I: The Fated One

Começar do início
                                    


The 'Fated one' grinned as she looked down at the guy who seems to be someone insignificant compared to her.


"Sa 'kin ka na lang," biglang alok ng isa sa mga babaeng kanina lang ay nasa likuran. Kasalukuyan na 'tong lumalapit sa nakaluhod na tinutukoy. "You're not that bad."


"Sure Vanessa, take him." The Fated Girl smiled menacingly. "Matagal mo na pala siyang kursonada, bakit 'di mo sinabi agad?" Mas lumapad ang ngiti nito. "Bagay kayo. A nobody, and a soon to be nobody."


"W-what do you mean?"


"You're evicted from the campus royalties. So, get going with your boyfriend."


Saglit na nakitaan ng pagkalito ang mukha ng babaeng nagngangalang Vanessa na agad ding napalitan ng galit. "You can't do that to me!" Akmang hahablutin na nito ang buhok ng kinaiinisan ngunit naagapan nang isa pang utusan ang kamay niya at naitulak siya sa lupa.


The 'Fated one' as if sitting on her throne smiled once more, clearly to mock the girl shoved before her.


"Who do you think you are?!" Vanessa shouted in rage.


Dahan-dahan siyang bumaba sa kinauupuan at lumapit dito. "What a very stupid question." Mahinahaon pero mahigpit niyang hinablot ang buhok ng kumuwestiyon sa kanya at halos isubsob na 'to sa lupa. "Alam mo naman kung sino ako, 'di ba?" Napahiyaw ang babaeng kapit niya pa rin sa buhok nang hilahin niya 'to patayo. "But in case you forgot who I am, ask around. Siguradong isa lang ang isasagot nila." Iyon lang at itinulak niya na naman 'to pabalik sa lupa. "See you, when I see you." Nakangiti niya nang paalam dito bago nagsimulang maglakad palayo.


The girl named Vanessa was left weeping, while the guy, who didn't seem affected by the display of savagery still followed, true to the word stupid.


Sinundan ko ng tingin ang itinakda. Habang pinagmamasdan siya lalong dumarami ang tanong sa isipan ko. She's without a doubt normal and ordinary. I can't sense any sort of power nor magic from her. With a glance any magical being can say that she isn't anything special. Aalis na sana ako kundi ko lang napansin ang biglaan nilang paghinto sa paglalakad.


"Adria, something wrong?"


"I've been having this weird feeling for a while now, like someone is gazing at me." Nilingon niya ang paligid. Eksaktong nagawi ang atensyon niya sa direksyon ko ay nagawa kong makapagtago.


"Pero wala namang ibang tao?" Napapantastikuhang komento ng isa habang pagala-gala rin ang mga mata.


Masamang tingin ang ibinigay niya rito. "Nevermind!"


Sa maliit na siwang ng halamang pinagkukublian ko na lang sila nasilip. Sigurado akong nagkataon lang ang ginawa niyang paglingon sa 'kin kanina.


I picked myself up and went on to my next destination. Pagkatapos nang ilang saglit, narating ko ang malaking bahay na aking sadya. Dahil abalang-abala ang lahat ng Vassal na namataan ko sa loob ng bakuran para sa isang pagdiriwang, walang kahit sino ang nakapansin sa 'kin. Malaya akong nakadaansa hardin patungo sa pinto. Isang matabang babaeng Vassal ang nagbukas nang kumatok ako, na marahil ay tagapaglingkod ng bahay.

Power Within I: Fated to Meet (Revamped)Onde histórias criam vida. Descubra agora