The Things I Want To Ask You

42 10 39
                                    

-One Shot Story-

Mga matang mapang husga ang nakamasid sa akin sa tuwing papasok ako ng ating eskwelahan. Mga bulungan sa palagid na nagsasabing isa akong masamang tao, wala akong kwenta, isa akong pabigat sa lipunan at iba pang mga masasakit na salita.

Ngunit parati kang nariyan upang takpan ang aking mga taenga. Para hindi marinig ang mga walang ka kwenta kwentang mapang husgang mga salita.

"Eron! Nag-luto ako ng pancake! Sabay nating kainin mamaya ha?!"

"Pancake na naman? Wala ka bang ibang alam iluto ha?"

Lagi kitang inaasar sa tuwing ipinag-luluto mo ako ng paborito mong pancake.

Bakit ba lagi kang nagluluto kahit hindi ka naman marunong?

Wala naman akong magagawa kung hindi ang kainin ang niluto mo dahil baka magtampo ka pa. Ayaw naman kitang magalit dahil ikaw lang ang meron ako at wala ng iba.

Sa tuwing may mga nanghahamon ng suntukan sa akin sa labas ng eskwelahan, lagi mo akong inaanyayahan na sumabay sa'yo na para bang alam mo na may naghihintay sa akin na kapahamakan .

"Eron! Kain tayo dun sa Ice Cream-an sa malapit ha?"

"Ice cream? Ang takaw mo talaga!"

Paano mo nalalaman na may mga nag-hihintay sa akin sa labas na handa akong gawing isang malamig na bangkay?

Hindi ka nila kayang galawin dahil ikaw ang anak ng may-ari ng ating eskwelahan at anak ka ng pinaka nirerespetong tao sa ating lugar na isa sa mga mataas na opisyal.

Bakit ba ako ang naisipan mong gawing kaibigan?

Isa lamang akong hamak na estudyante na laging sina- sabihan na basagulero ng kapwa natin estudyante maging mga guro ay ayaw sa akin.

Ano bang nakikita mo sa akin at gustong gusto mo akong laging kasama?

Dahil sa tinataglay mong kabaitan hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog na'ng tuluyan sa' yo. Swerte naman at pareho pala tayo ng nararamdaman.

"Sunny, will you be my girlfriend?"

"Tinatanong pa ba 'yan?! Oo Eron! Sinasagot na kita. I love you Eron ko!"

Masayang wika mo nang panahon na sinagot mo ako sa isang buwang panliligaw ko sa'yo.

Sa dinami dami ng mga lalaking nagkakandarapa sa' yo. Bakit ako pa ang napili mo?

Ang saya-saya ko dahil ang babaeng pinakamamahal ko ay naging akin at mahal din ako. Hindi mo hinayaan na mag-away tayo o may humadlang at sumira sa ating dalawa.

"Ayos lang ba na sumama ako kina Anna? Baka hindi kami kaagad makauwi. Alam mo na bonding time."

"Ikaw ang bahala. Hindi naman ako magagalit. Basta sabihin mo sa akin kung nasaan kayo at sinong kasama mo."

Bago ka gumalaw ay sinisigurado mo muna na ayos lang sa akin ang lahat dahil takot kang magalit ako. Maliban sa akin ay si Anna pa ang lagi mong kasama dahil siya ang nag-iisang kaibigan mo.

"Sino ba yan ha? Bakit laging naka buntot yan kay Sunny? Hindi tuloy ako makaporma."

"Oo nga! Lagi na lang kasama si Sunny mukha namang basahan damit niya."

"Wag nga kayong maingay. Baka marinig kayo niyan at mag-sumbong kay Sunny. Yari tayo."

Naging tayo nga pero ang dami pa ring mga lalakeng nag papapansin sa'yo. May nag sasabi pa ngang baka body guard mo lang daw ako. Iisa lang naman ang lagi mong sinasabi sa akin simula pa noon.

The Things I Want To Ask YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin