"Pwede bang sumabay sa 'yo pagkain ng lunch?"

Mas lalong kumunot ang noo ko, nagtataka. He has a lot of friends from other section. So...bakit sa akin siya sasabay? For damn's sake, we're not even close!

Suminghap siya at pagak na tumawa nang mapansin niya ang pagtataka sa aking mukha. Nahihiya siyang umiling at ikinumpas ang kamay.

"Kung hindi pwede, ayos lang―"

"Okay lang," I cut him off and said it out of nowhere. Napakurap ako't umawang ang labi. Bakit ko sinabi 'yon?

Hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon na bawiin ang sinabi ko. I just found myself silently walking with him in the crowded corridor.

Hindi ako kumportable sa mga malilisyosong tingin na ibinibigay sa amin ng bawat makakasalubong. Bumuntonghininga ako at kinagat ang pang-ibabang labi. Mukhang maling desisyon pa nga yata 'tong ginawa ko.

I heaved a deep sigh again. Alright, Markcus Terciano has a good look. Marami sa mga ka-blockmates namin na babae ang nagkakagusto sa kaniya but it looks like he's not interested. Mayroon siyang kaya sa buhay pero kahit gano'n ay hindi naman siya makikitaan ng yabang at karangyaan sa mga gamit na mayroon siya. Ni hanggang ngayon nga nagtataka pa rin ako kung bakit sa isang state university siya nag aral gayong afford naman niya siguro ang magbayad ng tuition fee sa ibang prestihiyosong eskwelahan.

Well, that's not my problem anymore.

Bukod sa mala-koreano n'yang balat, mapungay at singkit na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi ay maganda rin ang kaniyang pag-uugali. He has a good boy image and reputation too. Kaya nga hindi na ako nagtataka kung maraming nagkakandarapa sa kaniya.

Nakasalubong rin namin si Rose na kasama ang mga kaibigan niya. She's smirking at me, kung anu-ano na naman siguro ang nasa isip nito. Hindi ko siya pinansin at lalampasan na lamang sana pero hinila niya ang buhok ko.

I groaned in annoyance.

"Feeling mo maganda ka?" Kinurot niya ang tagiliran ako kaya napadaing na naman ako.

"Ah ah, masakit! Parang tanga 'to!" reklamo ko at pilit kumakawala sa kaniya.

She laughed, leaned closer at me, and whispered to my ears. "Kwentuhan mo ako bukas kung daks or juts."

Nanlaki ang mga mata ko at tinulak siya palayo sa akin. Humalakhak siya at napailing na lang ako sa pagiging bastos ng bunganga niya. Kahit kailan talaga!

"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin Markcus.

"Sa Cafeteria na lang siguro."

Pumunta kami sa nasabing lugar kaso sa kasamaang palad ay punuan doon. Lunch break kasi. Wala kaming choice kung 'di ang lumabas ng campus. Hindi pala siya kumakain sa mga turo-turo kaya bumalik na naman sa loob ng campus para kunin ang kotse niya.

Maarte din pala 'tong isang ito. Ayaw din sumakay ng jeep, eh. Pumunta kami sa Sunstar Mall. Siya na ang nag-decide kung saan kami kakain. Parang lalagnatin yata ko sa mahal ng mga pagkain pero mabuti na lang at nilibre niya ako. Malaking tipid din iyon sa akin, ano!

"Actually, matagal ko na talagang gustong makipagkaibigan sa 'yo kaso nahihiya akong lumapit..." he confessed.

I smiled shyly. "Bakit naman? Marami ka naman ng kaibigan."

Nagtaas siya ng kilay at ngumisi. "Oo nga no? Hindi ko na pala kailangan ng kaibigan kasi marami na ako no'n so girlfriend na lang pala kasi iyon na lang ang wala pa ako, eh."

Para akong nasamid sa sarili kong laway. Nag-init ang buong mukha ko sa kaniyang sinabi.

He, then, roared with laughter. "I'm just kidding."

Ala una na nang matapos kaming kumain at mag kwentuhan. Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. Mayroon pa kaming dalawang oras para sa sumunod naming klase kaya napagpasyahan namin na maglaro na lang muna sa World of Fun.

He's sweet and fun to be with kaya mabilis akong naging komportable sa kaniya. We played and roamed around the mall. Twenty minutes bago ang alas tres ay nagkasundo na kaming bumalik na kami sa campus.

Hindi rin naman iyon kalayuan kaya mabilis kaming nakarating. Pinark niya ang kotse sa may field at sabay kaming naglakad pabalik sa building. Natanaw ko pa si Miguel, iyong Criminoly student, kasama ang mga kaklase niyang naglalaro ng basketball sa open court na nasa harapan lang ng Administration Building.

Nag-uusap lang kami tungkol sa kung ano-anong bagay nang may biglang lumipad na bola patungo sa direksyon ni Markcus at tinamaan siya sapul sa mukha.

Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap sa gulat. Sandali akong natuod sa kinatatayuan. Nang matauhan ay nataranta ako at hindi malaman ang gagawin. Dapat ko na ba agad siyang dalhin sa clinic?!

"Hala okay ka lang?!" nag-aalalang tanong ko at agad sinuri ang parte ng mukhang tinamaan ng bola.

He chuckled then groaned in pain afterwards. "D-do I look like I'm okay?" nahihirapang aniya.

Dinampot ko ang bola at nilibot ang paningin sa paligid. And there, I saw Miguel Chavez walking towards us. Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang kumulo ang dugo ko—dahil ba iyon sa ginawa niya kay Markcus o naiinis ako dahil mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko kapag seryoso at walang mababakas na ekspresyon sa kaniyang mukha?

What? Ano bang sinasabi ko?!

I sighed and gritted my teeth in annoyance. Ano na naman kayang trip niya this time?

"Sorry..." ani Miguel sa malamig na tinig nang makalapit siya sa amin.

I scoffed, iniwas ko ang aking paningin sa kaniya. Wala namang bahid ng pagka-sincere ang tono ng pananalita n'ya!

"Uh, sorry Markcus pre, bigla kasing lumipad 'yong bola sa...sa direksyon mo," he said plainly.

Napairap ako dahil halata namang labas sa ilong ang paghingi niya ng tawad.

"Paano naman 'yan lilipad papunta sa amin? May pakpak ba 'yan?" sarkastiko kong tanong.

Markcus held my arm and shook his head, parang sinasabi niya na huwag na akong magsalita pa. Mas lalo akong nainis. Dumapo ang tingin ni Miguel sa kamay ni Markcus na nakahawak sa akin. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya.

Muli niyang binalik ang tingin sa akin. Walang mababakas na kahit anong emosyon doon. Binawi niya ang bola sa akin at tipid na ngumiti. "Sorry ulit, Blossom." Hindi na n'ya kami binigyang pagkakataon pa para umalma dahil tumalikod na siya at naglakad pabalik sa court.

He glanced at me again then shook his head afterward.

Bumaling ako kay Markcus. "Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

Matipid siyang ngumiti. "Hindi na."

Magsasalita pa sana ulit ako nang biglang lumapit sa amin si Rose.

"Nakita ko Bluie! Sinadya niya!" eksaherang saad niya na may kasama pang pag-alog sa balikat ko.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi.

"Gaga! Ang slow! Sinadya ni Miguel na batuhin ng bola si Markcus. Nakita ko! Nandoon lang ako malapit sa court.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Markcus. Nagkibit balikat siya sa akin. Sapo pa rin ang bahagi ng mukhang tinamaan ng bola. Wala sa sarili akong tumingin muli sa court kung nasaan si Miguel.

He's looking intently at me.

Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay agad siyang nag-iwas ng tingin at bumalik na sa paglalaro.

Not Your Asset (To Be Published)Where stories live. Discover now