"Farrel, may bisita ka."
Napaangat ako ng tingin nang pumasok si Caspian sa opisina ko nang walang paalam at sinabing may bisita ako. Itong lalaking ito, haragan talaga! Hindi man lang marunong kumatok. Akala mo siya ang boss sa aming dalawa.
"Sino raw?" tanong ko, habang nakaangat ang tingin sa kanya at nilalaro ang ballpen sa kamay ko. May mga paperworks kasi akong inaasikaso at kailangang matapos ngayong araw na ito.
Tumawa siya.
"Para kang madam, ah?" pang-aasar ni Caspian, pero hindi ko siya pinansin. Mahilig talaga siyang manggago. Buti na lang mahaba ang pasensya ko. Kung hindi, baka lumabas ang pagkalalaki ko at nabira ko siya.
Muli kong ibinaling ang tingin ko sa floor plan na nire-review ko para sa isang mall project. Mukhang playtime lang sa kanya at pinagtitripan ako. Pero bigla na naman siyang nagsalita.
"Ayin daw ang pangalan," dagdag pa niya."Pamilyar sa akin ang pangalang Ayin, pero hindi pamilyar ang mukha niya," ani pa niya.
"Si Ayin?" gulat kong tanong. Bakit siya narito? It's been a long time! College pa ang huling kita ko sa kanya.
Binitawan ko ang ballpen ko, saka tumayo mula sa swivel chair. Hinarap ko si Caspian, na ngayon ay pinaglalaruan ang Newton’s cradle na nasa table ko. Naglakad ako papalapit sa kanya, saka mahinang pinitik ang tainga niya.
"Aray!" daing niya sabay daplis ng kamay sa tainga niya.
"Back to work. Masyado ka namang nalilibang dito sa opisina ko," inis kong sabi.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at naglakad na ako palabas ng opisina. Paglabas ko, nakita ko ang magandang si Ayin na nakasuot ng green silky dress na hapit na hapit sa katawan niya. She’s still so pretty! Walang pinagbago—sobrang diyosa!
"Ayin!" naka-ngiting bati ko sa kanya nang matanaw ko siya. Agad niya naman akong nilingon. Paglingon niya, gumuhit agad ang perpekto niyang ngiti sa mga labi niya.
Nang magkalapit kami, bumeso siya sa akin."Bakit ka nandito? Do you need anything?" panimulang tanong ko. Inayos ko pa ang manggas ng damit ko, hahang nag aantay ng sagot nya.
Tumawa siya nang malakas kaya natawa na rin ako. Hindi pa rin pala niya naaalis ang signature niyang halakhak.
"May client kasi ako na nagpapahanap ng architect at engineer. Tinanong ko mga classmates ko dati kung saan may magaling, at sabi nila dito raw sa company mo—magagaling daw mga architect at engineer," pagkukuwento niya.
"Wews, pero true sila diyan," naka-ngiting sagot ko. Kung sino man ang classmate niyang nag-recommend sa company ko, nawa’y pagpalain.
May iniabot siya sa akin na asul na portfolio. Pagbukas ko nito, mga dokumento pala iyon ng client niya.
"Idris Giddeon Velasquez. Raiz Gwyneth Beltran."
Lumalim ang paghinga ko, kasabay ng panginginig ng kamay ko. Halos maibagsak ko ang portfolio na hawak ko nang mabasa ko ang mga pangalang iyon. Pamilyar ang pangalan ng babae—parang narinig ko na ito o nakita kung saan. Pero 'yung pangalan ng lalaki… alam na alam ko kung sino siya, at kilalang-kilala ko ang may-ari niyon.
"Close pa rin ba kayo ni Ion?" tanong ni Ayin, curious ang tono.
"Diba friendship na kayo noon, nung siya pa ang boyfriend ko?" dagdag pa niya.
Oo nga pala. Ex-boyfriend niya si Ion.
Hindi ako agad nakasagot. Anong sasabihin ko? Ex-lovers kami? Shemey.
Akala ko titigil na si Ayin, pero nagsalita ulit siya.
YOU ARE READING
What's Our Secret Beneath The Island?
RomanceIdris Giddeon 'Ion' Velasquez, He's one of Boys at the back. Everyone loves him, because he's handsome and kind. Mabait siya sa lahat pwera lang sa bakla, he's a big HOMOPH*BIC short to say. No na no sakanya ang mga bading. Like me. Farrel Davis Fer...
