Kapitel 2

4 0 0
                                    

Kapitel 2

Nagpakawala ng buntong-hininga si Jennica na nakaupo paharap sa pasyenteng nakahiga na ngayon sa hospital bed, naka-oxygen tube at may nakaturok na IV fluid injection sa kanang braso.

She fired two shots earlier, rendering the two hostage takers unable to draw their gun. Dead on arrival ang isa sa ospital dahil fatal ang tama rito at ang isa naman ay nasa ospital pa, nagpapagaling. She shot one of them near the heart at maraming dugo ang nawala rito, habang ang isa ay sa puso tumama ang bala. Natagalan lang ang recovery nito dahil sa kalasingan.

Nang madala rin nila ang nahostage na lalaki sa hospital for a check-up ay nalaman niya ang kondisyon nito. He was so heavy because the hostage takers made him inhale chloroform. Nasobrahan ang exposure nito sa chloroform kaya kinailangang ifast drip ang IV infusion at may oxygen tube pa. Sabi naman ng doctor ay baka mas malala pa ang natamong pinsala kung nasobrahan ang exposure nito. They had run tests at hinihintay na lang ang resulta. Ang central nervous system pa naman ang tinatarget ng chloroform.

Mabuti na lang rin at narecover nila ang wallet ng lalaki at nacontact nila ang nasa 'in case of emergency' nito. He is Brandon Muller at ayon sa identification nito, he's 32 years old. 4 years older than me. And single. Like me.

Napatayo siya sa kinauupuan nang bumukas ang pintuan ng private room ng hospital at pumasok ang kanilang captain kasama ang dalawang lalaki. Ang isa ay nagpakilalang pinsan at ang isa ay butler diumano.

May butler pa pala ngayon? Just who is Brandon at bakit may butler pa ito?

"Thank you for saving my cousin, Miss Andrews. We owe you one."

Gwapo rin ang pinsan ni Brandon, who introduced himself as Sebastian. He has an intimidating prescence at nahahanginan siya sa dating nito. Dominante. Basta, hindi niya type ang mga katulad nito. Sino ba yung type mo? Si Brandon?

"The House of Muller is indebted to you, Miss Andrews." Ani naman ng nakatailcoat na butler at nagdeep bow pa sa kanya.

"I'm just doing my job, Sir. You don't owe me anything."

Sukat sa sinabi niya ay ngumisi ang pinsang si Sebastian. His gray eyes sparked.

"You should tell that to my cousin when he wakes up." Anito sa kanya. Pagkuwa'y humarap ito sa kanilang captain.

"We thank you for making this case a priority, cap." He and the captain shook hands. She and the captain then excused themselves.

Nang makalabas ng hospital ay agad niyang ini open ang topic tungkol sa insidente.

"How was he kidnapped, Cap? Hindi naman siguro madaling makahostage sa isang restaurant, diba?"

"He didn't eat at a restaurant, Andrews. Sa turo-turo siya kumain, and he was wearing a suit kaya siguro napagdiskitahan ng mga grupo sa Tondo."

Napaisip siya sa sinabi ng captain. That explains why madaling nadakip ang lalaki.

Isang bilyonaryong kumakain sa turo-turo. She smiled at that thought.

KASALUKUYANG gumagawa ng report si Jennica sa nangyaring hostage taking incident nang tinawag siya ng captain.

"Someone's here for you, Andrews."

She lazily got up from her seat. "That's a first. Sana naman hindi yung inuutangan ko."

Napatawa naman ang ibang katrabaho niyang nakarinig, umiling na lang ang captain nila.

"Maniningil yan ng 5'6, Jen!" Kantyaw naman ng isang katrabaho niya.

"Che! Hindi ako mahuhulog dyan, gago!" Balik-sigaw niya rito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Arms of a BillionaireWhere stories live. Discover now