Inilayo n'ya sa akin ang box kaya suko akong inilapag ang tinidor.

Speaking of Ken...

Nagliwanag ang mukha ko at kinuha ang phone. Sa kan'ya na lang ako magpapabili. Sakto namang pauwi na s'ya.

@jahsten: daan ka sa pet shop tapos bili ka ng pusa. please please please!

Malawak ang ngiti ko nang pindutin ko ang send pero nawala kaagad dahil mabilis lang n'ya itong i-seen at hindi na nag-reply.

Inilapag ko na lang ito sa lamesa at malungkot na niligpit ang pinagkainan.

"Ako na lang maghuhugas nito..."

Akala ko makikipagtalo pa sa akin si Sejun...pero hindi! Tumayo lang s'ya at iniligpit lang ang mga ginamit nila kanina at itinambak sa lababo.

Habang naghuhugas, iniisip ko pa rin si Ken. Sana bumili talaga s'ya ng pusa. Tinatamad akong lumabas!

"Ligo lang ako, Justin at bibili lang ako ng 'gaming console!'" Madiing sabi pa n'ya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Stell mula sa hapag.

"Naghuhugas ka ba, Justin? Tumutunog telepono mo!" Si Stell.

"Sino raw?" Malakas na tanong ko.

"Kuya mo!"

Mabilisan kong binanlawan ang kamay ko at nagpunas na lang sa shorts na suot. Iniwanan ang mga plato at kinuha ang cellphone.

"Kuya..."

[Justin!]

Nailayo ko pa ng bahagya ang telepono sa tainga ko dahil sa sigaw n'ya. Sakit, ah?

"Bakit ka napatawag?"

[Kinukumusta ka lang. Ayos ka ba d'yan? Sino ba mga kasama mo? P'wede ko bang malaman ang address mo? Kahit man baranggay lang---]

"Kuya, ayos lang ako."

Lumabas na ako at naupo sa may terrace.

[P'wede ba kitang puntahan ngayon?]

Malumanay ang tono n'ya at saka bumuntong hininga.

"Hindi ko alam. Magpapaalam pa ako kay Stell--"

[Sino si Stell?]

"'Yung may-ari ng bahay na tinutuluyan namin ngayon?"

[Kasama mo pa rin naman si Sejun, 'di ba?]

"Oo, Kuya."

[Tanungin mo muna s'ya kung p'wede ba kitang madalaw-dalaw d'yan nito sa mga susunod na araw.]

"Oo, Kuya."

[Tsk, puro ka oo! Siguraduhin mo lang na ayos ka d'yan, ha!  Wala bang babae d'yan? Baka kung anong gawin mo---]

"Ano?! Grabe ka sa akin, ah? Hindi ko gagawin 'yang iniisip ko! Kaya ko na 'to! Sasamahan ko lang si Sejun at kapag ayos na lahat, babalik din kami d'yan."

[Sige na, sige na. Magtatrabaho na ako. Puntahan na lang kita d'yan para dalhan ka ng damit.]

"Sige, Kuya."

[Bye, ingat kayo d'yan]

"Kayo rin d'yan. Bye..."

S'ya na ang nagbaba ng linya. Napabuga ako ng malakas na buntong hibinga at natulala lang sa mga punong sumasabay sa hangin.

"Tama itong ginagawa ko. Masaya na ako sa kung anong nangyayari sa amin ngayon..."

Maya-maya lang ay narinig ko ang langitngit ng pinto sa tabi ko.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now