Maraming sumasagi sa isipan niya, dumadaan, pero ang masaklap pa, may ibang nananahan kahit pilit niya na itong pinapaalis. Nagmimistula itong mga lintang nakakapit.
Maraming sumasagi sa isipan niya, dumadaan, na ninanais na lamang niyang manatili. Ayaw niyang ilabas. Ayaw niyang may makaalam.
Maraming sumasagi sa isipan niya, dumadaan, pero ang nakakamangha, mas pinili niyang mabigyang-buhay ito at maisatitik. Sa wakas.
YOU ARE READING
Resaykel Bin
RandomTrash Can. Tapunan ng basura. Nabubulok man o hindi. May pakinabang o wala. Labasan ng mga ideyang nakatambak sa naa-out of space nang utak.