"Kian? Hawakan mo nga ang kamay ko, sabihin mo sa akin kong magaspang o hindi."

Hinawakan naman ni Kian ang kamay ni Ivan kaya nandiri ako ng konti. Para kasing nagkaholding hands eh.

"Hindi naman." sabi ni Kian.

Nagpadyak naman ng paa si Ivan saka kinamot ang ulo niya, napahinto lang siya ng tumingin ito kay Gray na umiiyak habang nakaub-ob sa lamesa.

"Anong nangyari?" sabi sa amin ni Ivan. We just shrugged kaya napatingin siya kay Gray saka yinugyog ito.

Umangat naman ng tingin si Gray. Gross. May sipon siya.

"Yuck ka bro! Sipon mo kinain mo na, ano ba kasing nangyari sayo?" tanong sa kanya ni Ivan.

Kumuha muna siya ng panyo saka pinunasan ang sipon niya. Inayos niya muna ang sarili niya at tiningnan si Ivan.

"Anong umiiyak? Hindi ako umiiyak? Nakikita mo ba ang luha ko!? Wala diba! Kaya hindi ako umiiyak!"

Napatawa naman Si Ivan at kami ni Kian ay Napatingin sa isat-isa.

"Hahaha! May sipon ka nga, Tapos hindi ka umiyak? What happened to you bro?"

"Sabing 'di umiiyak eh! At ikaw, ikaw ang umiyak! Nakita kita umiiyak kanina sa hallway. Akala mo hindi ko nakita? Hahaha! Binusted ni Zhienna, buti pa sa akin kinain niya ang lollipop ko. Expired nga lang."

"H-ha? Sinong umiiyak? Ako umiyak? Ha! Hindi totoo yan, isa pa. Nagpaligoy-ligoy lang 'yun si Zhienna alam ko!"

"Tss, ano nga yung sabi niya? Magaspang daw ang kamay. Hahahah!"

"Ikaw! Bakit ka nakikinig ha?! Hindi pwedeng makinig ang mga bata sa mga matatanda!"

"Ha?! Sinong nagsabing bata ako? Pero totoo yung matanda ka haha! At alam mo ba, tinanong ko Si Zhienna. Tinanong ko siya kong sinong gusto sa ating apat. Alam mo kung ano ang sagot niya?"

Napaayos naman ako sa pagkakaupo at si Kian naman ay mukhang napaayos din. Nagkatinginan kami kaya't para na namang may kuryenteng dumaloy sa amin.

"Alam mo kung sino? Si.. " napatingin kami kay Gray.

"Ako! Haha! Sabi niya, kahit expired ang lollipop na binigay ko. Masarap daw, oo! Hindi nga niya tinapon eh, tapos sinabihan pa nga kayong baliw, ewan ko nga kung bakit. Basta sabi niya, ako ang pinakagwapo at ako ang gusto niya."

Napanganga naman kami sa sinabi ni Gray. Totoo? May gusto si Zhienna kay Gray?! I can't believe this! Bakit siya magkakagusto sa isang isip-bata.

Tumayo ako at sabay pa talaga kami ni Ivan at Kian. Tiningnan namin ang isat-isa ng masama.

"Oh? Bakit kayo nakatayo, tapos sabay pa."

Tiningnan naman namin si Gray saka sinamaan ng tingin. I can't believe this! Zhienna like Gray?! You're gonna ba kidding me.

"Pupuntahan ko si Zhienna! Papatunayan ko na hindi totoo ang sinasabi mo!" sabi ni Ivan saka lumabas ng room.

"I wanna see Zhienna." sabi naman ni Kian saka lumabas. Tiningnan ko naman Si Gray.

"Oh? Ikaw bakit ka nakatayo?"

"Susunod ako sa kanila!" sigaw ko sa kanya saka ako lumabas ng room.

Naramdaman ko nalang na sumunod din Si Gray pero hindi ko siya pinansin kahit na todo salita siya. Dahil sa boses niya ay nilagyan ko nalang ang tenga ko ng headphone.

Nakita komg naunang naglakad si Ivan kaya't mabilis akong lumakad. Hinihila pa ako ni Gray pero winawaksi ko ang kamay niya.

I wanna know if Zhienna really likes Gray.

Sumabay ako sa paglalakad ni Kian at muling nagkatagpo ang mata namin at sabay naming sinamaan ag tingin ang ist-isa.

Bumilis ang paglakalad niya kaya't binilisan ko rin hanggang sa nakarating kami ni Ivan, nakataas pa ang kilay niya kaya't sinamaan din namin siya ng tingin.

Tinanggal ko nalang ang headphone ko, dahil mukha namang hindi sumusunod si Gray.

"Hoy bro's! Bumalik na kayo. Bakit niyo ba kasi siya pupuntahan? Hindi niyo ba matanggap?"

Nandito pa pala siya kaya't sabay kaming lumingon sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin bago ulit kami lumakad.

"Saan ba siya?" rinig kong bulong ni Ivan.

"Hala bros! Wohooo!!"

Hindi namin pinansin si Gray sa likod, bahala siya dyan magsisigaw. Wala palang tao sa hallway. Nasa cafeteria for sure.

Naunang lumakad si Kian pero hindi ko sumunod sa kanya, kailangan ako ang unang makakita sa kanya.

At bakit ko nga ba ito ginagawa? Tss bahala na nga.

KIAN'S POV

Sigurado akong nasa likod ng building siya nagstay. Sana wala doon si Kyron. Hindi din sumunod sa akin sila Ivan. I don't know kung nasaan na sila ngayon.

Pagkapunta ko doon ay huminto ako ng makita ko ulit silang dalawa, ang ulo ni Zhienna ay nasa balikat ni Kyron habang ang ulo ni Kyron ay nasa ulo ni Zhienna.

Shit! They are so sweet. At nasasaktan ulit ako sa pangawalang pagkakataong nakita ko sila.

IVAN'S POV

Nasaan na ba kasi si Zhienna?! Tanginang Gray yun eh! Sigurado ba si Zhienna kay Gray??

Nakita ko si Kian na nakatalikod kaya't pumunta ako doon, nasa likod narin pala ako ng building.

"Kian--" napahinto ako ng nakita ko kung sino ang tinitingnan niya.

Zhienna and Kyron?

DARK'S POV

Sinusundan ko ngayon si Ivan kasi magkatabi sila ni Kian na nakatingin sa hindi ko makita kong ano iyon.

Tumakbo ako patungo doon but I stopped sa kung anong nakita ko, hindi ko alam kung nararamdam ba ako nila Ivan.

I saw in Zhienna and Kyron. Are they couples? Shit!

GRAY'S POV

Bakit ko ba kasi naisip na Sabihin iyon sa kanila? Baka mapatay ako neto kay Zhienna. Nakakainis kasi si Ivan eh! Sinasabi pang umiyak ako! Hindi naman ha! Ang saya nga ng araw ko kasi expired ang lollipop ko!

Napakamot nalang ako ng batok ko, Nawala kasi sa paningin ko si Dark. Nasaan na ba kasi yung tatlo? Sinusundan ko kasi si dark pero nawala siya sa tingin ko.

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si Dark na nakakunot ang noo habang deritsong  nakatingin sa daan, sa likod siya ng building nanggaling ha?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nawala na siya. Pinuntahan ko naman ang pinuntahan niya kanina at nakita ko doon si Kian at Ivan.

Nge? Anong ginagawa nila dito?

Pumunta ko doon, hindi ko nakikita kung ano ang tinitingnan nila dahil masyado silang matangkad.

Sabay silang napatingin sa akin pero kita ko ang sakit sa mga mata nila. Bumuntong-hininga sila at nilagpasan ako.

Magsasalita sana ako eh! Bakit sila umalis?! Nakanguso naman akong tiningnan sila ng tingin papalayo.

Tiningnan ko naman ang tinitingnan nila kanina at nanlaki ang mata kong nakita si Kyron at Zhienna.

Why are they together?

Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko and doon ko narealized na isa pala itong patak ng luha.

Tinalikuran ko nalang sila dahil hindi ko kayang makita silang magkasama.

___

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon