CHAPTER 23

2.5K 119 0
                                    

ZHIENNA'S POV

Nandito ako sa mansyon ni Lolo. Kakagaling ko lang sa Misyon ko at aaminin kong napakasakit ng katawan ko, it's already 11:30 in the night. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at may saksak ako sa kaliwang braso ko.

Wala din dito si Lolo dahil meron siyang lakad. Mabuti at may pinadala siyang nurse. Pero hindi ito yung gumamot sa akin noon.

Merong nilagay ay nurse sa kaliwang braso ko. Ewan ko kung anong pangalan nun pero kulay Violet. Umiling nalang ako saka pumikit. Kailangan kong magpahinga ngayon dahil may klase na naman bukas.

KINABUKASAN ay late na akong magising, hindi narin ako nagsuot ng uniform kasi walang uniform dito sa mansyon. Naglakad na ako palabas. Nakasuot ulit ako ng hoodie na kulay black at naka sweat pants. May mask ulit ako kasi may sugat ako sa pisngi.

Sumakay ako sa ducati ko saka pinahurot ang kotse papunta sa school, doon nadin ako kakain sa cafeteria. Papasok nalang ako sa second subject ko.

Pagkarating ko doon ay pumunta ako sa cafeteria saka nag order.

"Isang rice samahan mo ng chicken curry. With spaghetti and carbonara and one coke. That's all."

Pagkatapos kong sabihin yun ay pumunta na ako sa pinakasulok at doon kumain. Walang tao dito at ako lang, maayos 'to dahil walang ingay.

Habang kumakain ako ay may umupo sa harap ko kaya tiningnan ko kung sino iyon. Tss, ano na namang ginagawa niya dito? Bakit kapag kumakain ako sumusulpot siya?

"What do you want?" tanong ko kay Dark. Tiningnan niya lang ako habang ang kanyang siko ay nasa lamesa. Hindi siya umimik pero nakatitig lang siya sa akin.

"What happened to your cheeks?" tanong nito sa akin. Tinanggal ko na kasi ang mask ko dahil kumakain ako.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Naiilang ako kasi nakatingin parin siya sa akin kaya't tiningnan ko siya.

"Umalis ka na nga!" sigaw ko sa kanya pero hindi siya umalis at patuloy paring tumitingin sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin at patuloy na kumakain. Nag ring ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.

Si Dale.

FROM : DALE

"Where are you?
Shawn told me na
hindi ka pumasok
ngayong first subject mo.
Are you ok?"

Napangiti nalang ako saka nagreply sa kanya. Palagi talaga siyang ganito.

"I'm here
at the cafeteria.
Nagugutom ako
kaya't dumeritso
agad ako dito."

SENT TO DALE

Hindi ko na siya hinintay saka kumain ulit. Nangunot ang noo ko ng tinitingnan ako ni Dark na mukhang may galit.

"Who's that?"

Tinaasan ko siya ng kilay. Anong pake niya?

"Nothing, just a special friend." sabi ko at kumain ulit. Nakita kong napakuyom siya ng kamao. Tss, ano na naman to?

"Is it Dale?"

"Hmm."

Kakain na sana ako ng kinuha niya ang kutsara ko at tiningnan ako ng deritso. Come on, ano bang nangyayari sa kanya?

"Is it really a special friend or what?"

Inis kong kinuha ang kutsara ko saka tiningnan siya ng masama.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon