Learn to let go

36 0 0
                                        

It's time to move on, my dear.

Sometimes letting go helps. Let it go before you screw everything up. 

Letting go is hard, but sometimes holding on is harder.

No one tells you how hard letting go is, they just tell you to do it. 

Letting go doesn't mean I don't love you. It just means I love you so much that I want you to be happy.

At some point, you have to realize that some people can stay in your heart, but not in your life.

_______________________________________________________


Hi, I'm Nicole, 16 years old. High school student pa lang ako. Makulit, palatawa, magaling makisama, may toyo rin minsan. Pero, may mga times na wala ang mga yan. 

Dahil sa isang pagkakataon na hanggang ngayon ay pinagsisisihan kong pakawalan siya.

Dahil sa pagkakamaling yon, nawala ang taong minsan ay minahal ako ng totoo.

Nawala siya ng dahil sakin.

Ako ang dahilan kung bakit nawala siya.

Pinagsisisihan ko na ang pagkakamaling ginawa ko.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataang tulad ko ay hindi nag-iisip kung tama ba ang desisyong ginagawa ko.

Hindi ko alam kung tama ba o mali yung mga desisyon ko.

Pero sa nangyaring iyon, ngayon nalinawagan ako na dapat munang isipin kung mas ikakabuti ko ba ang gagawin ko o hindi.

Meet Daniel, he's my boyfriend. Matagal ng kami, 2 years na dapat kami noong December 21, 2014. Pero, hindi kami umabot ng 2 years.

Dahil sa desisyon kong ginawa.

Alam kong mahal na mahal ako ni Dani, kasi araw-araw niyang pinararamdam sakin yun. Hindi lang sa salita pati na rin sa gawa.

Hindi siya nagpa-promise kasi ayaw niyang nasasaktan ako dahil sa pagpa-promise.

Ayaw niya rin akong nakikitang umiiyak.

Kahit na minsan nag kakatampuhan kami, hindi siya matutulog hangga't hindi pa kami nagkaka-ayos.

Yung mga dreams namin hindi na matutuloy. Tulad ng makapag tapos ng pag-aaral, makahanap ng magandang trabaho ng sabay, makapag ipon para sa future namin, magpakasal, magkaroon ng magandang bahay, at magkaroon ng masayang pamilya. 

Lahat ng iyon, naglaho dahil sa maling desisyon.

Ilang linggo kaming hindi nagkaka sunduan. 

Away bati kami noong oras na iyon.

Hindi ko alam kung anong na ang nangyayari sa aming dalawa.

Hindi ko kasi kaya ang mga ganitong bagay.

Minsan kasi siya yung may mali pero pinipilit niya na ako ang hindi nakakaintindi.

Minsan naman ako yung may mali.

Hindi na tulad noon na agad agad siyang magso-sorry sakin.

May nagbago sa kanya.

Pero, hindi ko alam kung ano iyon.

Kaya ako, nagtanong ako sa mga kaibigan ko kung ano ang gagawin ko.

Tinanong ko rin ang mga barkada ni Dani kung ano ba talaga ang problema niya, pero ayaw nilang sabihin kung ano talaga ang nangyayari.

One ShotsWhere stories live. Discover now