One

1.5K 36 0
                                    

Nandito ako ngayon sa bahay ng kaibigan kong si Kuya Ben,naglalaro kame ng video games.

"Amesyl!Benedict!kumain na muna kayo wag puro laro"narinig kong sigaw ni yaya lyn mula sa kusina.

"Tara kain muna tayo amesyl"pag aaya saken ni kuya ben kaya tumango naman ako at sumama sa kusina nila.

15 yrs old ako at si kuya ben naman ay 17 yrs old.Bata palang ako mag kaibigan na kami dahil lagi siyang asa bahay namin kasing edad niya kasi yung kambal kong kapatid kaya lagi silang naglalaro ng video games.Pero wala na dito ang kambal dinala sila ni mommy at daddy sa US upang doon mag aral.Bunso ako sa magkakapatid ang panganay na si ate diane ay nasa france naman at doon tatapusin ang course niya.

Alam ko si kuya ben may ate din at bunsong kapatid hindi ko lang alam kung nasaan sila...

"Oh andyan na pala kayo kumain na kayo netong ginawa kong egg sandwich at orange juice"nakangiting sabi samen ni yaya lyn

"Thank u po yaya"pasasalamat ko naman sa kanya at binigyan ng malaking ngiti

"Thank you den po"sabi naman ni kuya ben

"Nako walang anuman oh siya may gagawin pa ko at maiwan ko na kayo"
Paalam sa amin ni yaya kaya tumango kameng dalawa ni kuya ben

Tahimik lang kaming kumakain at ini enjoy ang pagkain naming dalawa,ganto kame lagi walang pakialam sa isa't isa.Tuwing sabado at linggo andito ako sa kanila dahil eto daw ang free time niya dahil may school siya ganon den naman ako...

Natapos na kaming kumain at niligpit ang aming pinagkainan.

"Kuya ben mag bike naman tayo"sabi ko sa kanya dahil nakaka umay ng mag laro ng video games

"Sige kukunin ko lang yung akin at kunin mo na den sayo"pag kasabi niya noon ay tumakbo na agad ako narinig ko pa siyang tumawa pero wala kong pake.

Kinuha ko ang kulay asul kong bike at may pangalan ko pang amesyl...

"Kuyaaa ben!"sigaw ko sa tapat ng bahay nila dahil kanina pako nag aantay.Bumukas naman ang pinto pero si yaya lyn ang bumungad saken.

"Yaya asan po si kuya ben?kanina pa kasi ako nag aantay eh"sabi ko kay yaya at kumamot pa sa ulo ko.

"May dumating kasi amesyl na mga kaklase niya ata mabuti pat puntahan mo na lang siya sa loob"tumangk naman ako kay yaya at pinagbilin na ipasok na lang ang bike ko.

"Kuya ben!"tawag ko sa kanya nung nakita kong naka upo siya sa sofa kasama ang 3 babae at 5 lalaki.

"Oh amy andyan ka pala sorry ah kasi dumating ung mga kaklase ko eh"sabi niya saken at nagkamot ng batok.

"Ok lang kuya ben ano ka ba"saad ko naman sa kanya at ngumiti para maramdaman niyang ok lang saken.

"Ewww who is she Benedict?"maarteng sabi nung babaeng nakayapos kay kuya ben.Kaya agad ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa.Panget naman niya mas maganda pa ko sa kaniya pag nag ayos eh tsk.

"Ako lang naman yung kababata at kaibigan ni kuya ben bakit ikaw sino ka?"mataray ko deng sabi sa kanya...

"Well i'm his girlfriend"nakataas kilay niyang sabi saken.Pero bat parang may tumusok sa puso ko ng sinabi niyang girlfriend siya ni kuya ben ay ewan ko.

"Pake ko"sabi ko na lang sa kanya."Kuya ben aalis na lang ako ah allergic kasi ako sa hipon"dagdag kong sabi sa kanya at sabay tingin dun sa babaeng naka yapos kay kuya ben.

"How dare you to call me shrimp little brat?"galit na tanong saken nung babaeng hipon.Agad naman siyang inawat ni kuya ben akmang lalapit so
Siya saken.

"Stop it lyka"pagpapatigil sa kanya ni kuya ben kaya agad namang huminahon siya pero masama paden ang titig niya saken.

"Go home amesyl bukas na lang"sabi saken ni kuya ben kaya agad akong lumabas ng bahay nila.Nag paalam naman ako kah yaya lyn at sinabing uuwi na ko...

Pag dating ko sa bahay ay nagulat ako dahil andito si ate at yung kambal kong kuya

"Ate!Kuya!"galak kong pag tawag sa kanila kaya agad akong tumakbo para yakapin sila,natawa naman sila sa inasta ko pero niyakap den nila ko pa balik.

Umupo kame sa sofa upang makapag usap kame

"Bakit pala kayo umuwi?"taka kong tanong sa kanila

"Ayaw mo ba?"pagtatanong saken ni kuya ryle

"Hindi nman kuya pero diba po may pasok kayo?"

"Nako ano bayan lil sis andito kame dahil aasikasuhin naten ang bday mo at wala pa kameng pasok next month pa"pagpapaliwanag naman saken ni kuya kyle at napatango tango ako kaya pala dahil sa birth---

"Birthday ko?"gulat kong sabi sa kanila

"Duh amesyl yeah mom and dad said to us go back here in the Philippines to asikaso your birthday"maarteng sabi saken ni ate at may pag irap pa

"Shocks!Oo nga noh diko naalala un ah"sabi ko pa sa kanya at napa omg pose pa.

"Kaya lil sis bukas ipapayos naten ang birthday mo sa dadating na sabado"
Pagsasabi saken ni kuya kyle kaya tumango naman ako.Nag aya si ate diane na kumain na kame dah gutom na daw siya at gusto na mag pahinga.Bakit kaya naging ate ko yun ang arte eh...

"Amesyl kamusta na pala si ben?"umangat ang tingin ko kay kuya ryle nung nagtanong siya about kay kuya ben

"Ok naman si kuya ben kakagaling ko lang sa kanila nag laro kame video games"sabi ko sa kanya at timuloy ang pagkain

"Hanggang ngayon paden pala naglalaro pa kayo"saad naman saken ni kuya kyle sabay subo ng adobo

"Oo naman"

"Amesyl you are a teenager na so act like a real teenager not a bata"eto na naman si ate sa pag sasalita ng maarte."And don't be gusgusin you came from wealthy family kaya duh"napa iling iling na lang ako sa pinag sasabi niya...

Umakyat na sila sa kanilang mga kwarto at ako den agad akong nag tungo sa cr para maglinis ng katawan.Habang naliligo ako naisip ko yung sinabi ni ate act like a teenager.Pag ba ginawa ko yun matatalbugan ko yung haliparot na hipon na yun...

____________________________________________

A/N

Enjoy reading!

I fell inlove with my best friendWhere stories live. Discover now