Kapitel 1

4 0 0
                                    

Kapitel 1

"Andrews, we got a location on the hostage taking reported yesterday. Ikaw ang pinakamalapit na police sa area. I already alerted the police in the area, back up mo sila. Pero hindi pwedeng hintayin mo pa sila. You need to go to the location, ASAP. I'm sending you the location."

"Copy that, Chief." Pagkatanggap ng lokasyon ng pinagtataguan ng mga kidnappers ay agad niyang pinaharurot ang police car at pinatunog ang sirena niyon.

Si SPO2 Jennica Andrews ang nag-iisang banyaga sa Manila Police Department sa kasalukuyan. Sa ipinagtaka ng kanyang nga magulang, pinili niyang rito sa Pilipinas mag-aral at magtrabaho. Ang ina niya ay isang pinay na nakaasawa ng isang Amerikano at ngayo'y naninirahan sa Amerika. Pero pagtuntong ng college ay nagdesisyon si Jennica na sa PNPA mag-aral ng criminology at doon na magsimulang magkalamat ang relasyon nila ng kanyang ama. Daddy's girl kasi siya at siguro ay nagtatampo ang kanyang ama na hindi niya ginustong manatili roon kasama ang mga ito. Lalo lamang lumaki ang agwat nilang mag-ama nang ilang taon siyang hindi nakadalaw sa mga ito dahil sa trabaho. Okay naman sila ng ina niya at regular naman siyang tumatawag rito, pero hindi pa rin siya iniimikan ng daddy niya.

Pinatay niya ang sirena ng police car nang malapit-lapit na sa lokasyon ng mga kidnappers at baka matunugan pa siya. Pinausad niya ang kotse at tinago nang makita na niya ang gusali na tinatambayan ng mga kidnappers. Nang makakita nang matataguan ng sasakyan ay dinampot niya ang baril na nasa compartment at ikinasa iyon.

Hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin ang detalye ng hostage taking. Hindi maaaring basta na lang siya pumasok at ideklara ang authority niya. Hindi niya alam kung ilan ang sangkot at nag-iisa lang siya kaya masyadong risky. A covert approach may be the best option as of the moment.

Ang natatanging alam niya ay dinukot ang isang mayamang banyagang bumisita sa Maynila mula sa kinakainan nito. Ang weird nga lang, saan kaya kumain ang taong ito at kay daling nadukot?

Nang makalapit sa gusali ay nakiramdam siya sa paligid. Nasa kanyang kamay ang ikinasang baril at naghahanda ng plano sa isip kung paano masasalba ang hostage. Mabuti na lang at isang palapag lang ang gusaling ito. Hindi pa nauso ang maraming palapag dito sa parteng ito ng Maynila.

Maingat siyang naglalakad papasok at sinusuri ang paligid. Purong semento ang gusali na ipinagtaka niya. Mukhang naudlot ang construction ng gusali, wala kasing mga pinto. Sementadong pundasyon, pader at maraming haligi lamang ang makikita, maluwang ito at puro haligi lamang ang makikita. Maraming pasquare na pillars sa paligid.

I could use that to my advantage.

Napahinto siya sa paglalakad nang may maulinigan siyang mga boses na nag-uusap. Agad siyang kumubli sa isang haligi.

"Sinong nakakaalam na pahirap pala iyong mayamang iyon? Akala ko pa naman ay madali lang asikasuhin ang mayayaman, aba't di nasabi ni boss na palaban iyon, ah." Rinig niyang sabi ng magaspang at mayabang na boses ng isang lalaki.

"Sinabi mo pa! Tsk! Nagamit ko pa tuloy yung medisina na dapat ay gagamitin natin sa anak ni Mayor. Akala ko pa ay hindi tumatalab, iyon pala ay iilang minuto pa bago umepekto. Pakiramdam ko tuloy ay para akong binugbog ng sampung kalalakihan. Malakas iyong isang iyon, eh."

Sumilip siya at madali ring bumalik sa pinagtataguan nang makitang nasa line of sight siya nang dalawang lalaking nag-iinuman.

"Pero kahit anong lakas nun, tumba pa rin naman. Malaki-laki ang mahihita natin doon pre, bilyonaryo daw yun sabi ni bossing." Natatawang sabi ng isa. Tumawa rin ang kausap nito.

Hindi na niya pinagtuunan pa ng pansin ang mga sinasabi ng dalawa. Mabilis at walang ingay siyang tumakbo sa kabilang haligi.

"Nakita mo ba yun?" Anang isang lalaki.

In The Arms of a BillionaireWhere stories live. Discover now