He pursed his lips and nodded. He flashed a smile before saying, "Nakita rin kita... Pero hindi mo ako pinansin," aniya. My lips parted. I was about to apologise, but he apologised as well.

    I shook my head before saying, "Hindi naman 'yun. Okay na 'yun. Nandoon kasi si Kuya kaya hindi kita pinansin. Sorry talaga..."

    Natigilan siya at ngumiti. "Akala ko galit ka."

    Umiling ako habang nakangiti. Nagsimula kaming maglakad. Pero tahimik lang kami. I pursed my lips before holding both of my hands. Siya 'yung nagdala lahat nung bitbit ko. May mga nakakakita sa amin.

    Nakaramdam ako ng hiya kasi baka isipin na kami na...

    "Ah, akin na," sabi ko ng matanaw ang mga kaklase kong lalaki. Nakita ko kaagad si Jaeden at Andrew na nag haharutan sa harap ng classroom.

    Humarap ako kay Gael habang nakalahad ang mga kamay, hinihingi ang libro ko. "Akin na..."

    Kumunot ang noo niya at tinignan ang room na nasa tapat namin. "Hindi pa naman 'to ang room mo."

    Nginitian ko lang siya bago ko kinuha ang mga gamit ko, mukhang nagulat siya sa nigawa ko kaya nakuha ko kaagad 'yun sakanya. "Thank you..."

    'Yun lang at dali dali ko siyang tinalikuran. Nakakakuha talaga ng atensyon ang itsura ni Gael kaya madami ang nakatingin sa amin. Ayoko pa naman ng atensyon.

    Binilisan ko pa ang lakad ko, kasi nararamdaman ko na nasa likod ko pa rin siya dahil may mga babaeng nakatingin sa likod ko. Napaka gwapo naman kasi talaga. Pero sa 'di inaasahan ay nabitawan ko ang mga gamit ko nang biglang sumulupot sa harap ko si Andrew.

    "Nakakagulat ka," seryoso kong sabi, walang ka emo-emosyon at tumawa ng sarkastiko bago siya irapan.

    "Nag mamadali ka?" Natatawang tanong niya habang tinutulungan akong pulutin ang mga gamit. Hindi ko siya sinagot. Nang muli ko siyang harapin ay nakatingin na siya sa likod ko, habang nakangisi. Tinignan niya ako, nangangasar. "Ah... Harmless naman si Gael—"

    Umirap ako. "Kayo ang iniiwasan ko, hindi siya."

    Tinawanan niya ako. "Harmless rin kami—"

    "Hindi halata," sarkastiko kong sabi bago siya tinignan mulo ulo hanggang paa. Bago pa man niya ako awayin ay pumasok na ako sa classroom.

    I was just kidding... Jaeden and Andrew are both good looking. Sa pagkakaalam ko ay may halong koreano si Jaeden dahil Jeon ang surname niya. Halata naman. Sa balat at mata pa lang. Isa rin 'yun sa dahilan kung bakit naging crush ko siya.  Payat si Andrew, moreno, magulo ang may pag ka kulot na buhok, maliit ngunit matangos ang ilong... at malaki ang mata. Pero hindi siya pangit, sakatunayan, bumagay sakanya.

    Nilapag ko ang mga gamit ko sa seat ko. Kinuha ko ang salamin ko sa bag bago inayos ang sarili, kumunot ang noo ko ng maramdaman na may nakatingin saakin. Nang tignan ko ang mga kaklase kong babae ay nag iwas kaagad sila ng tingin.

    I laughed sarcastically.

    "Uhm, Abreu?"

    Nag tingala ako at ngumiti ng tawagin ako ni Zoe. Kakaiba din ang ganda ni Zoe. Morena, kulot ang mahabang buhok, matangos ang ilong, may kakapalan ang labi, at brown ang mga mata.

    "May group ka na ba sa Math? Kulang pa kasi kami ng isa ni Denise," nakangiti niyang sabi.

    Ngumiti ako. "Ah, sige..."

    Wala akong ka grupo sa Math kasi ayaw ng mga babae saakin. At 'yung mga lalaki naman ay ayaw nilang may babae sa grupo nila.

    "Hala, ang duga naman nun," biglang sabat ni Andrew. Nandito na pala siya. "Alam niyo naman siguro na kayo ang top three, 'no? Tapos mag sasama kayo? Paano naman kami?"

    Kinunutan siya ng noo ni Zoe. "Kasama niyo si Jaeden."

    "Bobo din 'yun, kagaya ko," nakangusong sabi ni Andrew.

    Ngumiwi ako.

    Kung alam niyo lang... siya ang pinaka mataas sa math nung grade seven kami. Hindi ko lang alam kung bakit nag papanggap siyang average student, minsan ay nag papaka stupid talaga siya. One time, naka five siya sa quiz namin. Five out of twenty. Pero nakita ko 'yung tinapon niyang papel... tama lahat ng solutions niya.

    "Bakit hindi niyo kinuha si Abreu?" Bulong ni Zoe, pero narinig ko parin. Umupo ako sa upuan ko at kinuha ang salamin habang inaayos ang maayos naman na buhok. "Sama niyo talaga..."

    "Mabait naman ako kay Abreu..." bulong ni Andrew at bahagyang lumayo saakin. "Gusto ko din siyang kaibigan dahil naawa din ako sakanya," aniya dahilan para makaramdam ako ng kirot sa puso ko. "Kaso... alam mo ba na... na... takot ako sa Kuya niya," aniya at nag sign of the cross, pinigilan ko ang matawa. "Lalapitan ko pa lang si Abreu, nakatingin na saakin si Aldrin, akala niya siguro may gusto ako sakanya."

    Tumawa si Zoe.

    Tinago ko 'yung salamin. I pursed my lips before I looked down.

    Kaya mas gusto ko sa pilot... kasi kahit matalino ka, mabait sila kahit 'di mo kaibigan. Dito kasi kapag matalino ka, feeling nila sipsip at teacher's pet ka. Hinihate ka.

    I don't know... May kaibigan naman ako. Andiyan naman sila Louise at Belle. Pero hindi ko maramdaman. Para lang akong nakikibelong.


---

What Makes Life Divine│Valiente #1Where stories live. Discover now