"Oh, baka naman next week birthday naman no'ng nanay? Tapos next week 'yong aso nila? Next year, 'yong mga ipis, lamok at langaw naman?" pagbibiro ko na may kasama pang mahinang pagtawa dahilan para mas lalo pa siyang maasar sa akin.

"Oh, baka naman next week birthday naman no'ng nanay? Gaga! Wala silang aso! Pabida ka?" asik n'ya ulit ngunit biglang natigilan at natahimik nang makasalubong namin ang grupo ng mga Engineering students na sa tingin ko'y first year pa lang din.

Mabilis siyang nagtago sa aking likuran habang nakasilip ang ulo at sinusundan ng tingin iyong grupo ng mga kalalakihan...or to be specific, iyong lalaking matangkad, maamong mukha, at singkit na mga mata.

I just shrugged my shoulder and didn't bother to ask. It's her life to deal with.

"Wala na ba? Malayo na?" bulong n'ya. Nang umiling ako ay saka lamang siya umalis sa pagtatago sa aking likuran at nakahinga nang maluwag.

Magkaibang-magkaiba talaga kami ni Rose. Siya ay iyong tipong maraming kaibigan, magaling makibagay sa lahat ng tao sa kabila nang matabil niyang bunganga, at active na active rin ang kaniyang social life. Walang araw na hindi siya gumimik at pumunta kung saan-saan. While me? She's my only friend. May ilan naman akong nakakausap at nakakakwentuhan pero hindi naman gano'n kalalim at hindi pa enough para matawag na kaibigan talaga.

I'm contented with Rose. Kahit na matabil, bastos ang bunganga at prangka siya ay ayos lang sa akin. Mas mabuti na iyon kaysa makipagkaibigan sa mga taong pinupuri ka kapag nakaharap pero kapag nakatalikod ay sinisiraan ka pala. Kay Rose lang ako naging komportable nang ganito.

"Hidalgo, stand up!"

Dumagundong ang puso ko nang tawagin ako ni Mr. Reyes para sa recitation. My hands were shaking in nervousness. A bead of sweat was slowly forming on my forehead. With my knees trembling, I slowly stood up.

"Basic lang 'to, Miss. Give me some examples of current assets."

I sighed in relief. Akala ko ay pamatay na tanong ang itatanong sa akin!

I cleared my throat first before answering. "Cash, Accounts Receivable, Notes Receivable, Marketable Securities, Inventory, Prepaid Insurance, Prepaid Rent and Office Supplies po, Sir."

He proudly smirked and nodded. "Very good! Next, Terciano! Explain what is Accounts Receivable in your own words."

Confident na tumayo ang katabi kong si Markcus Terciano. Mula gilid ng kaniyang mata ay sinulyapan niya ako at binasa ang kaniyang labi.

Kumunot ang noo ko.

"Sir, Accounts Receivable is the amount you expect to receive in some future time."

Tumango si Sir Reyes at pinaupo na si Markcus. Nagpatuloy pa ang halos tatlong oras na klase sa accounting. Ang natitirang labing-limang minuto ay ibinigay na sa amin bilang break.

Kanina pa kumukunot ang noo ko dahil hanggang ngayon ay pansin ko pa rin ang madalas na pagsulyap sa akin ni Markcus. Maayos kong nilagay sa bag ang mga gamit ko kasama na roon ang makapal na libro.

And to my surprise, I was about to leave the room when Markcus called me using my first name.

"Blossom, wait!"

Dahan-dahan ko siyang hinarap at mas lalo pang lumalim ang gatla sa aking noo nang mapansin ang pamumula ng kaniyang tainga at pisngi.

"Bakit Markcus?"

He licked his lower lip and held his nape. Mula sa akin ay bumagsak ang tingin n'ya sa puting tiles. "A-ano kasi..."

"Ano?" My 3-inches black shoes are lazily tapping the floor.

Not Your Asset (To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon