Epilogue: Love at its Greatest

Start from the beginning
                                    

He's already sixteen this time.

Akala niya magagalit ang mga magulang. Inaabangan niya nang batuhan siya ng Bible verses para kontrahin siya.

Handa na siyang mapagalitan, ang importante lang mailabas niya ang nasa puso niya. Dahil sabi ng mga ito, mas gusto ng mga itong totoo at matapat sila sa mga nararamdaman.

"Okay, David," malumanay na sabi ng Mommy niya.

Natigil siya sa pag-iyak. "W-What?"

"Your Mommy said, it's okay," ulit pa ng Daddy niya. Kalmado lang din.

His parents hugged him. Then, his mom made David a hot chocolate drink, and his dad allowed him to play computer games for that night.

Naguluhan si David. Okay lang sa mga ito na ayaw niya na?

Habang humihigop siya ng hot choco at nakatulala sa harap ng computer niya, takang taka siya.

May kung ano sa puso niya ang masakit. Maya-maya kumalma na ang pakiramdam niya. Nakapagdasal pa siya kahit maikli. Hindi na muna siya nag-devotion dahil nalilito siya.

Kinabukasan, solo siyang hinatid sa school ng Daddy niya. Ang Mommy niya ang naghatid sa tatlo niya pang nakababatang kapatid kahit na iisang school lang naman sila.

"Are you calm now, Terrence David?" nakangising tanong ng Daddy niya.

Nakagat niya ang ibabang labi at napayuko. "I'm sorry, Dad... I don't mean what I said yesterday."

"I can understand you, though. Madalas, masarap na lang tumalikod sa paniniwala kung ganitong hindi mo nakikita ang 'reward' o 'blessing' na sinasabi nila kapag sumunod ka sa Diyos. Kapag puro na lang sakit sa kabila ng ginagawa mong pagse-serve."

Napabuntong-hininga siya.

"But remember, the blessing is God Himself, David."

Napalunok siya. Hindi lahat ay nagkakaroon ng personal na relasyon sa Diyos. Hindi lahat ay nakakapagdasal ng diretso Dito. Hindi lahat ay malayang nahahanap at nakikita ang Diyos.

David was reminded that he has this blessing that others find hard to receive.

Napatingin siya sa amang nasa daan ang focus habang nagmamaneho. "Daddy, I want to be a man of God, like you."

Ngumiti ito. "Then you are already in the right track, anak. I'm never going to disregard the pain of being bullied and be called by names. Just remember what the people did to Jesus when He preached the good news..."

Napalunok siya. Tumango. "H-He was crucified..."

Dumaan ang mahabang katahamikan sa kanila.

"God can save Jesus, you know. God can easily take Jesus out of that cross. God can powerfully kill all the people who wants His son to get killed. But between His son and the sinners, God chose the sinners and allowed Jesus to die for them instead. Because Jesus is the most perfect sacrifice, anak. Ang dugo Niya ay katumbas ng lahat ng kasalanan natin na patatawarin ng Diyos. Ang buhay Niya ay katumbas ng buhay ng maraming tao. Hindi lang noong panahon na iyon, pero hanggang sa'tin ngayon...

"That's the greatest love, anak. Na kayang isakripisyo ng isang tao ang buhay niya para sa ikabubuti ng mas nakakarami."

David felt a warm touch inside his chest. Matagal niya na 'tong alam pero ngayong sinabi ulit sa kanya, parang bago ulit.

"Your bullies can't understand that for now. And it's okay. Wala tayong kailangang ipilit. Huwag mo ding pilitin, David. Binubuksan ng Diyos ang mata at puso ng tao sa tamang oras. Ang utos lang sa'tin, magpatuloy na ibahagi Siya, kahit ano pang salita ang matanggap nating kapalit.

Love at its Greatest (Love Series #3)Where stories live. Discover now