sa 'yo, 'Te!"

    Tumawa si Denise at tumango. "Ang ganda mo. Lumayo ka nga sa akin. Straight ako, eh."

   Natawa ako sa huling sinabi niya. Pero naramdaman ko ang haplos sa puso ko sa mga compliments na sinabi nila.

    Ang sarap makarinig ng compliment sa kapwa mo babae...

   "Hala, nag b-blush siya!" Natutuwang sabi ni Denise habang tinuturo ang mukha ko. Napatungo ako at tinakpan ang mukha ko. Tumawa siya, sila. "'Wag mo ikahiya ang ganda mo, 'Te!"

   Umayos kami nang upo ng dumating na ang teacher namin. Pinadulas ni Denise ang pwet niya paupo sa upuan. Sumunod naman si Zoe at umupo sa tabi ni Denise.

   Palihim ako na ngumiti.

   Na t-touch nanaman ako.

   Pero nawala ang ngiti ko nang mapalitan 'to ng kaba. Mamaya... pupunta kami sa bahay nung pamilya ni Papa. Feeling ko ay ma O-OP nanaman ako. I mean, hindi naman ako pinapabayaan nung mga anak anakan ni Papa, pero kasi puro sila lalaki, wala akong maintindihan.

    Tahimik na katabi sina Zoe at Denise. Pare-pareho kaming nakikinig at nag t-take down notes. Kaya wala akong naging problema. Hindi katulad nila Andrew at Jaeden na madalas tumabi saakin para lang mang epal.

    Naubos ang oras at nag bell, hudyat ng break. Kinuha ko ang wallet ko sa bag. Nginitian ko lang sina Denise at Zoe ng magkatinginan kami.

    Nangunot ang noo ko nang makita si Gael, kasama ang dalawa kong kaibigan. Nginitian niya kaagad ako. Hindi ko alam kung ngingitian ko din ba siya, oh ano. Nahihiya ako, lalo na't nandito din sila Belle.

   "Tara na," sabi ni Louise at humawak sa braso ko. Hinila niya ako at nanguna kami sa paglalakad. Alam ko ang ginagawa niya. Binibigyan niya ng moment sina Belle at Gael.

What Makes Life Divine│Valiente #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon