Isang Taon, Dalawang Taon

47 2 0
                                    

Kaechosan ko no'ng 2015 'yung mababasa niyo na kaechosan ko pa rin hanggang ngayon. *lumuha ng dugo*

---

Sa pagkakaalala ko, January 2013 ako unang tumuntong dito sa Wattpad. Nagmamaala-Dora the Explorer ako noon—hanggang ngayon pa rin naman—pero 'di 'ko pa rin mapantayan ang kagandahan ng buhok ni Dora.

Sa pagkakaalala ko, isang taon akong hindi nagsulat nang matino. Nakapag-post ng story, oo, pero hanggang doon lang, 'di natatapos.

Ngayong taon, ewan pa rin. 'Di ko alam kung makakapagsulat ba 'ko ng matino o kung kaya ko ba talagang magsulat. Pero, ita-try ko pa rin.

Dalawang taon na pala ako rito. Sa loob ng dalawang taon na 'yon, 'di ko na mabilang kung nakailang palit na ako ng DP at 'About Me'. Ilang beses na rin akong nag-delete ng story at nag-publish ta's delete ulit. Naging jeje din ako nung unang taon ko rito. Gumamit din ako ng "Wattpad style" sa pagsusulat kasi uso. Para akong inosenteng bata. Sa loob ng dalawang taon, may nagawa naman akong 'di ko pinagsisisihan: Ang makapagbasa ng magagandang akda at makilala ang mga henyo sa likod ng mga 'yon.

Binibigyan na naman ako ni 2015 ng another 365 chances para magsulat. 365 x 2 na ang pinalagpas 'ko. Next year, 366 na. Leap-year, e. Sayang 'yon.

Try ko na nga ngayon bago madagdagan ng isa na namang taon ang dalawang taon ko rito. Ajujuju.

Resaykel BinWhere stories live. Discover now