Chapter 1

1 0 0
                                    

Hinihingal na tumatakbo ang isang dalaga papuntang kusina na walang iba kundi si athy. Nagtago sya sa ilalim ng lamesa habang hawak hawak ang kanyang cellphone habang trinatry nya itong buksan.

"Please! please!" pabulong nyang sigaw sa ilalim ng lamesa habang tinutoktok ang screen ng kanyang cellphone at naghihintay na mag connect ito sa wifi ng kapitbahay. Pero bigla nalang syang nanigas ng marinig nya na may tumama sa pader at nahulog ito.

dahandahan nyang inilapag ang ang kanyang cellphone sa lapag at tumingintingin sa kanyang paligid. 'please mag connect ka na!!!'

Kinuha nya ulit ang kanyang cellphone ng wala naman syang nakita nakahinga sya ng malalim habang trinatry hulaan ang password ng wifi.

pero yun ang akala nya.

habang hinuhulaan nya ang password ng kapitbahay naramdaman nyang may dumapo sa kanya. Napatigil sya sa pagtatype at napatingin sa braso nya.

"ARGHHHHHHHHH!!!!! IPIS!!!!" sigaw ni athy habang gumagapang palabas ng lamesa na daig pa si the flash sa bilis.

"AHHHH!!! LUMAYO KA SAKING DEM-- " at dahil sa sobrang pagmamadali nya sya ay natapilok sa sarili nyang mga paa at nadapa sa lapag na gumawa ng malakas na ingay. Dinaig pa ang 8.1 na lindol dahil sa lakas.

Bumangon naman agad sya habang hawak hawak ang noo nya 'Shet ang saket...' sigaw nya sa isip nya habang tumatakbo papuntang sala at kinuha ang kanyang mahiwagang walis.

"LUMAYO KA S--" ihahampas nya na sana ang walis sa lapag para mapatay yung ipis ng biglang may kumatok ng malakas sa pintuan.

At dahil don napatigil sya at napatingin sa pinto. 'Sino kaya yun? Hapet na hapet?'

Nag jogging sya papunta sa pintuan habang hawak hawak ang kanyang mahiwagang walis.  Binuksan nya ito at tumambad sa kanyang kapitbahay na kalbo a.k.a Mr. Sinag na nakatira  sa kabilang room ng apartment na tinutuluyan nya.

Pinagpawisan sya at kinabahan habang nginingitian nya ito at tinanong.

"U-Uy Kalb-- Mr. Sinag! Napadalaw p-po kayo? Ano maitutulong k-ko sa inyo?" tanong nya sa kalbong kaharap nya habang pilit na nginingitian ito.

'LUPA LAMUNIN MO NA AKO!!!'

Sigaw nya sa isip nya habang pinagpapawisan ng sobra.

"Siguro naman alam mo kung bakit ako nandito diba?" mataray panimulang tanong sakanya ni Mr. Sinag habang nakatitig sa kanya ng masama.

'well malalamang hindi sya pumunta dito parang mangcongratulate!'

sigaw nya sa sarili habang nginingitian nya ito at at sinagot sa pinaka maayos na paraan.

"Well sa tingin ko ho n-nandito kayo para mag h-hi?" Tanong ni athy habang nakangiti.

'GAGA!!! Anong klaseng tanong yun?!?!'

"Well para sabihin ko sayo mali ka iha." panimula sa kanya ni Mr. Sinag.

"Oh..." ang tanging salitang nasabi nya.

"WELL I'M HERE TO TELL YOU THAT CAN YOU PLEASE SHUT UP?!!!" sigaw sakanya ng kanyang kapitbahay.

Napalunok nalang sya at napadasal sa diyos sa taas. 'Oh diyos ko kayo no po bahala saakin..'

"KADA UMAGA,TANGHALI, AT GABI NARIRINIG KA NAMIN! ANG INGAY INGAY MO! SIGAW NG SIGAW, PADYAK NG PADYAK ANO KA KABAYO?!?!" Napangiti nalang sya pero hindi nagtanggal ang ngiti na iyon ng makita nya na dumapo ang ipis sa balikat ni Mr. Sinag.

"MANHID KA BA O ANO?!??! HINDI MO BA NARARAMDAMAN NA NAKAKAIRITA YUNG MGA INGAY MO SA SA MGA KAPITBAHAY MO HINDI KA BA MAKARAMDAM?!?!!"

"Mr. Sinag..."

"WELL PARA SABIHIN KO SAYONG BABAITA KA HINDI AKO NATUTUWA SA MGA KAINGAYAN MO!!!!"

"M-Mr.Sinag!" sabi nya na medyo malakas habang nakatitig sa ipis na nagtatangkang lumipad kahit anong oras.

"ANO?! ANO?! ANO?! PINAPANGARALAN KITA DITO TAPOS PANGALAN KO LANG ISASAGOT MO?!? WALA KA NA BANG GALANG AT KAHIHIYAN?!?!" Tanong sakanya ng kapit bahay nya habang namumula sa galit.

"Yung ipis nasa-- AH!!!" Napasigaw sya ng bigla ito lumipad kaya agad agad nya hinampas ito ng walis pero sa kasamaang palad nakailag ito kaya imbis sa ipis tumama ang walis sa ulo ni Mr. Sinag ito tumama.

'WHY!' sigaw nya sa sarili nya habang dahan dahan nyang ibinaba ang walis at tumingin sa kapitbahay nya habang nakangiti.

"Uh Mr. Sinag ok lang ho kayo--"

"IKAW NA BRUHA KA!!! PAGKATAPOS NG MGA INGAY NA PINAGAGAGAWA MO HAHAMPASIN MO LANG AKO NG WALIS?!?!!" Sigaw sakanya ng kapit bahay nya na daig pa ang lakas ng isang malaking speaker na nakafull volume.

"May ipis kase sa balikat mo kaya--"

"NO! I DON'T WANT TO HEAR YOUR EXPLANATIONS!!! I WILL REPORT YOU DOWNSTAIRS NOW!!!" Sigaw sakanya ng kalbo nyang kapit bahay in english. Nag marcha ito pababa ng hagdan para magsumbong sa maldita nilang landlady.

"Mr. Sinag!!!" Sigaw ni athy pero hindi sya nito nilingon.

'Tong baklang toh...tsk'

npahinga nalang sya ng malalim at pumasok na ulit sa room nya at isinara ang pinto.

Humiga nalang sya sa kanyang higaan at nagpagulong gulong.

'What a lovely day nga hayst'
sabi nya sarili nya.
___________________________________

Charrrr

-Porg_san

Athy And The Book Of MagicМесто, где живут истории. Откройте их для себя