Huwag mo akong sukuan..

Huwag naman sa ganitong paraan..di ko pa nasasabi sa'yong mahal kita..

Napatingin nalang ako sa sahig wala paring patid ang luha ko, hawak ko parin ng mahigpit ang pantalon niya..

"Parang awa mo na..

Iligtas mo siya.."

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko..

"We'll do our best, Mr. Zaldivar.."

Pagbalik ko ng kwarto ay agad akong dumiretso sa tabi ni Maxine..

Wala ka ba talagang balak gumising?

Akala ko ba di mo ako iiwan?

Paano na ba ako ngayon?

Gumising ka na..

Umupo muli ako sa tabi niya, hinawakan ko ulit ang kamay niya habang malaya kong hinaplos ang pisngi niya.

Bakit kung kailan nakita mo na at narealize mo ang lahat, saka naman parang sinasadyang nagiging mailap ang kasiyahan.

Hindi ba ako pwedeng sumaya?

Pangako, paggising mo..hindi kita iiwan.

Mamahalin kita..kayo ng anak natin.

Kaya wag ka ng matulog ng matagal..

"Papa?"

"A-ah, well if we'll continue praying..maybe Papa God will wake up Mama as soon as possible.." Yeah..maybe..I'm still holding on to my faith.

Diyos ko..

Marahan namang tumango si Kristoffer na naiintindihan kung ano ang ibig kong sabihin..

"Pare.." Bigla akong nilapitan ni Erik at Dale..

"Bakit?"

"May kailangan kang malaman.." Seryoso silang nakatingin sa akin, noon ko lang napansin ang isang unipormadong pulis na nakatayo sa may pinto. Sakto namang dumating sina Cyann at Lem kaya hinarap ko na muna ang dalawa.

"Sai, Lem..kayo na muna ang bahala kay Kristoffer." Tuwang tuwa namang sumama kay Lem ang anak ko dahil gustung gusto nito ito.

Siniguro ko munang nakalabas ang tatlo bago ko hinarap ang pulis.

"Si Chief Supt. Del Mundo pala..sya naman si Vladimir Zaldivar.." Pagpapakilala sa amin ni Dale sa isa't isa.

Inilahad nito ang kamay niya na siya namang tinanggap ko.

"Chief..ikaw ba ang may hawak sa kaso ni Maxine?"

"Yes sir.."

"Ano na ang progress?"

"Malaking tulong ang installed CCTV cameras sa pinanggalingan niyong coffee shop..nareview ng mabuti ang crime scene. Kailangan ko nalang po ng statement niyo, may ilang katanungan lang naman ako." Sabi nito habang inilabas ang isang maliit na notebook at ballpen.

Nagharap kami sa mesa at sinimulan na niyang magtanong.

"May kilala po ba kayong nakaaway si Ms. Mariano?" Kaaway? Si Maxine ang pinakasweet na taong nakilala ko, halos lahat ay kaibigan nga niya eh.

The Proxy WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora